Nagsisimula ang araw ko sa pagtitig sa puting kisame ng aking kwarto, nakatitig sa kawalan, iniisip kung anong gagawin ko para sa araw na ito. Hindi ko pinag-aaksayahan na tignan kung anong oras na o kaya naman anong araw na. Para saan pa? imbento lang naman ng mga tao ang pagbibilang sa oras o araw sa buhay.
Mag-isa lang ako dito sa aking apartment, malayo ako sa aking pamilya nasa Baguio sila.
Habang ako nandito sa Manila, dito na ako naninirahan matapos ako mag-aral sa kolehiyo.Sa ngayon wala akong trabaho dahil hindi ko alam kunh ano nga ba ang gusto kong trabaho, yung masaya ka sa gagawin mong trabaho at hindi mo mararamdaman na nagtratrabaho ka. Mayroon kaya nun?
Si Nia lang ang kasama ko sa maliit na aparment kong ito, isa siyang itim na pusa na may attitude problem. Ewan ko kung pinaglihi ba ito sa sama ng loob dahil napakasungit pero alam kong mahal niya ko kasi tuwing gabi ay tumatabi siya sakin sa pagtulog at kahit nadadaganan ko na siya hindi man lang umiimik. Kapag rin mayroon akong sakit asahan mo na nasa tabi mo siya palagi. Kaya kahit na masungit itong si Nia, mahal na mahal ko ito. Siya lang kasama ko dito sa Manila.
Naputol ang pagmumuni-muni ko ng mayroong kumatok sa pintuan, hmm sino kaya ito? si Alin Lolit na kaya? maniningil na ng upa? wala pa akong pera. Bahala siya dyan magpapanggap na lang akong tulog.
Ngunit hindi tumigil ang pagkatok sa may pintuan. Nako naman pano na ba ito?
meow meow
Ano kayang sinabi ni Nia?
Haynako eto na nga tatayo na ako at pagbubuksan si Aling Lolit bahala na kung anong masabi ko kung bakit wala pa akong maibabayad sa kanya.
Pero pagsilip ko pa lang sa pinto alam kong hindi ito si Aling Lolit kasi lalaki ito. Hala sino kaya ito? Baka naman magnanakaw? o rapist? o mamatay tao?
Ano ba naman Nala? bakit naman kakatok ang magnanakaw, rapist at mamatay tao? ano para mainform niya yung biktima niya? Nakakatanga pag walang kausap na tao, lagi na lang kasi si Nia ang kausap ko.
Tuluyan ko ng binuksan ang pinto at iniluwal nito yung lalaking epal na pumigil sakin sa mall nung nakaraan buwan.
Hmm Anong kailangan mo? tanong ko at nagpanggap akong hindi ko siya naalala
hindi siya nagsalita pero inabot niya sa akin ang isang plato na may lamang palabok
Para saan 'to?
"Para sa pusa mo"
huh?
"I mean syempre para sayo, bagong lipat lang ako diyan sa tabi ng apartment mo"
ah okay, salamat dito.
tumango lang siya pagkatapos ay umalis na rin, tinignan ko yung palabok sakto dahil hindi pa ako kumakain at medyo gutom na rin ako.
Ang sungit naman nung lalaking iyon, sabagay hindi maitatanggi na guwapo siya. Makapal ang kilay, nakapillantik na pilik mata , matangos na ilong, at pinkish na labi. Pasalamat siya at may itsura siya kaya kahit magsungit siya hindi nakakainis tignan,
Pero wala akong pakealam epal pa rin siya.
At sa lahat ba naman ng magiging kapitbahay ay siya pa. Pero parang namang hindi niya ako naalala kaya dedma na lang.Kakain na nga muna ako, tara Nia kain na tayo!
meowww meoooww