Chapter 2

2.1K 75 18
                                    

Chapter 2

WARNING: You might notice lots of wrong grammar and typographical errors and I am sorry for that.
YOU HAVE BEEN WARNED!

************

"YES, mom. Don't worry.. I will do my best to fix this problem..." walang ganang sagot ni Vann sa kaniyang ina na nasa kabilang linya ng telepono.

Hindi sa ayaw niyang makausap ang kaniyang ina, kundi dahil sa pagod at pakiramdam niya rin ay parang binabayo ang kaniyang ulo dahil sa labis na sakit nito.

Pagdating na pagdating niya kanina sa Kamiyama City ay hindi na siya nag-aksaya ng panahon at kaagad siyang dumiretso sa Kamiyama High School upang kausapin ang Head ng kanilang School.

Napag-alaman niya dito na si Mr. Miyamura, isa sa mga guro na nagtuturo sa kanilang paaralan ay may kababuyan palang ginagawa sa kanilang mga estudyante, at sa loob pa mismo ng kanilang paaralan nito iyon ginagawa!

Sinabi sa kaniya ni Mr. Shoto, ang Head ng kanilang School na matagal na daw palang ginagawa ni Mr. Miyamura ang mga kahayupan nito sa loob ng kanilang paaralan. Subalit dahil sa takot ng mga nauna nitong biktima, ni-isa sa mga ito ay walang nagsalita laban sa suspek. Kaya hindi kaagad nalaman ng mga kinauukulan ang tungkol sa mga nangyari.

Ayon sa mga pulis na nag-imbestiga sa nasabing kaso, ang madalas daw biktimahin ni Mr. Miyamura ay ang mga graduating students sa Senior High na may financial problems.

Ginagamit umano ng suspek ang pagiging guro nito para takutin ang kaniyang mga biktima. Ginagamit nitong panakot ay ang posibilidad na hindi maka-graduate ang kawawang biktima kapag hindi ito pumayag sa gustong mangyari ng suspek. At dahil sa takot at panghihinayang na rin ng mga biktima sa kanilang mga pinaghirapan, walang magawa ang mga ito kung hindi ang pumayag na lang sa kagustuhan ng suspek.

Paulit-ulit itong ginagawa ni Mr. Miyamura hanggang sa nakakuha siya ng katapat.

Ayon sa mga pulis na nag-imbestiga sa kasong ito, isang araw ay dinala sa pagamutan si Mr. Miyamura dahil sa mga natamo nitong pinsala. Pinsala na nakuha nito umano sa isang graduating student na nagngangalang Yuki Yawara.

Inakala ng mga nakararami na nawala lang sa sarili ang dalaga kaya nito nagawa ang bagay na iyon. Ngunit nagimbal ang lahat nang sagutin na ni Yuki ang lahat ng mga katanungan sa kaniya ng mga kinauukulan.

Hindi makapaniwala ang lahat lalo na si Mr. Shoto—ang Head ng School—na ang isa sa mga ipinagmamalaki nilang guro ay may ginagawa palang kabalbalan sa loob ng kanilang paaralan.

Kaya naman agad nilang kinasuhan si Mr. Miyamura at sinigurong magbabayad ito sa kaniyang ginawa.

At para ingatan ang pangalan at imahe ng kanilang paaralan, hiniling nila kay Yuki na ilihim na lang sa publiko ang lahat ng mga nangyari. Pumayag naman ang dalaga dahil wala namang mawawala sa kaniya at hindi naman siya nahawakan ng manyak na guro. Ngunit laking gulat nila nang isa-isang dumating ang mga naunang biktima ni Mr. Miyamura.

Sa pagkakataon na iyon ay napag-alaman nila na marami na pala ang mga naging biktima ni Mr. Miyamura. Ang iba nga sa mga naging biktima nito ay graduating na sa kolehiyo habang ang iba naman ay may mga sarili ng trabaho.

At dahil hindi na makontrol ni Mr. Shoto ang mga nangyayari, wala na siyang nagawa nang maisa-publiko ang isyu tungkol sa mga ginawa ni Mr. Miyamura. At gaya ng kaniyang inaasahan o mas tamang sabihin, kinatatakutan, nadamay nga at nadungisan ang pangalan ng kanilang paaralan.

She's My Bodyguard | UNDER REVISIONWhere stories live. Discover now