Dalawa

7 0 0
                                    

Napagdesisyunan kong lumabas muna at nabuburto na ako sa bahay, at sakto naman paglabas ko nakasalubong ko si epal.

"San ka pupunta?"

hmm bakit niya ba ako tinatanong? feeling close lang. Hindi porket binigyan niya akong ng palabok ay magkaibigan na kami tsss

bakit? kailangan mo malaman?

"wala lang,  kaso baka makita na naman kita sa mall at baka nagbabalak ka na naman tumalon dun"

masama ang kanyang tingin sa akin para bang galit siya o ano
inirapan ko na lang siya at binilisan ko ang paglalakad para makalayo sa kanya. Nakakainis, bakit ba siya nakikialam? ano naman kung tumalon ako dun? panira ng araw
Hindi ko natuloy ang pagtatangka ko na magpakamatay sa mall dahil sa kanya pero totoo naman ang sinabi niya noon dahil mababalian lanh ako ng buto kapag dun ako tumalon pero kahit na nakakainis at umepal siya.

bakit ako tatalon dun?

magpapakamatay?

simple lang kasi ayoko na, suko na ko sa buhay. Pagod na ako, kaya ako bumukod sa pamilya ko dahil sawa na ako sa lahat ng sakit na ibinibigay nila sa akin, kung aakalain ng iba na masaya ang buo ang pamilya pero hindi sa kaso ko. Laking pasasalamat ko na nakaalis ako sa puder nila mahirap pero mas tahimik naman. Pero bakit gusto ko pa rin tapusin yung buhay ko? Dahil sa tingin ko naman hindi para sa akin ang buhay. Hindi na ko masaya, hindi katulad ng iba na nagpapasalamat kapag nagigising sila tuwing umaga. Ako nalulungkot ako at nagising pa ako, sana hindi na lang. Kung pwede lang idugtong na lang buhay ko sa iba gagawin ko idonate ganun.

Nandito ako sa parke para magbasa at lumanghap ng sariwang hangin, lumayo ako sa mga taong nagsasaya, naiinggit lang ako kasi sana kayo ko rin maging katulad nila. Maging masaya.

Nakalimutan ko na kung paano sumaya, akala ko nung lumayo ako ay magiging masaya akk pero hindi wala namang nagbago, wala na akong maramdaman  manhid na nga.
uupo na sana ako sa aking pwesto pero bago pa man ako tuluyan na makaupo ay nakita ko na agad ang isang lalaki na nakasandal sa may puno at tila ba'y natutulog.

tss gawin raw bang tulugan tong pwesto ko. Lumapit pa ako para makita kung sino itong invader na ito pero nagulat ako ng makita ko yung mukha ng lalaking epal na ito. Ano bang ginagawa niya dito?

Hayss
Favorite spot ko pa naman ito dahil medyo tago ito at walang gaanong dumadaan, wala naman ng ibang pwesto na pwede ko puntahan dahil linggo ngayon at maraming tao dito sa parke.
No choice kaya umupo na lang ako sa kabilang side ng puno opposite sa kinalalagyan ni epal.

Kinuha ko na sa bag ko yung libro patungkol sa isang normal na babae na may masayang buhay, masayang pamilya.

Basta nung huli kong sweldo ko nagpunta ako sa book sale at kumuha ng mga random na libro. Mahilig ako magbasa kaya na rin siguro malabo na yung mata kasi kahit sa dilim nagbabasa ako. Minsan kasi mahirap putulin ang pagbabasa yung tipong nasa part ka na kung saan malalaman mo yung pumapatay o kaya naman magtatapat na ng pagmamahal yung lalaki kung baga nandun na sa exciting na part.

Sumandal ako sa puno at nagsimula ng magbasa, hindi ko alam bakit ko ito binili para bang iniingit ko lang ang sarili ko, kabaligtaran ang buhay ng babaeng bida sa librong ito sa buhay na mayroon ako. Kinuha ko ito kasi maganda ang pabalat at mura lang.

Ang sarap ng hangin dito sa parke sariwa kahit papaano.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon