CHAPTER 1

2.7K 50 6
                                    

Chapter 1 : Who's that Girl?

You're not alone,
Together we stand,
I'll be by your side,
You know I'll take your hands.

When it gets cold,
And it feels like the end,
There's no place to go,
You know I won't give---

Sinagot ko na agad yung tawag.

"Hello?". Sabi ko

"Hey Ley, I miss you!". Si Clio pala

"Hey good morning, I miss you too! Where are you?! Ang tagal mong nawala Clio!".

"Haha Ley, gusto na kita makita! Magkita tayo sa coffee shop ko 10 am! Sharp!".

"Okay okay". Binaba ko na ang phone.

Clio is my Bestfriend since High School. 2 years ago, umalis sya because may family trip sila. Wala syang tawag, text etc. Kaya sobrang miss ko na yung babaeng yun! Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya 2 years ago from now. I miss Clio!

Tumingin ako sa wall clock ko, its 8 am na. Nag-ayos na ako at naligo. Excited makikita ko na si Clio!

Bumaba na ako para magbreakfast, sakto naman andun na sila mama at papa.

"Good morning!". Bati ko sa kanila pero wala lang. Hindi nila pinansin ang pagbati ko at nagtuloy lang sila sa pagkain.

"Next week na yung engagement party nyo ni Asher". Sabi ni Papa

Tumango tango ako. Next week pa naman eh. Engagement party palang naman. Kumuha na ako ng kakainin ko, onti lang dahil ililibre ko si Clio mamaya!

"Kapag kinasal na kayo ni Asher ay hindi ka na dito titira, may sarili na kayong bahay ni Asher. Don't worry hindi naman masyadong malayo dito". Napalunok ako sa sinabi ni Mama

"Gagawin kong miserable ang buhay mo! Humanda ka!"

Na-alala ko ang sinabi ni Asher. Napalunok ako at kinabahan. Alam kong seryoso sya sa sinasabi nya kaya lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Paano na to?! Sigurado akong totoo ang sinabi nya. Sa sobrang taranta ko ay napatingin ako sa malaking wall clock dito sa dining, 9:30 am na. Inubos ko na agad ang pagkain ko at nagpa-alam na aalis.

"Wag kang magpapagabi". Sabi ni mama

Tumango ako at nagpunta sa garahe para kunin ang kotse ko. Minsan ko lang ito ginagamit kaya mukha pa itong bago. Dumeretso na ako sa coffee shop ni Clio.

"Good morning Ma'am Hadley!". Bati sa akin ng guard bago ako pumasok. Buti pa ang guard binati ako.

Pagkapasok ko palang ay naamoy ko na agad ang amoy ng mga coffee na binili ng mga tao dito. Hmmm I love coffee...

"Hey Ley!". Nakita ko si Clio, tumatakbo at bigla akong niyakap. Muntikan pa kaming matumba kaya napahawak ako sa lamesa, bat ang bigat ng babaeng to?! haha. I miss this girl!

"Oh god Clio! I miss you! Saan ka nagpunta?!". Lumayo na sya sakin at ngumiti, may napansin ako. Medyo malaki ang tyan nya. Is she pregnant?!

"Ley, I'm pregnant!". Sabi nya habang nakangiti! Shit totoo nga!

"Sino ang ama?". Tanong ko sa kanya

"Roco Lim Fiera, remember? Yung guy sa bar na tinulungan ako nung muntik na ako marape?! Haha!". Sabi nya napatawa ako ng maalala ang nangyari nun. She was so drunk at muntikan na syang marape ng lalaki pero dumating si Roco at binugbog yung lalaki.

"So, what happened two years ago?".

"Pumunta kami ng family ko sa London, Nagbonding. Nalaman ko na in-arrange marriage ako nila mama sa anak ng Fiera. And then wala akong choice kundi ang pumayag dahil para rin sa business namin. Nang malaman ko na si Roco pala yung guy napapakasalan ko ay naging close kami, hanggang sa may nangyayari na sa amin. Haha and now, I'm 3 months pregnant". Oh kaya pala! She's so happy while explaining to me what happened two years ago.

"I'm so happy to you Clio, so, kailan ang kasal nyo?". Tanong ko! Syempre gusto ko ako ang Maid of Honor!

"Friday, next week". Sabi nya habang hinahawakan ang tyan nya na medyo lobo na. Napangiti ako...

Next week.

Naalala ko ang engagement party namin ni Asher. Haysss pagkatapos nun kasal and then miserable na ang buhay ko!

"May problema ba Ley?" Tanong sakin ni Clio.

"Nothing". Nginitian ko sya. Ayokong magsabi ng problema sa kanya dahil baka ma-stress sya, buntis pa naman.

Nag aya ako sa mall dahil gusto kong maglibot at gusto ko na rin bumili ng damit ng inaanak ko! Nagpunta kami ng mall dahan dahan lang ang pagmamaneho ko dahil may kasama akong Buntis.

Pagkadating sa mall ay agad kaming naglibot, pero ng magutom ako ay kumain muna kami.

"Here's the menu Ma'am". Bigay sakin ng Waiter

"Uhm ito lang sa akin, what about you Clio? Anong gusto mo? My treat!". Sabi ko sa kanya, nakita kong nagliwanag ang mukha nya. Haha

"Uhm this, this and this". Hindi pa rin sya nagbabago, matakaw pa rin.

"Ok Ma'am wait nyo na lang po". Umalis na ang waiter

Nakarinig ako ng ring ng phone, akala ko sakin, kay Clio pala.

"Wait lang Ley, tumatawag si Roco". Tinanguan ko lang sya.

"Hello Love?". Sabi ni Clio na nakangiti sa kausap nya sa phone habang papalayo sa akin.

Tinignan ko si Clio, she's happy now. Ako kaya kailan ako magiging happy? Magiging happy kaya ako kapag pinakasalan ko si Asher? But he said na gagawin nyang miserable ang buhay ko! Natatakot ako sa mangyayari sa future ko.

Kailan kaya may magmamahal sakin? Buti pa si Clio, maraming nagmamahal sa kanya. Malas ba talaga ako? Hayst

Habang naghihintay ay nagtingin tingin muna ako sa loob ng resto na to. Hmm maganda ang place at halata sa mga nandito na masarap ang pagkain dito. Maraming tao dito at---- wait?!.... Sya ba yan? Tinitigan ko ng mabuti dahil baka nagkakamali lang ako

Nakita ko sya habang masayang nakikipag-usap sa babae na nasa harap nya habang kumakain... nakaramdam ako ng kirot sa king dibdib.

"Ley, okay ka lang?" . Nandito na pala si Clio. Nginitian ko lang sya.

Sino ba yung kasama nyang babae?

My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now