// prologue //

13 1 0
                                    

// Prologue //

"You are my daughter," ika niya habang  nakangiting lumalapit sa akin, at ako naman ay humahakbang palayo sa kanya dahil sa takot.

"Don't be afraid, daughter." Ulit niya pa ngunit patuloy pa rin ako sa pag atras.

Sino ba naman kasing hindi matatakot. Tahimik kang naglalakad tapos bigla biglang parang may hangin na hahatak sa'yo. Tapos dadalhin ka sa hindi mataong lugar, makikitang ang taong humila sa'yo ay isang maskuladong lalaki na mayroong puting buhok at balbas na nakasuot ng pang greek na damit na may puti at gold na kulay. Kaya nga nung makita ko ang kabuuang itsura niya, gusto ka na agad tumakbo. Gustong gusto.

Dahil alam ko sa simula pa lang, hindi siya isang normal na tao. Sino ba namang normal na tao ang makakapagdala sa akin dito sa napakalayong lugar in no time?

Kung hindi ko lang nakita ang simbolo na nasa kanyang braso, aakalain ko talaga siya si flash.

"Why are you not talking, daughter?" Tanong niya.

"I'm not your daughter," Natatakot kong sagot sa kanya. Hindi ko naiwasang manginig ng maramdaman kong wala na kong maaatrasan.

Oh no! Help!

"W-what do you need from me?" Tanong ko na medyo nautal pa.

"Recognize me as your father," Saad niya. Napapikit ako sa takot at inis. Kanina niya pa ipinagpipilitan ang ideyang ako ay anak niya at siya ang tatay ko.

Paanong naman mangyayari 'yon? At isa pa, hindi naman kapani paniwala yung sinabi niya, e.

"Hindi po ako naniniwala sa inyo. Parang awa niyo na po, patakasin niyo na po ako." Maiiyak na talaga ako sa takot.

"Don't be afraid, I'm not going to hurt you. I just want you to know, that I am Zeus, and that I'm your father. And you, you are a demigod, Elysia."

"Po?" Gulat kong sagot. Hindi ako naniniwala.

Kanina nga e, yung fact na nga na siya si Zeus, hindi pa rin ako naniniwala e. Maging anak niya pa ko. Ano ba namang kalokohan 'to. Nakakaloko na talaga.

Nagulat ako ng bigla siyang magpalabas ng kidlat sa kamay niya. Hawak hawak niya ito at ibinigay sa akin.

"Hold this,"

Hala, baliw yata 'to. Paano kung matusta ako. Hindi naman ako kagaya niya 'no.

"Trust me, daughter. You will not get hurt, because you are my offspring."

Wala na kong choice. It's either mamamatay ako dahil sa kidlat at sa kanya or anak niya talaga ako.

Pikit mata kong hinawakan ang kidlat na ibinibigay niya. Naghintay akong makuryente o mapaso man lang pero hindi, wala akong naramdamang kahit ano.

Napatingin ako sa mga mata niya... magkatulad kami. Totoo nga, ama ko siya.

At isa akong... Demigod.
----

// m y r o y a l f a n t a s y //

The Peculiar Demigod: The Golden Winged HorseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon