Simula

4 0 0
                                    

Isa

Dalawa

Tatlo

Apat

Lim--

hindi ko natuloy ang pagbibilang ko ng mayroong sumigaw sa pangalan ko

"Wag kang tatalon dyan, mababalian ka lang ng buto at hindi mangyayari yung pinaplano mo baliw na baba!"
Hindi ko alam kung sino siya o saan siya galing pero kung saan manng lupalop sya nagmula, isang masasabi ko.

Nakakainis.

Naiinis ako kasi totoo naman na kapag tumalon ako dito sa ikalawang palapag ng mall na ito ay mababalian lang ako ng buto.Kaya naman hindi ko na siya tinapunan muli ng tingin at mabilis na nagmartsa pababa.

Simula nung araw na iyon hindi na niya pinatahimik ang buhay ko jusko kung nasaan ako nandoon din siya. Hindi ko alam kung buryo lang ba siya sa buhay niya kaya ako pinagdidiskitahan niya o kaya naman naawa lang siya sa akin. Hindi ko alam pero bahala siya sa buhay niya. Siguro naman lulubayan niya rin ako sa mga susunod na araw?

NalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon