THE STORY

1.9K 57 8
                                    

"Hi Trish, ordination ko na bukas, punta ka ah? Aasahan kita."

Kanina ko pa tinititigan yung laman ng invitation card na natanggap ko kahapon, mula yun sa isang taong naging parte ng buhay ko for almost 4 years - si Paul Adriano, my ex-boyfriend.

Pero sa totoo lang naiiyak ako, hindi dahil naaalala ko pa yung sakit na naramdaman ko 13 years ago.

Naiiyak ako dahil sa wakas malapit na nyang maabot yung pangarap nya. Magiging pari na din sya. At masaya ako para sa kanya, alam ko kasing gustong gusto nya talaga yun, eh, kaya nga nagpaubaya ako 'di ba? Kahit masakit, kinaya ko. Kahit masakit, ginusto ko.

Ganun naman talaga kapag nagmamahal di'ba? Dapat hindi ka lang marunong magsakripisyo ng bagay na ikasasaya mo, kundi pati narin yung ikasasaya ng ibang tao.

Naalala ko tuloy yung sinabi nya sa akin nung minsan tinanong ko sya tungkol sa bokasyon nya.

"Trish, alam ko na kung ano ang bokasyon ko.."

"T..talaga?" Sagot ko.

"Oo at yun ay ang magsakripisyo para sa kagustuhan ng iba, magmahal at patuloy na magmamahal ng buong puso." Sabi nya saka sya ngumiti.

"Wow, parang magpapari ka nyan ha." Patawa ko pang sabi, tumahimik naman sya sabay sabing..

"Bakit hindi? Bagay naman sa akin di'ba? " ngumiti na lang ako. Hindi ko yun pinansin kasi akala ko imposibleng mangyari yun.

Naging masaya lang ako kasi sa tagal ng pagiging spiritual directress ko sa kanya atlast alam na nya kung ano yung bokasyon nya sa mundo, dati kasi nabubuhay lang sya for formality's sake.

He was an atheist and I was a catechist bago kami magkakilala sa ospital. Naaalala ko pa nung unang pagkikita namin, napakatamlay nya that time, mag-isa lang syang nasa waiting room, hindi sya matigil sa paglalakad na animo'y natataranta kaya naman nilapitan ko sya para kausapin, and that time nalaman ko na nasa operating room yung nanay nya for a heart transplant. Kaya sinubukan ko syang ayain sa weekly mission ko and that is to have a group bible study sa mga relatives ng mga patient who are experiencing spiritual dryness.

Tumanggi pa sya nun, wala naman daw kasi syang mapapala dun kaya hindi ko nalang pinilit. Pero iniwanan ko siya ng isang salita na hindi ko alam na tatatak pala sa kanya.

" Dont worry, hindi na kita pipilitin pa, pero I want you to know na huhupa rin ang ulan sa buhay mo, maniwala ka lang sa Kanya." I smiled, pagkatapos nun ay iniwan ko na sya.

Akala ko yun na yung huling pagkikita namin, pero I didnt expect 2 weeks matapos yung pangyayaring yun bigla nalang nya akong hinanap.

He's Crying when he saw me.

Niyakap pa nya ako na parang bata while saying, "Thankyou sa'yo, dahil sayo nakilala ko yung Panginoon na nagpagaling kay mama."

Simula nun palagi na syang sumasama sa akin sa mga weekly mission ko sa iba't ibang ospital, at sa mga panahong yun mas nakilala ko sya. Dun ko nalaman na mas matanda pala sya ng isang taon sa akin, dun ko rin nalaman na hindi naman pala mababaw yung pananampalataya nya kasi dati na rin pala syang sakristan nung mga totoy days nya, saka lang sya naging atheist nung namatay yung papa nya dahil sa cancer. Sinisi niya si God for that, hanggang mawala nalang yung paniniwala nya na "God really exist."

*Tok! Tok! Tok!

Napatigil ako sa pag re-reminisce ng biglang may kumatok sa pinto , dun ko lang namalayan, basang basa na pala yung invitation card na hawak ko. Agad kong pinunasan yun.

"Trish, 'di ka pa ba tapos magpalit dyan? Male-late tayo sa simbahan, baka di na natin maabutan yung ordination ni Paul." Utas ni ate Roa, ang kapatid ko na saksi sa pagmamahalan namin ni Paul.

A calling to love you #OneshotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon