STRANGE FEELING

1.5K 26 4
                                    

"Third Person's POV"





"John?"




"Oh, bakit mahal?"







"Mahal *with matching kislap-kislap pa ng mata* kailangan na nating pagplanuhan ang ating mga gagawin sa ikapitong kaarawan ng ating anak, alam mo namang ang ikapitong kaarawan ang pinaka-importanteng kaarawan para sa mga bata diba? Kaya kailangan nating pagplanuhan ito ng maayos!!!!" sabi ng kanyang asawa na napaka-excite na excite para sa paghahanda ng kaarawan ng kanilang anak. Sinasabi niya ang mga katagang yun na may ngiti sa kanyang mga labi.






Dahil marami na rin ang pumapasok sa kanyang utak na mga ibat-ibang klase ng plano kaya sobrang naeexcite na siya na gawin ang lahat ng mga planong naiisip niya.






"Ayy... oo nga pala Sheya. Sige, sige gawin na natin." pati si John na excite rin sa pagplaplano. "Pagplanuhan na natin ang ating gagawin sa kaarawan ng ating anak." dagdag naman na sabi ni John.







"Kung alam mo lang kung gaano na ako kaexcite!!!!" pasigaw na sabi ni Sheya sa kanyang asawa dahil sa sobrang tuwa nito.






"Eh mahal pano kung hanapin tayo ng ating anak, alam mo namang palaiyak yun? At wala rin namang maglilibang sa kanya dito." halatang may pagkadismaya sa boses ni John kasi baka hindi siya makasama sa pagpaplano dahil walang magbabantay sa kanilang anak at kung ang katulong naman nila ang magbabantay sa kanilang anak ay hahanapin parin sila nito.







"Hmmmm.... actually naisipan ko rin yan kanina and I have a plan about that. Hindi naman ako makakapayag noh na ako lang ang magplaplano. Alam mo naman na seventh birthday ito ng anak natin kaya kailangan tayong dalawa ang magpaplano and that's final." nakangiting sabi ni Sheya sa kanyang asawa na nagtataka sa kanyang iniisip. "And by the way, mahal maghahanap muna tayo ng maglilibang sa ating anak para mas matagal pa tayo na makapagplano." mahabang saad ni Sheya sa kanyang asawa.






"Mahal pano kung si Serah nalang kaya? Kasi kung may gagawin man siya nandoon naman yung asawa niya di ba, na si Rico?" pagsusuggest naman ni Sheya pero nagdadalawang isip siya sa mga sinabi niya kasi sa pagkakaalam niya palaging busy ang asawa ni Serah








"Tara tawagan na natin si Serah." agad naman na tugon ni John sa mga sinabi ng kanyang asawa.







"Ahmm.. John, kasi alam mo naman yung asawa ni Serah diba? Palagi yung busy sa business nila." nanghihinang sabi ni Sheya kasi baka di sila makapagplano ng maayos.






"Subukan lang nating tawagan mahal tutal tita naman yun ng ating anak diba? At isa pa kaibigan naman natin si Serah." pangungumbinsi naman ni John sa kanyang asawa dahil nakikita niya sa mga mata nito na nagdadalawang isip pa.






"Oh sige nanga, mahilig din naman sa bata si Sheya eh at wala rin naman itong anak kaya siguro wala rin ata siyang pinagkakaabalahan ngayon. At may pag-asa naman tayong pumayag siya." pagsasang-ayon nalamang ni Sheya sa kanyang asawa dahil sa kakulitan nitong ipilit na tawagan si Serah. Ayaw niya kasing naaabala ang kanyang kaibigan.

REVENGE OF THE LONG LOST GANGSTER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon