Forty Three- "Bunso"

14.7K 1.2K 81
                                    

Touch Me Not
#Chapter 43 -"Bunso"

Naranasan  niyo na ba yung feeling ng nasa 7th heaven at Cloud 9?

That is what I am feeling right now. Him beside me with Hard was  just perfect. Nakalapag na kami sa NAIA dalawang araw bago magpasko.

Nakasandal parin ako sa balikat ni Caloy.
"We're here 'mymy" he said kissing my forehead.

I yawned in answer.

"Continue sleeping at home sleepyhead, nasa kotse na ang panganay mo" he said now caressing my face.

"Panganay? Bakit may bunso na ba?" Singhal ko sa kanya, as far as I know di ko pa naman sinusuko ang bataan.

He shrugged. "Malay mo" he answered knowingly.

Teka nga, na short circuit yata ako sa sinabi niya. May balak ba itong buntisin ako at gumawa na ng bunso?

Kinurot ko siya sa tagiliran. "Umayos ka Richard Carl Gomez, alas dos palang ng madaling araw eh lumalandi ka na" pangaral ko sa kanya.

"You two! Kayo nalang ang hinihintay sa shuttle" boses ito ni Yuri na pokerface na naman bago kami iniwanan.

"Shuttle?" I asked Caloy.

"Adam's Hotel shuttle ang sundo natin para magkasya tayong lahat, iisa lang naman ang pupuntahan natin" he said at saka ako hinila patayo.

"Saan?" I asked.

"Kung saan kami lumaki" sabi nito. I just nodded. Minsan talaga hindi ubra ang paalaman sa pamilyang ito, magugulat ka nalang kasama ka na kahit na hindi mo pa alam ang pupuntahan mo.

Nakarating kami sa isang malaking bahay sa Quezon City na sa tantya ko ay bagong pintura lang.

"Kaninong bahay ito?" I asked.

"By right?" Balik tanong nito.

Mas lalo tuloy kumunot ang noo ko. Sagutin ba naman ako ng isa pang tanong?

"It should be Adam's being the youngest boy in the family but since Mandy then was the only girl and the youngest among us. It became hers"

"Bakit may then?" Tanong ko ulit.

"The quadruplets happened" he said now holding my hands palabas ng shuttle. Kami kasi ang nasa likod at ang siyang hindi pa nakakababa.

"So this is now Gam's?" Tanong ko kasi si Giada naman ang bunso sa quadruplets.

"Should be"

"Ayaw niya?" I asked.

Tumawa lang si Caloy. "It's Yuri's problem now to convince her"

"Bakit si Yuri? Diba si Mandy na ang may ari?" Ang gulo lang niyang kausap infairness.

"Yuri being the eldest became our guardian and the head of the family, he has a say on everything kahit na hiwahiwalay na ang properties namin. Our parent's house is still our parent's house. The head of the family is him so it's his job to facilitate the transfer.

Ang gulo nila huh? Bakit ililipat kay Gam? Diba di naman nila tunay na mga kapatid ang quadruplets?

"They were adopted by my mother to become legally hers so they are Gomezes too" tila naman nabasa niya ang iniisip ko.

"So they are now carrying the Gomez surname too?"

"Yep"

Tumango tango nalang ako.

"Kayong dalawa hindi ba kayo maghihiwalay diyan?" Mandy asked nang makapasok kami sa malaki nilang sala. Agad kong nakita si Hard na nakikipagtakbuhan kasama ng mga pinsan niya. Lately di na ako nito pinapansin. Puro nalang laro.

Touch Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon