EL 6: Tulak Ng Bibig, Kabig Ng Dibdib

58 1 0
                                    

CHAPTER 6: TULAK NG BIBIG, KABIG NG DIBDIB

Nang nakalayo na sila kila Chichay, tinanong ni Amanda si Joaquin.

AMANDA: Bakit mo ginawa yun? Bakit mo sinabi yun?

JOAQUIN: Eh kasi naman...ahh...ehh...kasi...ahh...

AMANDA: Kasi ano?

JOAQUIN: Eh kasi...

AMANDA: Ano? Hahampasin kita nito kapag hindi ka pa---

JOAQUIN: Eh kasi hindi ko na kayang nakikitang masaya sila Chichay at Quen tapos ako, parang asong nakabuntot sa kanila.

AMANDA: Eh bakit naman? Hindi ka ba makatangi kay Chichay?

JOAQUIN: Ang totoo...hindi eh.

AMANDA: Bakit naman? Mas gusto mong nasasaktan ka kaysa maging masaya ka?

JOAQUIN: Ha? Anong ibig mong sabihin?

AMANDA: Ang ibig kong sabihin mas gusto mong nasasaktan ka dahil sumasama ka sa kanila kaysa maging masaya ka, magpaiwan ka nalang. Edi, wala ka ng poproblemahin.

JOAQUIN: Eh mas malulungkot at masasaktan lang ako kapag hindi ako sumama sa kanila.

AMANDA: Ha? Bakit naman?

JOAQUIN: Siyempre, kasi hindi ko alam kung anong ginagawa nila, kung nasaan sila, kung...kung...kung...

AMANDA: Mahal mo ba si Chichay?

Natahimik at nagulat si Joaquin sa tinanong ni Amanda.

JOAQUIN: Ba-Ba-Bakit mo naman nasabi 'yan?

AMANDA: O tignan mo nauutal ka pa. Eh kasi concern na concern ka kay Chichay.

JOAQUIN: Siyempre. Bestfriend ko yun eh. Dapat lang na concern ako sa kanya.

AMANDA: E kung makaasta ka parang ikaw yung boy friend e. Matanong nga kita. Bestfriend lang ba talaga ang tingin mo kay Chichay?

JOAQUIN: Oo naman. Bestfriend lang.

AMANDA: Sigurado ka? Alam mo ngayon, naniniwala na ako sa kasabihang 'Tulak Ng Bibig, Kabig Ng Dibdib'

JOAQUIN: Bakit ba pinagdududahan mo ang tingin ko kay Chichay? Sinabi ko bestfriend ko siya. Bestfriend ko lang siya.

AMANDA: Eh bakit naiinis ka. Guilty ka e. Atsaka parang higit talaga sa bestfriend ang tingin mo kay Chichay eh.

JOAQUIN: Bakit ba ang kulit mo. Paano mo nasasabi 'yan?

AMANDA: Wala lang. Sinasabi ko lang kung anong nakikita ko o kung anong nahahalata ko.

JOAQUIN: Alam mo. Bahala ka kung anong gusto mong isipin.

AMANDA: Ok. Saan na pala tayo pupunta?

Dahil sa naiinis si Joaquin ay naglakad na lamang ito palayo kay Amanda. Pero sinundan naman siya ni Amanda.

--------------------

Next will be the last chapter. Thank You sa lahat ng nagsupport dito.

Eternal Love ◆COMPLETE◆Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon