Prologue

12 2 1
                                    

Nakatayo ako ngayon nang may layong limampung metro mula sa mansyon na nasusunog. Hindi pa ito ang katapusan ng lahat. Madami na akong napagdaanan at madami pa akong pagdadaanan. Pinanood ko ito habang unti unti itong tinutupok ng apoy habang humahalik ang hangin sa aking buhok dahilan para dumikit ito sa mukha ko na puro galos at sa labi ko na lasang kalawang ngayon dahil sa dugo.

"I never knew my life will come to an end right in your hands young woman"

Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa kanan ko. Nakaluhod sya ngayon at pinagmamasdan din na matupok ang kanyang ari-arian. This old hag is the reason why this shit happened. Why this shit isn't near to an end. And will never have an end.

"Want a fact?" Sabi nya pa nang may kasamang mapang-asar na tawa ngunit nanatili akong tahimik at nakatitig sa kanya.

"This is all your father's fault" naningkit ang mga mata ko at agad na kinasa at tinutok ang baril sa ulo nya.

"Anong karapatan mong sabihin yan sa tatay ko?" May halong pait ang pagbigkas ko ng mga salita. Hindi ko na napigilan ang luha ko na ngayon dumadaloy sa mukha ko dahilan para makaramdam ako ng hapdi dahil sa mga sugat na natamo ko kanina.

"Kung hindi lang nabulag sa katotohan ang tatay mo, malamang ay hindi mangyayari ang lahat ng ito" hinigpitan ko ang hawak sa baril ko at isang kalabit lang sa gatilyo ay tuluyan nang magtatapos ang buhay nya.

"Kung ikukumpara sa isang bagay, ang nalalaman mo ay isang katiting na asin lamang. Napakaliit, napakadaling matunaw"

Binaril ko sya sa ulo ngunit dinaplisan ko lang sya. Dahilan para bumagsak sya sa lupa at maligo sa sarili nyang dugo.

"Spare his life" I said and walk away.

"Where are you going? I'll go with you" sabi nya at hinawakan ang braso ko.

Inalis ko ang kamay nya sa braso ko at tiningnan sya sa mata nya. Tss hanggang dito ba naman.

"Bahala ka" sabi ko at naglakad na palayo sa kanila.

I need to find that fucking truth. Fucking truth that will unveil my own identity.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Half MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon