"Lilipad lipad ang magandang tulad ko hay nako nakakapagod na maging maganda at dyosa na pak na pak ang kaseksihan" Tapos umikot siya ng bongga
"We? Ikaw maganda Purple? Seksi? Ano ba yan nagbibiro ka na naman" Tumawa habang nagpagulong gulong si Orange sa damuhan
"Kapal ng face mo Orange! Totoo naman ah? Im so Gorgeous and so Sexy" rumampa pa siya at kumaway kaway
"Hahaha may poste naglalakad at oh kumaway pa? Grabe talaga iyooon!" Namula na sa inis si Purple at tinaas na nito ang kamay niya para tamaan ng kanyang magic si Orange
"Tss. Pikon, diyan ka na nga Purple at baka mapatay mo pa ako nakaka inis kasi iyang magic mo! Dun na ako kay Black" Bigla na lang nawala si Orange at naiwan mag isa si Purple
"Hays Purple.. bakit kaya purple pangalan ko? Shucks nakaka-loka naman si Goddess Floral pwede naman Violet hihi mas trip ko kaya yun.. loka talaga siya at Floral ang kanya? Uh bagay na bagay sounds like Koral mukha siyang koral haha" Tumawa pa ito at hinampas hampas ang puno
"Purple.. ano iyon? Paki ulit maari ba?" Gulat na gulat ito at napatigil ito sa kanyang tawa
"Ay! Goddess sabi ko po napaka ganda talaga ng iyong ngalan.. kasing ganda ng mga bulaklak sa ating tahanan" Ngumiti ito ng malapad
"Sa susunod Purple hindi ko hahayaan na maglapastangan ka ng isang ngalan ng iyong kalahi" hindi ito pinakikinggan ang sinabi ng kanya Diyosa
"Lapastangan po talaga? Hmm.. maling salita. Ito po ay pang-aasar lamang hehe.." nag sign pa ito ng peace
"Ako ay hahayo na Purple at maari ba na ikaw ay mag-ensayo na upang mas lumakas ka" Bigla na lang naglaho si Goddess Floral
"Hihi.. ayos!" Humalakhak pa si Purple at nagtungo na sa kanilang lugar ng pag eensayo o mas tinatawag na Henosi Deglu ito ang lugar kung saan sila naglalaban laban at dito ginaganap ang iba't ibang pag eensayo sa kanya kanyang kapangyarihan. May isang napaka lawak na karagatan sa gilid nito at buhangin ang natatapakan dito
"Purple mabuti at narito kana" Lumapit sa kanya ang kulay Puti ang buhok at ang kanyang halos kasuotan
"Ay hindi White litrato ko lang ito. Actually isa lang akong naglalakad na murals" Ngumisi pa ito
"Ewan ko sayo Purple napaka-hmm mo talaga atsaka ikaw ay gumagamit ng Ingles saan mo iyan natutunan? Ika'y nag-aaral ba?"
"Malamang nag aaral tss.. sa ganda at pak na pak kong kaseksihan tingin mo hindi ako marunong mag ingles? Naku naman White gigil mo si ateh mo purple" Tinaasan na lang niya ng kilay ito
"Ewan! Haha tara na at mag ensayo" Hinila na niya ito
"Wait. Can't you see? Im pretty and sexy hindi dapat ako kinakaladkad oh!" Nagpagpag pa ito ng kanyang kasuotan at pakpak
"Bahala ka na nga! Hindi kita maunawaan" lumipad na ng tuluyan palayo si White
"Ugh! Oh my! Im so dirty i need to fix myself.." tapos iwinagayway na niya ang kanyang kamay at sa kaunting oras siya ay nagpalit na ng anyo
Ang kanyang suot ay mas gumanda ngunit maiksi, kulay purple at napapaligiran ng makikintab na palamuti gayon din ang kanyang buhok madaming palamuti at mas humaba. Nagkaroon din siya ng maliit na sungay na mas nagpaganda at bagay na bagay dito
"Oh! Im so pretty and uh so sexy!" Pag puri niya sa sarili niya
"Hoy purple ano? Mag mamaganda ka na lang dyan?" Naka simangot na lumapit sa kanya ang lalaki na kulay asul ang kanyang buhok
"Tss.. hindi Blue mag eensayo na nga ako" Inis na naglakad ito
Sinabayan ito sa paglalakad ni Blue
"Kamusta kana Purple?" Pagtatanong nito na kinataas ng kilay ni Purple
"Hmm syempre ayos lang ako maganda at seksi pa din naman" Ngumiti ito at tiningnan ang kanyang sarili
"Kita ko nga haha" napakamot na lang ng ulo ito.
Hindi na niya alam ang sasabihin niya kasi kinakabahan na siya lalo na at may gusto siya kay purple at ayaw niya na malaman ito
"Tagal niyo naman" Nakasimangot at naka taas ang kilay ni Orange
"Dapat ingatan ang tulad ko" Itinuro pa ni purple ang kanyang sarili
"Tayo na at mag ensayo" Masiglang sabi ni Orange
"Tss walang tayo sorry" Pang babara ni purple dito
"Edi wala!" Inis na inis ito
"Hahaha tama na yan tara ensayo?" Pagpigil ni Blue sa kanila
"Shall we?" Naguluhan na tumingin si Blue at Orange
"Shawi?" Sabay nilang sabi
"Ngalan iyon nino? Narito ba siya sa palasyo?" Pagtatanong ni Orange
"Hahaha.. i mean tara na" tumawa pa si Purple
"Hahaha salitang Ingles" Sabi ni Blue
----------------------
"Magkakaroon pala ng paligsahan at tayong tatlo ang magkakampi" Sabi ni Orange
"Lahat kasali? Ayos yan ah mukhang masaya" Napangiwi si Purple at tiningnan ang mga kalahok
"Kaya dapat galingan natin" Sabi ni Blue at nagkatinginan sila ni Purple
"Hindi na kailangan magaling naman na ako haha" Tumaas naman ang kilay ni Orange
"Wee? Palibhasa ikaw lang ang nag iisang kakaiba dito purple.. assumera ka" banat ni Orange
"Assumera ah? Anong kahulugan niyon sige nga?" Paghahamon nito
"Hehe sabi mo sa akin yun dati hindi ko nga alam iyon " pagtawa nito
"Ayan kita mo na? Ginamit ang aking salita" umirap ito
"Tama na iyan kailangan natin ang masusing ensayo. Doon na tayo sa malapit sa dagat" pag aaya ni Blue
"Oo nga! Kay ganda doon madaming tanawin at napaka tahimik talaga" pag sang ayon ni Orange
"Saan naman iyan?" Taas kilay na tanong ni purple
"Doon sa Pseayhan. Malapit sa dagat at tagong lugar" pag lalarawan ni Blue
"Sige tara na" Nauna na maglakad si purple
"Sungit at ang taray ni Purple kainis!" Sabi ni Orange
"Hayaan muna ganyan lang siya pero kaakit akit siya" bulong naman ni blue
"Palibhasa naiibigan mo kaya ka ganyan" Lumingon sa kanila si purple
"Ang bagal niyo at pinag uusapan niyo pa ang kagandahan ko"
"Na-narinig mo?" Gulat na tanong ni Blue
"Nagbubulungan kayo dahil ang ganda ko? Hays nasanay na ako" Napangisi ito at nauna na ulit sa paglalakad
"Akala ko naman" Ayan na lang ang nasabi ni Blue sa sobrang kaba
YOU ARE READING
Purple
FantasyTungkol sa isang fairy na ubod ang katarayan at feeling mataas at hiniling maging sirena imbes na tao ginawa niya ang lahat upang matupad ang kanyang pangarap hanggang sa makita niya si Madam Gorry at natupad nga ito pero sa pagtapak niya sa kaharia...