Alandra P.O.V
andito ako ngayon sa labas ng napakalaking school na ito, na kung saan na ako mag-aaral...
"aiiiish!! bakit ba ako pinatapon dito ng pamilya koooo!!!!!!" tama kayo ng nabasa pinatapon ako dito ng pamilya ko ng hindi manlang inalala ang nararamdaman ko.
it all started dahil sa pangyayaring yun
FLASHBACK
busy ako sa pagbabasa sa wattpad gamit ang phone ko habang nagbabantay ng sari-sari store namin.
nang maramdan kong naiihi ako kaya dapat magpapa-alam ako sa nanay ko na gagamit ako ng banyo namin dahil naglalaba si mama, kaso nakita ko siya sa may tindahan namin kaya naman nilapitan ko siya.
pero nung pagdating ko sa tindihan, wala dun si mama. kaya naman pinuntahan ko siya agad sa may banyo.
"nay! nagpunta ka ba sa tindihan?" bungad na tanong ko kay nanay
"hindi anak, busing-busy ako sa paglalaba dito" sabi ni nay habang nagpipiga ng pantalon
"eh nay, nakita kita sa tindahan kanina. magpapaalam pa ngadapat ako sayo na mag ccr ako eeh" sabi ko kay nay
"jusko anak! kinikilabutan ako sayo, kahit ni isang beses di pa ako umaalis dito" sabi ni nay habang nilalagay sa dryer ang pantalon.
FLASHBACK ENDS
kaya ayun, kinabukasan agad-agad akong pinag impake ng gamit ni nanay at sabi lilipat daw ako ng school
kaya heto ako ngayon nakatayo sa labas ng napakalaking gate ng napakalaking eskwelahan.
pagkapasok na pagkapasok ko sa school ground. napanga-nga ako sa sobrang ganda. hindi lang siya basta malaki, ito ay maganda rin.
pano ko ba madedescribe ang scenery, may mga mayayabong na puno na berdeng berde ang mga dahon, may fountain na napaka-linis ng tubig, may mga benches, madamo ang lupa, may mga halaman. ah basta! mukha siyang paraiso.
~bell rings~
dahil narinig ko ang school bell, hudyat ito na mag-start na ang klase at dahil hindi ko pa alam kung anong room ako, pumunta muna ako sa admission room para tanungin ang section ko at dahil nasa kalagitnaan na nga ako ng semester lumipat
habang papunta ako sa admission room, magpapakilala muna ako.
ako nga pala si alandra marquez, labing-limang taon, simple lang ang aming pamumuhay dahil may kaya lang ang pamilya namin. ang tatay ko ay isang chemical engineer sa london habang ang nanay ko naman ay simpleng may-bahay lang naman na may simpleng sari-sari store. may isa akong ate na college student na. ako ay 3rd year high school student ngayon school year.
Nang dahil nga sa pangyayaring iyon ay napilitan akong lumipat ng school at take note kahit nasa kalagitnaan na ako ng school year eh tinanggap parin ako ng school na papasukan ko at isa pang take note private school to at isa pang take note scholar ako dito, oha! pero wait isa pang take note, magdodorm ako dito. sangkapa! (A/N: na take down note niyo ba lahat ng pina take note niya?? huehuehue)
Nang makarating na ako sa admission room di na ako nagpatumpik-tumpik pa kumatok na ako agad, yung katok ni anna sa frozen yung ginamit ko huehueheue.
"please come in" sabi nung nasa loob kaya naman pumasok na ako.
"umm... good morning po. ako nga po pala si alandra marquez, ask ko lang po kung ano yung section ko??" tanong ko sa babaeng kausap ko ngayon.
"oh! so you are ms.marquez wait lang ha kukunin ko lang." sabi ng babaeng kausap ko at pumunta na siya sa drawer ng kabilang table.
pagkakita niya sa hinahanap niya, agad niyang inabot ito sa akin at dahil hindi ako makapaghintay agad kong tinignan ang section ko.
3-★ and 57 ang nakalagay, at dahil nalito ako kung ano ang section ko, itatanong ko na sa kanya kaso--
"kung itatanong mo kung anong section mo,yung 3★ ang section mo at yung 57yun yung room number mo at yun din ang locker number mo" sabi ni ms. admissioner at napa-ah na lang ako
"ms. pano po yung gamit ko tsaka hindi pa po ako naka-school uniform ha" sabi ko kay ms. admissioner
"ah yun ba, dont worry kami na maglalagay sa room mo yung gamit mo at ipakita mo na lang to sa mga magiging teacher mo" sabi ni ms. admissioner at may inabot siya sa aking singsing
"sige po thank you po" paalam ko kay ms. admissioner at nung palabas na akong room may sinabi si ms. admissioner
"you have a great ability"
------------------------------------
waaaaaaaah!!!! grabe ang hirap gumamit ng mobile nasanay lang ako sa pagbabasa
next chapter: class 3★

BINABASA MO ANG
Spirit Hunter
FantasyI have this strange ability, oh! scratch that, I have this creepy ability, very creepy. I can see, feel, hear and talk to ghost. - Alandra Genre: Fantasy, Humor, Mystery/Thriller