Armania Minerva
NAPAHINGA ako nang malalim habang nakatingin sa kahabaan ng hallway na siyang dadaanan ko upang marating ang nais kong puntahin. Marahang hinaplos ko ang mahaba at itim kong buhok saka lakad-takbong tinahak ang daan. Hindi pa naman ako huli sa klase ngunit kailangan ko na magmadali dahil hindi nababagay sa tulad ko ang laging late.
At dahil napagod ako sa paglalakad at pagtakbo ay tumalon-talon na lamang ako. Natatawa ako sa sa'king sarili sapagkat umaakto ako na parang bata na excited sa klase. Bigla ay naalala ko na hindi ko pala alam kung nasaan ang silid na patutunguhan ko kaya nama'y pumagilid ako sa daan saka kinuha ang bag na nakasukbit sa aking likuran at kinuha ang isang kapirasong papel, ito ang Registration Form na ibigay sa akin at dito ko malalaman ang oras at lugar kung saan gaganapin ang klase naming sa buong semester.
"Hmmm? First class. Room 305. Subject Mythology."
Room 305? Saan nga 'yon? Halos dalawang linggo na ako rito subali't hindi ko pa rin alam ang pasikot-sikot sa unibersidad na ito. Napakarami naman kasi ng pasilyo at hagdan na akala mo'y maze at obstacle course. Hindi ko tuloy alam kung anong trip ng mga school heads at ginawa nilang ganito ang layout ng school. Bukod sa napakaraming hagdan ay marami rin ang mga shortcuts na sobrang nakakalito at tiyak na maliligaw ka sa isang maling hakbang.
Muli ay isang malalim na hininga ang hinugot ko bago muling tingnan ang registration Form na hindi ko na isinilid sa bag dahil baka makalimutan ko nanaman. Liliko na sana ako sa isang pasilyo nang walang kung anu-ano'y biglang may humila sa aking braso. Dahil sa gulat at muntikan na akong mapasigaw.
Paglingon ko'y nakita ko ang isang babaeng kulay asul ang mga mata. Tila nakatitig ka sa bughaw na kalangitan. Kung titingnan nang maigi ay mas matangkad siya sa akin. Maputi at makinis ang kanyang balat na walang kahit na anong kapintasan, halatang galing siya sa mayamang pamilya. Nang tingan ko muli ang mukha niya ay napansin kong sinusuri niya rin ang aking kabuuan. Muli ay napahinga ako ng malalim, hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napabuntong-hininga.
"What do you need, Miss?"
"Saan ang room 305? Naliligaw kasi ako, kanina pa ako ikot nang ikot. Si Kuyang Guard kasi ay hindi na ako hinatid," aniya. Bahagyang nanlaki ang aking mata nang marinig ang tuwid niyang pagsasalita ng wikang Filipino. Talagang pinahirapan pa akong mag-English.
'Sino ba nagsabing mag english ka?' tanong ko sa aking sarili.
"Tamang-tama, papunta ako sa Room 305, sumabay ka na sa akin para 'di ka maligaw. Ahh, teka. Hindi ko pa pala alam ang pangalan mo?"
"Ako si Liana Logia. Transferee galing sa bansang Russia. Kakauwi lang naming kasi something happened," pagsasalaysay niya at ngumiti ng matamis.
Hindi ko na tinanong pa kung ano ang pangyayaring tinutukoy niya dahil hindi naman ako miembro sa organisasyong SMT 'Samahan ng Malisyosang Tsismosa'.
"Hindi naman galit ang parents mo sa Letrang L, ano?"
Napapantastikohang napatitig siya sa aking mukha, "Bakit naman?"
"Kasi LL ang initials mo. Ano ba ang middle name mo?"
"Ortega," maikling sagot niya kaya natawa ako. L.O.L.
"Ikaw ba, anong pangalan mo? Kanina pa tayo nag-uusap pero 'di mo manlang nabanggit."
"Armania Theodor Minerva, ATM for short." Sabay kaming tumawa pagtapos kong magpakilala. Mabilis na napalagay ang loob k okay Liana dahil bukod sa madali siyang pakisamahan ay magaan pa ang loob ko sa kanya.
Saktang pagdating naming sa silid ay nagsisimula na ang klase. Dahil hindi ko nais na umupo sa harap ay dumeretso ako sa pinakahuling hilera ng upuan malapit sa bintana. Bakit ditto ako umupo? Iyon ay para madali kong makita lahat ng pangyayari sa paligid, hindi man halata ay isa akong observer.
BINABASA MO ANG
Touch Of Death
خيال (فانتازيا)Armania Minerva, A goddess or a mortal? Started: December 27, 2017 Ended: May 08, 2019