03

10 0 0
                                    

--

Unti unti kong iminulat ang aking mga mata. Ugh! Ramdam na ramdam ko yung sakit ng ulo ko shet. Nakita ko ang sikat ng araw kaya nalaman ko na umaga na pala.

Pero paglingon ko sa kaliwa, isang lalaking nakatitig sakin ang sumalubong sa mukha ko.

"Who are you? Ano ginawa mo sakin?!" sigaw ko at napaatras naman sya. Siguro sya yung nakapulot sakin kagabi? I don't know! I'm drunk at hindi ko na talaga alam kung ano ang mga nangyari.

Ang naalala ko lang ay magpapakamatay sana ako kaso may isang lalaki na epal na hindi tinuloy yung sasakyan nya kaya buhay pa rin ako at nakakaramdam badtrip!!!

"Woww, easy ka lang ate!" sabi nya then hinarang nya yung kamay nya sa harap ko kasi nag-attempt ako na hahampasin ko sya ng unan. "I'm Lorenz Carl Afrenyo. But you can call me Renz. And you are?" he continued.

"I'm Mikee Hernandez" tipid na sagot ko at napa-ismid sya. SPOILED BRAT.

"Bakit ka nandito? San ka galing?" tanong nya ulit sakin. I hate people who always asks me questions. Like kakairita daming tanong sa buhay.

"Huh? May amnesia ka ba? Dimentia? Alzheimer's? Pero mukhag ang bata mo pa naman kaya imposible. Haler? Ako kaya yung hindi mo sinagasaan kagabi!" bulyaw ko sa kanya. Tatanga-tanga magtanong.

"Alam mo ang taray mo. FYI ate ah, ngayon lang po kita nakita. Pasalamat ka nga dinala ka ni Renzo dito eh. Kung hindi ay malamang pinabayaan ka na lang at na-rape kung saan ka man naroroon. Walang utang na loob." he said. Paalis na sana sya kaso pinigilan ko na lang.

"You mean hindi ikaw yun? Eh sino ka? I'm sure ikaw talaga yun eh!!!! Multo na copycat?" pagtatanong ko sa kanya and I heard him giggled. Epal talaga ng taon.

"His twin brother" he said smilefully. Jusko nang-aasar na naman.

"Oh I'm sorry" nasabi ko na lang.

Dali daling pumasok ang isang lalaking kamukha ni Lorenz. He's saying the truth. Kambal nga sila. They're both handsome infairness. Ang pinagkaiba lang, itong lalaking nasa harap ko ay may medyo malaking taling sa lower lip nya. Damn hot.

"Oh gising kana pala. Sino kausap mo?" Tanong nya sakin na parang natatawa na ewan. Para bang iniisip nya na baliw ako. Wow, close naba tayo kuya? Ikaw din dyan eh, epal eh.

"Ayan, your twin brother." sabay nguso ko kung nasaan man si Renz.

Nanlaki bigla ang mata ni kuya. Para bang hindi nya ine-expect kung ano yung nakita nya. Baliw siguro tong kambal na ito.

"May problema ba?" tanong ko sa kanya.

Di na nya ako sinagot. Kinuha nya yung kamay ng kakambal nya at dali daling inilabas ng kwarto dito sa condominium nila. I'm sure condo to kasi di naman gaano kalaki and mukha talaga syang condo.

Sinilip ko silang dalawa. Para bang intense ang pinag-uusapan nila. Diba sila close? Anong meron sa dalawang to? Mukha namang mabait si Renz ah, makulit nga lang. Di kaya may initan itong dalawang to.

I sighed. Lumingon ako sa paligid ng kwarto. WOOOW. Ang ganda! Kanina pa ako dito pero ngayon ko lang napansin. Just wow.

May napansin akong picture frame sa tabi ng lampshade. Silang dalawa to with their mom? I guess. Mukhang nanay nila eh. Ang cute nila dito. Ang saya saya. How I wish may ganito akong klaseng pamilya :<

Then biglang pumasok na ulit sila sa kwarto.

I immediately smiled. "Oh? Anong problema? Asan na si Renz?" tanong ko sa kanya.

"Pinauwi ko na. Anyways. So anong balak mo? Gusto mo samahan kita magpakamatay?" seryosong sabi nya sakin. WHAT? TOTOO? FIRST TIME MAKAKITA NG TAONG SUICIDAL DIN LIKE ME.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

W A S T E D akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon