Isang magandang umaga ang sasalubong sayo araw - araw, pero ang tanong , maganda nga ba?
Maraming mga bagay ang sasalubong sayo
Maganda man at Masama
Ngunit ang mga bagay na ito ay hindi mo naman talaga ginusto
Kaya ngayon
Maibabalik mo pa ba ang bagay na hindi mo inaasahan?Ang lahat ng mga bagay na ito ay hindi lamang darating para sayo
Maaaring sa iba rin o kaya naman sa lahat
Ikaw kung mabibigyan ka ng kapangyarihan na baguhin ang iyong kapalaran at pigilan ang mga bagay - bagay sa ating mundo
Sarili lang ba o ang lahat.Hindi mo alam kung sino at ano ang pipigil sayo sa lahat ng bagay
Maaaring may papatay sayo, kakausap, uutos, tuturuan, babantayan, at marami pang iba
Pero kilala mo ba sila
Kung sino ba talaga sila
O nabubulag ka lang sa kung anong ipinapakita nila sayo.
Matuto kang alamin
Dahil hindi mo alam may tatraydor na pala sayoMaging handa ka sana sa lahat
Mayroon kang kapangyarihan na protektahan at mapigilan ang mga bagay na sa tingin mo ay hindi karapat - dapat para tanggapin ng lahat
Maging handa ka. - Bulong sa aking panaginip.(Malakas na paghinga)
Ano nga ba ang ipinapahiwatig niyon? - Tanong ko sa aking sarili