Chapter 1

2.2K 71 7
                                    

Chapter 1

WARNING: You might notice lots of wrong grammar and typographical errors and I am sorry for that.
YOU HAVE BEEN WARNED!

************

"GRABE pare! Sinabi 'yon ni Hannah?" Hindi makapaniwala na tanong ni Allen-ang nag-iisang kaibigan at kababata ni Vann.

"Oo. Tch! Pero wala na akong pakialam sa kanila. Kahit na magsama pa sila ng kupal na Aaron na 'yon hanggang kamatayan, wala akong pakialam!" Nagngingitngit na sagot ni Vann dito.

Sandali namang natahimik si Allen at napaisip, "Pero dude... 'di ba, mahal na mahal mo 'yun si Hannah? At sa pagkakaalam ko, 4th anniversary niyo na dapat kahapon, tama ba?"

"Tsk! Sa totoo lang bro, ayoko nang maalala pa ang lahat ng tungkol kay Hannah. Ni ayaw kong marinig ang pangalan niya at lalong ayoko nang maalala pa 'yong nangyari kahapon..." sagot ni Vann sa medyo basag na boses habang hinihimas ang kaniyang sentido. Kitang-kita sa kaniyang itsura at mahihimigan din sa kaniyang boses ang hinanakit na dulot ng panloloko sa kaniya ng dating nobya.

Sandali namang natahimik si Allen dahil sa narinig niyang sagot mula kay Vann, at pagkatapos ng isang malalim na paghinga ay seryoso niyang tinitigan ang kaniyang kababata, "Alis na muna ako, dude. Tawagan mo lang ako kapag kailangan mo uli ng kausap," sabi ni Allen bago tumayo at tapikin sa balikat si Vann.

Wala namang ganang tumango si Vann, "Thanks for lending me your ears..." napangisi na lang si Allen sa narinig niyang sagot ni Vann pero hindi na ito muling nagsalita pa at nagsimula na itong maglakad palabas ng kaniyang opisina.

Nang marinig ni Vann ang pagsara ng pinto ay awtomatikong napabuga ng malakas na hangin ang kaniyang bibig at wala sa sarili na sinambunutan ang kaniyang sarili.

Tama si Allen.. Mahal na mahal niya nga ang dating nobya. Sa katunayan ay plano niya sanang sorpresahin kahapon ang dalaga. Kahapon kasi ang ika-4th anniversary ng kanilang relasyon. At dahil para sa kaniya ay si Hannah na ang babaeng para sa kaniya, napagdesisyunan niyang mag-propose na sa dalaga...

Maaga pa lang nang araw na iyon ay nakahanda na ang lahat. Mula sa venue kung saan gaganapin ang kaniyang proposal hanggang sa singsing na dapat sana ay ibibigay niya kay Hannah.

Subalit... embes na ang nobya niya ang masorpresa ay siya ang na-sorpresa nito matapos niyang marinig mula sa bibig ng dalaga ang mga kataksilan at panloloko nito sa kaniya.

"No sweetie.. Of course I don't love him! I only love his money and his fame. Alam mo naman na noon pa ay ikaw lang talaga ang mahal ko," sabi ni Hannah habang nakangiti at parang ahas na nakapulupot sa leeg ni Aaron ang dalawa nitong braso.

Napangisi naman ng malawak si Aaron matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Hannah at kaagad niyang sinunggaban ng halik ang napakapula nitong labi.

Pero agad na napaghiwalay ang dalawa nang bigla na lang sinugod ng suntok ni Vann ang mukha ni Aaron.

"Mga walang hiya! Kailan pa? Ha?!!" Galit na galit na sigaw ni Vann habang nakahiga na sa sahig ng parking lot ng isang hotel si Aaron at duguan ang kanang bahagi ng labi nito.

Takot na takot naman si Hannah matapos niyang makita ang nangyari kay Aaron. Hindi niya akalain na sinundan pala siya ni Vann kahit na tinanggihan niya ito kanina nang sabihin nito sa kaniya na susunduin siya nito sa kaniyang botique.

She's My Bodyguard | UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now