TBL # 3

55 1 0
                                    

Chapter 3

( Beach )

Ugh! I hate mornings. Sakit ng katawan ko. Ang hirap pa bumangon sarap pa matulog ulit pero di na pwede eh.

"Uyy! Gurl! Friend!! Gising na dali! May lakad tayo ngayon at may ichichismiss ako sayo dali!"

Hayy! Ang aga aga nang bibwisita tong Jam na to! -. - Kenis lang.

"Dali na gurl! Magbebeach tayo ngayon! Pumayag na si tita sasama din sila. Tayo ka na dyan bruha!!"

"Oo na!? Di makahintay?!"

"Ako pa talaga di makahintay? -.- 30 minutes na kaya ako dito. Ako na nagligpit ng gamit mo tapos ako pa rin talaga yung di makahintay.? Kanina pa ako dito na hirap na hirap gumising sayo alam mo ba yun? Well, di mo pala alam yun kasi kagigising mo lang. Nakakasakit ka na best ah!" Nyay. -.- Wrong move! <(_ _)> Hayyy! Dami nya nang sinabi. Lesson learned' kaya sa susunod wag na gagalitin si Donya, kay mag-MMK na naman yan sa haba ng masabi nya. Hahaha.

"He-he. Sorry na best sige na maliligo na ako" ^_^v sabi ko nalang sakanya para di ulit magalit. Alam nyo na! Hahaha.

"Dali bilisan mo!! Baka maiwan tayo sayang yung pinsan ko."

"Huh? Pinsan mo?" maang-maangang tanong ko. Alam ko kasi na si Darren yung tinutukoy nya.

"A-ah. Wala ge bilisan mo na"

Pumasok na ako agad sa cr para mag-ayos, para iwas away na rin.

"Hahaha. Opo tita!" napakalakas na tawa ni Jam na parang witch yung bumugad sakin pagkababa ko nang sala namin. Ingay talaga ng babaitang na yan!

"Ma! Wag kayo KJ dun ah." sabi ko kay mama nang makita nya akong dumating.

"Oo na! Lika na nga't kumain. Nikki halika na!" pagtatawag nya pa kay bunso.

"Tita pwede na po bang magboyfriend tong si Abby?" biglang tanong ni Jam out of nowhere sa kalagitnaan ng pagkain namin. Buti nalang maagang natapos si papa kung hindi lagot talaga ako.

"Oo naman! Pero dapat dito lang sa bahay ligawan" yan ang palaging sinasabi ni mama pero kung makita nya akong may kasamang lalaki kung makatalak wagas daig ko pang nakipagtanan. Hahaha.

"Yan! Narinig mo yun Abby? Kasi tita tong si tinatarayan mga may gusto sa kanya palibhasa--"

"Oo na! Tumigil ka na! Ini-enjoy ko pa kabataan ko noh! Sana ganun din gawin mo!" pagsisingit ko na baka kung ano ano pa masabi nya. Ayaw pa naman ni mama ng child abuse. Hahaha.

"Oo na po! Naunahan ka tuloy ni Nikki magkaboyfriend. Ang bagal mo kasi eh!" Ano???? Si bunso??? Si bunso na nine years old may boyfriend na?! Tiningnan ko si Jam, tinatakpan nya yung bunganga nya at nagpepeace sign kay Nikki. Tiningnan ko naman si Nikki na nakaub-ob sa mesa. Ibig sabihin totoo nga?

"Diba ate Jam sabi ko secret lang natin yun!? Tsaka di ko pa yun boyfriend noh! Ligawan nya muna sila mama bago ako!" sabi ni Nikki sabay walkout. Aba't totoo nga!! Tiningnan ko ng masama si Jam at finoform nya ang kamay nya na peace sabay takbo.

"Waahhhh! Gaga ka talaga Jam! Bad influence ka sa kapatid ko! Lagot ka sakin pag naabutan kita!" sigaw ko sakanya habang hinahabol sya. Gaga talaga yang babaeng yan! Kerengkeng masyado!

"Waahhh! Bhes tama na please!" pagmamakaawa nya sa akin ng mahuli ko sya. Bad Influence ka ah! Makikita mo!!

"Hoy itigil nyo na yan kung makaasta kayo parang di mga dalaga ah. Tingnan mo nga yan Jamila! Nagpalda ka tas wala ka manlang dobleng shorts! Hala sige umayos na kayo jan at naanjan na ang sasakyan natin!"

"Opo Ma / Opo Tita" sabay naming sabi. Katakot na si mama eh. Hahaha

Tumayo na kami at nag-ayos ng sarili, baka maging dragon pa to si mama kung magalit eh.

Halos three hours din yung byahe namin papuntang resort. This outing will be fun, I swear!!!

Beach baby! Here we come! :))

"Woohhhh! Were here!!" sigaw ni Jam nang marating namin ang aming destination.

"Pst! Ang ingay naman!" saway ko kay Jam dahil sa lakas ng kanyang sigaw.

"Kj mo naman Abby!! Duhh? Nandito kaya tayo para mag-enjoy at kahit anong gawin mo di mo ko mapapahinto ng sigaw!! Wooohhhhhhh!"

Di ko nalang sya pinansin tsaka Duhhh? kahit ano pa daw gawin ko di sya tatahimik why use my time for nonsense things? She can shout whenever she likes I dont care. But there's one thing I care now coz were on beach baby!

***

This Brotherly love (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon