CHAPTER 2 : Feeling alone

2.2K 44 3
                                    

Chapter 2 : Feeling alone

Sino yung kasama nya?

Kanina ko pa sila pinagmamasdan habang kumakain ako. Ang sweet nya kase sa babae, kase sinusubuan nya yung babae at nagtatawanan sila. Yung iba na napapadaan ay napapatingin sa kanila.

"Ley?!"

Nagulat ako sa pagsigaw ni Clio. Sa sobrang gulat ko ay nasagi ko ang baso ko at nahulog at nabasag. Ganun talaga pag walang sumasalo,nababasag.

Ang daming napatingin sa gawi namin dahil sa nangyari, lalo na sila Asher. Nagulat ako ng magtama ang paningin namin.

Kinabahan ako ng tignan nya ako ng masama kaya tumingin na lang ako kay Clio.

"Uh-- Ley? Are you sure na ok ka lang? Tapos na ko kumain tapos ikaw? Tulala ka lang. May problema ba?". Tumingin sya sa tinitingnan ko kanina.

Nakakunot ang noo nyang nakatingin sa akin. Di ko na lang sya pinansin at kumain na lang ako.

Pagkatapos kumain ay nagpasya na kami umuwi dahil napansin ni Clio na wala ako sa mood magshopping.

Habang nagdadrive ay di mawala sa isip ko kung sino yung babaeng kasama kanina ni Ash. Yun ba yung sinasabi nyang mahal nya? Hayss bat ko ba iniisip to?...

Nagfocus na lang ako sa pagmamaneho ko. Tahimik lang si Clio na hinihimas ang kanyang tyan.

Tahimik lang akong nag iisip kung sino ba yung kasama ni Asher? Bakit masaya sya? Never ko syang nakitang masaya, ngayon lang..

Nang makarating kami sa bahay nila Clio ay bumaba na sya. Agad naman na lumapit sa kanya ang guard para alalayan.

"Sure kang ok ka lang Ley? Pwede ka naman mag stay dito..", Clio

"I'm okay, don't worry". I smile, "Go na, aalis nako magkita na lang tayo sa kasal mo". Then I kiss her in her cheek.

Umuwi na ako sa bahay at dumeretso sa kwarto ko.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon, basta ang alam ko lang masakit.

Masakit, kumikirot ang kung saan man dito sa dibdib ko.

Hindi ako lumabas ng kwarto at hindi ko na alam kung anong ginagawa ko.

Iniisip ko yung kanina at tumulo ang mga luhang kanina ko pa gustong gusto na ilabas.

~~~~~

Dumaan ang ilang araw and good to say that I'm very well fine now.

Naging mas busy ako sa dumaang araw at wala naman akong naging problema.

Kinalimutan ko na ang mga nangyari na ayaw ko ng maalala pa dahil nakakasama lamang sakin. Tss

Now, I'm wearing a maroon dress and a black doll shoes. Ito kase ang theme ng wedding nila Roco and Clio.

Yes, ngayon na ang kanilang kasal at excited na akong makita sya.

I'm at the entrance of the church, waiting my beautiful bestfriend and her 3 months baby inside her tummy, wearing a white long gown.

While waiting, tinignan ko si Roco na tumatawa habang kausap ang kanyang barkada. I can see that he is happy with Clio.

Tinignan ko ang loob at labas ng simbahan, maganda, malinis at malaki.

Yung simbahan na pinapangarap ng mga babae sa future nila. Isa na ako dun

Iniisip ko palang kung ganito ba ang magiging wedding namin ni Asher, ayoko ng isipin.

Tumingin tingin na lang ako kung saan para makalimutan ang iniisip ko.

Ilang minuto na lang at magsisimula na ang wedding nila.

I'm happy for both of them

Mula kanina ay hindi ko pa nakikita si Clio dahil dumeretso na agad ako dito sa simbahan.

"Hey Roco! Congrats Bro!".

Pamilyar na boses ang akin narinig at hindi nga ako nagkamali.

"Thank you, Asher!"

~~~~~

My Heartless HusbandWhere stories live. Discover now