Not Just Your Ordinary Girl (Girl<3Girl)

3K 39 0
                                    


Ako si Erin Jade Mendez Alcantara silent millionnaire. But I don't really need all these money kasi I just want an ordinary life at dahil gusto kong maranasan yon naging malapit ang puso ko sa mga bata sa kalye. Ewan ko pero nage-enjoy akong makipagkwentuhan tungkol sa mga buhay nila at gustong-gusto ko rin naman silang kwentuhan ng mga children's story na ginagawa ko and writing children's story is my favorite hobby. Ang mga batang ito yung klase ng mga tao na salat man sa yaman ay nagagawa pang tumawa.Sa tuwing dadalawin  ko sila sa tambayan nila sa may turo-turo na nasa harap ng isang call center company, sinisigurado ko na may dala akong pagkain para kanila kasi di sila makikinig sa akin pag gutom sila.

Isang araw, nandito kami sa tabi ng mga nagtitinda, katatapos ko lang basahin yong story ko na "Anghel sa Lupa" at sinasabihan ko na yung mga bata about sa moral story nang may isang babae na lumabas mula sa loob ng call center company sa harapan. Napatigil ako sa pagsasalita kaya napatingin din ang mga bata kung saan ako tumitingin.

"Ate Erin, siya ba yung anghel sa story mo?" ni tanong Mia, ang pinaka matanda sa mga batang kasama  ko. Napatingin tuloy ako kanya at napangiti. Tinuloy ko na yung sinasabi ko kanina pero tumigil muna ako ng pasimple at sinundan ko pa rin ng tingin yung anghel este!, yung babae pala.

Yung anghel na yon..matagal ko nang gusto pero magugustuhan niya ba ako? Sana kung gaano kaamo ang mukha niya ganon niya rin kaamong tanggapin ang pag-ibig ko. Pero pano kung hindi? Di bale andito ang tropa kong mga bata from the Ugly Heaven Street para tulungan akong ma-fall sa akin si Anghel.

This is a girl to girl love story. :)

Ang kwento pong ito ay nag-ugat sa imahinasyon ng manunulat na naghahanap ng pampalipas oras at ito ang napagdiskitahan ni Athor. :)..short for author..hehe...one letter lang ang naalis!

Warning lang po,,,ay wala pa pala kissing scene...basta magwawarning na lang ako.

First story po ito ni Athor kaya sana gabayan niyo po siya ;D

Not Just Your Ordinary Girl (Girl&lt;3Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon