Simula

12 0 0
                                    

Simula

"Leisha, bumaba ka riyan!" mahinhin pa rin ang boses ni Mama kahit nakakunot na ang kanyang noo kakasaway sa akin.

Ngumiti ako at bumaba na sa gilid ng hagdan kung saan ako nagpapadulas. My Mom was a really beautiful woman. No wonder my Dad loves her so much. I can see that kahit na limang taong gulang palang ako. I want to be just like her when I grow up.

"Magmano ka sa Lola mo, Leisha. Nandoon sila sa terrace."

Parang lumaki ang tenga ko sa narinig. Binilang ko ang araw kahit hindi sigurado kung tama ba. Basta alam ko, tuwing pangalawang araw na walang pasok pumupunta si Lola!

Tumakbo ako papunta sa labas. Nakita ko sila ni Papa na nag-uusap. Tuwang-tuwa ako kapag nandito si Lola. Bukod sa hindi ako masyadong pinapagalitan ni Mama, hinihintay ko ang mga pasalubong na dala niya na madalas ay headband na nabibili sa bayan. Minsan, matatamis na pagkain.

Yumakap ako kaagad kay Lola nang nilingon niya ako. Tumawa si Papa.

"Mas nauna pa sa Lola niya kaysa sa akin," sumingkit lalo ang mata ni Papa sa pagngiti.

Pumunta ako sa kanya para yumakap din. Tumawa sila ni Lola. Naramdaman ko ang paghaplos sa mahaba at itim kong buhok.

Inubos ko ang oras ko sa harap ng salamin bago pumunta sa kama kung saan naghihintay si Lola. Hindi kami tabi kung matulog pero sa tuwing nandito siya, kukuwentuhan niya ako bago makatulog.

But tonight's story wasn't an ordinary one. This is the night when she'll introduce a new character kaya excite na excite ako.

"Matulog na tayo?" pabirong sabi ni Lola na nakapagpasimangot sa akin. Tumawa ulit siya. "Tara na dito."

Inangat ko ang kumot bago sumampa sa kama. I love her stories about another world. The Heart. Ang sabi niya, ang mga tao doon ay gaya din natin. Parehas lang ng itsura pero iba ang kultura nila. Iba ang nature. Kaparehas ng lenggwahe pero may ilang salitang naiiba. Nahahati rin ang tao doon sa apat na uri. Bloods. Oxygens. Veins. Cells.

Sometimes, I don't believe her stories. Iniisip kong dahil lang sa mahilig ako sa science at sinabi kong pangarap kong magdoktor kaya ganyan ang sinasabi niya but every time I ask her if everything is true, she'll always nod.

"Singkit ang mata niya, gaya ng sa'yo at itim na itim. Itim din ang buhok niya. Matangkad. Matipuno. Kayumanggi ang balat dahil sa araw-araw na pagbibilad. Matalino siya at syempre," humagikgik siya na parang dalaga. "Gwapo."

Unti-unti akong hinele ng boses ni Lola at hinila ng antok. Ni hindi ko man lang nalaman kung ano ang pangalan ng bagong tauhan sa kwento. Pagkagising ko, wala na akong katabi. Madilim ang paligid. Sinubukan kong makaaninag pero wala miski kaunting liwanag.

"Lola?" tawag ko pero walang sumagot. "La?"

Sinubukan ko ulit. "Lola? Lola? Nasaan kayo, La?"

Hinintay ko pero wala pa rin. Binalot ng kaba at takot sa dilim ang dibdib ko. Nasaan si Lola? Sina Mama? Nasaan sila?

"Aaaaah!" sumigaw ako sa takot ngunit isang kamay ang nagtakip sa bibig ko.

Nagpumiglas ako pero mahigpit ang hawak sa akin habang dinadala ako kung saan pero wala pa rin akong makita. Impit akong sumigaw pero tila wala nang boses na lumalabas. Unti-unting lumiwanag ngunit hindi ako kumalma.

Ayaw ko dito! Uuwi ako!

Nagpupumiglas ulit ako hanggang sa alisin ang pagkakatakip sa bibig ko pero hindi ang kamay na nakahawak sa braso. Tatakbo na sana ako nang yakapin ako ng kaninang kumaladkad sa akin dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Get LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon