Kabanata 11

813 22 0
                                    

Nadia Lee

Nandito ako ngayon sa kwarto at nakahiga sa kama habang pinagmamasdan ang ceiling.

Naririnig ko ang malakas na tawanan ng Bangtan sa baba. Nag iinuman sila kaya nagkulong ako dito sa kwarto. Mahirap na. Baka may makahalik nanaman saken, hmp!

At gusto kong malaman nyo na kami na ni Jungkook. Ang bilis diba? Sisihin nyo author , wag ako. Char!

Pagtapos nya kong halikan eh inoffer nya ulit saken yung offer nya nung nakaraan at sinabi nyang he'll take responsibility daw dahil ninakawan nya ko ng halik. Pumayag na ko kasi malaki rin naman ang benefit na makukuha ko eh.

Makakapagpadala na ko ng mas malaking halaga sa papa ko ngayon. Hindi naman ganon kahirap maging girlfriend ni Jungkook eh. Well,maybe?

"Nadia? Gising ka pa ba?" Narinig kong katok ni Taehyung sa pinto

"Oo, pasok ka."

Naglakad sya palapit at tumabi sakin. Umupo ako at tinanong kung anong kailangan nya.

"Kayo na daw ni Jungkook?" Hay nako! Eto ang ayaw kong makita eh! Yung muka ni Taehyung na sobrang lungkot. Kitang kita mo talaga kung gaano sya kalungkot.

"Sorry..." yan lang ang lumabas sa bibig ko.

Nagulat ako ng makita kong may pumatak na luha galing sa mga mata nya. Nakayuko sya pero nakikita ko naman yung muka nya.

"Nadia...mahirap ba kong mahalin? Bakit sya...sya nanaman..." huh?

"A-anong sya nanaman? Taehyung alam mo naman yung deal namin diba? Kailangan ko din kasi ng pera ngayon----"

"So kung aalukin ka naming lahat na maging girlfriend namin papayag ka?!" Nagulat ako ng biglang tumaas yung boses nya.

"T-taehyung...."

"May nangyari na ba sa inyo kaya pumayag ka sa deal nyo ha? Ano magaling ba sya?! Kaya din naman kitang paligayahin Nadia eh!" Nagulat ako nang bigla nya kong hawakan sa magkabilang balikat at ihiniga sa kama. Umibabaw sya sakin at hinawakan ang dalawang kamay ko gamit ang isang kamay nya at inilagay sa ulohan ko.

"Taehyung let me go!" Amoy alak sya at kitang kita sa mata nya ang halo halong emosyon.

"Papatunayan ko sayo na mas magaling ako kesa sa kanya Nadia!" Pinilit kong makawala sa mahigpit nyang mga kamay pero di ko magawa. Masyado syang malakas... hindi ko kaya...

Naiyak nalang ako habang binabanggit ang salitang "Pakiusap Taehyung, wag..."

Nung nakita nyang umiiyak na ko eh parang bigla syang natauhan at agad na umalis sa ibabaw ko. Sinamantala ko yun at tumayo na ko. Lumabas ako ng kwarto at tumakbo sa baba.

Agad akong nilapitan ni Namjoon at Hoseok.

"Anong nangyari sayo Nadia? Bat ka umiiyak?" Tanong ni Hoseok

Hindi pa ko nakakasagot eh narinig kong nasa likod ko na si Taehyung

"Nadia sorry---" hindi sya natapos sa sasabihin nya nung bigla akong nagtago sa likod ni Namjoon.

Alam kong hindi nya sinasadya pero...ewan.. natatakot ako...natatakot na ko sa kanya...

Naramdaman kong niyakap ako ni Jin habang pinapatahan ako.

"Anong ginawa mo?! Bakit takot na takot si Nadia sayo?!" Narinig kong tanong ni Yoongi. Pasigaw yon at halatang may galit sa tono nya.

Hindi ko narinig na sumagot si Taehyung. Ang narinig ko lang ay ang tunog ng pagbagsak sa sahig at tunog ng suntok.

Pag tingin ko ay nasa sahig na si Taehyung at inaawat na nila Jimin si Jungkook sa pag sapak kay Taehyung.

"Kung ano man yung ginawa mo kay Nadia.. Wag mo nang ulitin pa! Kundi... Isa sating dalawa ang aalis sa grupong to!" Sigaw sa kanya ni Jungkook.

Lumapit sakin si Jungkook at dinala ako pabalik ng kwarto.

Nakaupo lang ako sa gilid ng kama habang sya naman ay tahimik na nakatingin sakin.

"I'm sorry.. I'm sorry kung wala ako nung ginawan ka nya ng hindi maganda..kahit hindi mo sabihin kung ano man yung ginawa nya.. alam na namin yun. We're brothers at kabisado namin kung pano tumakbo ang utak ng isat isa. Kilalang kilala namin ang isat isa."

"So alam mo din siguro na hindi naman siguro nya sinasadyang gawin yon."

"Oo. Alam ko.."

"And you still punched him? You punched your best friend just because he did something wrong to your fake girlfriend a.k.a. P.A?? I don't get it Jungkook. Balewala lang naman ako sayo before but now... Bakit ang bait mo?"

"Youre not my FAKE girlfriend, Nadia.. you are my REAL girlfriend. And yes I can punch anyone who hurts you. Mabait ako sayo kasi girlfriend na kita.. At hindi kita babayaran para mahawakan ng iba.. akin ka lang Nadia.. You're mine and mine alone!" He said and got out of my room.

Wow Nadia Lee. Anong problema tong pinasok mo? Mukang magkakalamat pa ang grupo nila dahil sayo. Hay nakoooo! Ano ba namang bakasyon to?!!!

For You | Begin [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon