Kendra's POV
"Tif ba't ganon? Ang unfair ng buhay?"
"Eh wala eh, its life bhest let's deal with it, Life would be boring if everything is perfect"
Seryoso niyang sabi saakin habang pumipili siya ng dress niya para sa debut ko. 2 days nalang.
About Noah.. wala pa akong balita sakanya eversince. Sabi niya ipagkakanta niya ulit ako pero hanggang ngayon wala padin, ni anino niya hindi ko pa nakita. Wala ding texts, kung sabagay hindi man daw nag papaloload yun
"Eto bagay ba sakin? ano ba bhest bakt tulala ka?" Sabay turo nya sa red dress na simple. Nasa mall kasi kami. Idea ni Tif na magpa make over para sa debut. Tumango naman ako. At nag-make face siya. Gaga talaga yun, iniwan ako at dumeretso siya sa fitting room. Sinundan ko naman siya kase may mga upuan na malapit doon. Masakit narin ang mga paa ko, kanina pa kaming 1pm magsisix na. Marami nadin kaming nabiling kung ano-ano
After few minutes lumabas siya sa fitting room with a smile on her face
"Kukunin ko na to, last na to bhest, punta na ako sa counter. Hahaha"
"Seriously? 'Di mo man lang ako tatanungin kung bagay mo?"
Lakas ng self confidence. Di man lang hiningi opinion ko.
At tumawa lang ang dakila kong bestfriend
--
"Haayy, I'm so exhausted!! Kain muna tayo bago uwi, tara chowking"
"Ocge game ako! Lauriat akin."
Tapos na ang shopping mode namin. Actually di naman ako namili siya lang. Hindi na ako kumontra sa gusto ni tiffany kase gusto ko rin namang kumain sa chowking :)
90 percent ng utak ko, iniisip si Noah, Si Tiffany naman kanina pa ako kinukulit kung sino si mystery guy. I gave her a hint sabi ko ang name niya starts with letter N. Ayun, kahit hindi halatang malalim ang iniisip niya alam ko padin. Kilala ko siya, hindi titigil kapag hindi niya nalaman kung sino si N. Actually nakita na niya si Noah sa school pero twice lang ata nag-usap. Nagpakilala lang sa isa't isa.
--
Sa chowking..
"Bhest libre moko! Lauriat din akin! Hehe"
"Ano kaba Tiffany Isidro! Naubos na pero ko dahil sayo"
Kinurot niya ako at kumapit sa braso ko
"'to naman joke lang! Mabuti pa maghanap kana ng upuan at ako na mag-oorder.. Dali chupi!" Biro nya sakin kaya hinila ko nang konti ang buhok niya at inalis ang kapit niya sa kin tska mabilis na umalis
Nang nakahanap na ako ng seats hindi nagtagal tapos na siyang mag order. Agad niya akong kinorner
"Hoy Kendra, I have a feeling" sabi niya
"Hoy Tiffany eversince naman feelingera ka ah, ano yun?"
"Ang sama mo! Mamaya nalang nga, cr muna ako leche ka" Natatawa lang ako sakanya kase i know she doesn't mean that ganyan lang tagala kami magusap.
3 mins. after bumalik siya. Lagi siyang nang-iiwan no? Hahahaha. Sa ganyang pagkakataon lang pero si Tiffany di ako iniiwan lalo na kapag may problema ako
By the way ba't ang tagal ng order namin? Ayy oo nga pala, ganto talaga sa chowking. pero ok lang favorite eh.
"So Bhest ano yung feeling mo?"