Introduction

25 1 0
                                    


Warning:This is purely just a work of my imagination

Introduction

Isang elite na school.School na para sa mga mayayaman lamang.Isang skwelahan para sa mga spoiled brat,jerks,mean girls,playboys, innocents,good girls,bad boys name it!

Ito ay para lamang sa mga studyanteng gustong baguhin ang sarili nila or gustong magkaroon ng kahit kaunting pagbabago lang sa sarili nila.Weird right?

Ang skwelahan na ito ay binuo ni Professor William Corpuz Welbourne.Half filipino,half american.Isang weird na prof.Bakit ko na sabing weird?

Sinong matinong founder ang hindi tatanggap sa mga studyanteng gusto lang magaral at hindi gustuhing magbago ang sarili?Naalala ko pa.Noong enrollment day.

Lumapit sya sa isang babae na mageenroll.

"Hija gusto mo bang makapagaral dito?"tanong nya

"Opo naman po"maligayang sambit ng babae

"Kung ganoon.Anong mas gugustuhin mo?Ang makapagaral o baguhin ang iyong sarili?"tanong nya

Napakunot ang noo ko gayun din ang babae.Nagaalinlangan itong sumagot.

"Syempre po ang magaral.Wala na po akong gustong baguhin sa sarili ko"ani ng babae

"Kung ganoon,pasensya ka na hija pero hindi ka pwede sa skewelahan na ito.Para lamang ito sa mga studyanteng gustong baguhin ang kanilang sarili.Madami pa namang ibang skewelahan dyan na nararapat sa iyo"sambit nito at saka tinapik ang balikat ng babae

Hindi talaga ako makapaniwala doon.At alam kong kayo rin.Sumunod,sinong matinong founder and gagawa ng schedule na 6 hours lang ang pasukan?

Naalala ko pa ang sinabi nya nung nagorient na kami.

"Ang susunod kong batas ay paniguradong magtataka kayo pero para rin ito sa inyo.6 hours lang ang magiging klase nyo.Ang natitirang oras ay pwede nyong gamitin sa kung ano ang gusto nyong gawin"

Naalala ko rin ang kanyang ngisi nang makita ang nagtataka naming ekpresyon at saka sya tumawa ng mahina.

Ang pinakaweird nyang ginawa ay ang tawanan ang dalawang lalaking studyante na nagsuntukan.

"Oh?Tapos na ba kayong magsuntukan?Kung oo ay pumarito kayong dalawa saakin"aniya

Sa takot ng dalawang studyante ay lumapit nalang ito kay Professor.Tumawa si Prof nang napaghalataan kinakabahan ang dalawa.

"Bibigyan ko kayo ng isang araw"yun lamang ang sinabi ni Prof bago nakangising tinapik tapik ang balikat ng dalawa at umalis

Kinabukasan laking gulat naming lahat nang makita yung dalawang nagsuntukan na ngayon ay naging magkaibigan na.Hindi namin alam kung paano iyon nangyari pero mukang makapangyarihan talaga si Prof at nagawa nyang pagbatiin ang dalawa.

Professor William Corpuz Welbourne.Ang bumuo ng sikat na skwelahang ito.Pero..

Ano nga ba ang skwelahan na ito?

Walang iba kundi ang

Welbourne High Of Excellent Students

By the way,My name is Rachel Jazz Sandoval.A proud Welbournian.

Love In WelbourneWhere stories live. Discover now