EL 3: Who Are You?

50 1 0
                                    

CHAPTER 3: WHO ARE YOU?

IKALAWANG YUGTO

Nakalipas ang napakaraming taon, pareho nang nakapagtapos sa kolehiyo sila Chichay at Joaquin. Si Joaquin naman, kahit hindi siya lumabas ng kwarto nung paalis na sila Chichay, nakinig naman siya sa mga sinabi ni Chichay at hanggang ngayon ay pinanghahawakan niya ang pangako ni Chichay na babalik siya. May mga bago nang kaibigan at kasama si Joaquin, gayundin si Chichay, pero hindi parin nila nakakalimutan ang isa't-isa at walang tatalo sa pagiging magkaibigan nila. Makalipas ang ilang araw, may mga dumating sa bahay nila Chichay. Nakita ni Joaquin ang isang napakagandang babae na kamukhang-kamukha ni Chichay na siya naman talaga at nakita rin ni Chichay ang isang gwapong lalaki sa tapat ng bahay nila Joaquin na kamukhang-kamukha ni Joaquin na siya rin naman talaga.

*KINABUKASAN*

CHICHAY: Tao po. Tao po.

Lumabas si Joaquin para buksan ang gate. Nagulat siya nang makita niya ay ang babaeng kamukhang-kamukha ni Chichay.

JOAQUIN: Bakit? Sinong hinahanap mo?

Nagulat rin si Chichay nang nakita niya ang lalaking kamukhang-kamukha ni Joaquin.

CHICHAY: Ahh...si Tita Juliana ang hinahanap ko.

Nagtataka si Joaquin kung bakit hinahanap ng babaeng iyon ang mama niya.

JOAQUIN: Bakit mo hinahanap ang mama ko?

Nagtaka rin si Chichay kung bakit tinawag na mama ng lalaking iyon ang Tita Juliana niya.

CHICHAY: Ba-Ba-Bakit mo tinawag na mama si Tita Juliana? Wag mong sabihing ikaw si...Hindi pwede. Imposible. Sino ka ba ha?

Nagtaka si Joaquin kung bakit nagtanong ng ganun ang babae. Tinanong ni Joaquin sa babae.

JOAQUIN: Sino ka ba ha? Kaano-ano mo ang mama ko?

CHICHAY: Ahh...ako nga pala si---

Nang biglang dumating si Mama Juliana at nakita niya si Joaquin at ang babaeng kausap nito. Parang namukhaan ni Mama Juliana niya ang babae kaya agad niya itong pinuntahan.

JULIANA: Oh,Joaquin! Ay! Hello!!! Anong pangalan mo?

Biglang dumating si Mama Betchay at nakita niya si Chichay na nandun kila Joaquin at nakita niya si Mama Juliana kaya pumunta siya kaagad sa bahay nila Joaquin.

BETCHAY: Anak...Anong ginagawa mo...Mars!!!

JULIANA: Ay! Mars, kailan kayo bumalik?

BETCHAY: Kahapon lang.

JULIANA: Ahh...

Biglang naalala ni Mama Juliana.

JULIANA: Nasaan na pala si Chichay? Gusto ko na ulit makita ang inaanak ko at tinuturing kong pamangkin. Siguradong mas maganda niyan yun. Pero kahit paano ang ganda ng batang 'yon.

JOAQUIN: Oo nga po tita, nasaan po si Chichay?

BETCHAY: Eto siya. Si Chichay. Hindi niyo siya nakilala?

Tinuturo ni Mama Betchay ang babaeng katabi niya.

JOAQUIN: Chichay? Ikaw na pala yan.

CHICHAY: Oo. Eh ikaw, sino ka? Kapatid o kamag-anak ka ni Joaquin?

JOAQUIN: Full Moon na or First Quarter Moon or Last Quarter Moon o kung ano mang pwedeng itawag dito. Basta ang alam ko tapos na ang pagiging New Moon mo sa buhay ko.

CHICHAY: Ano?

Tanong ni Chichay sa lalaking kaharap niya. Nagtaka si Mama Juliana dahil kung si Joaquin hindi niya nakilala si Chichay, si Chichay naman hindi niya nakilala agad si Joaquin. Natanong rin ni Mama Betchay.

BETCHAY: Oo nga Mars. Nasaan si Joaquin?

JULIANA: Hindi niyo rin nakilala si Joaquin?

BETCHAY: Ibig mong sabihin Mars...ahh...ahh...

CHICHAY: Ibig niyo pong sabihin ito si Joaquin? Itong...lalaking ito?

JULIANA: Oo Chichay. So hindi ka nakilala ni Joaquin, hindi mo rin nakilala si Joaquin.

CHICHAY: Ahh...ehh...parang ganun na rin po.

BETCHAY: Sige Mars. Uwi muna kami ha. Marami-rami pa kasi kaming aayusin na gamit.

JULIANA: O sige Mars. Mamaya nalang tayo mag-usap, tsaka Chichay at Joaquin mamaya nalang rin kayo mag-usap ulit ha.

CHICHAY & JOAQUIN: Ok po.

---------------

Sorry for soooooo late update. Pero here na Chapter 3. Enjoy!

Eternal Love ◆COMPLETE◆Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon