Chapter Two

9 0 0
                                    


Warning:This is purely just a work of my imagination

Chapter Two

Habang nagkwekwentuhan sila mama,papa at professor ay inabala ko naman ang sarili ko sa pagtingin sa kabuuan ng Welbourne High.Sobrang lawak talaga nito.

Nakikita ko rin ang ilang studyante na naglalakad.Siguro ay sila yung mga dati pang studyante dito.

"Sweetie halika na.Pupunta pa tayo sa office ni Tito William"sambit ni mama saakin

Tumango naman ako at sumunod sakanila.Naupo lang ako sa office ni Prof habang sila ay may inaasikasong papeles.Probably my papers for me to comepletely transfer to this school.

"You're now an official Welbournian Ms.Sandoval"sambit ni prof at ngumiti saakin

"Thankyou prof.I am really looking forward to study here"sabi ko

"Very well.Mamaya ay may short orientation tayo para sa aking mga batas na pinatupad."

"Alright prof"sagot ko at lumabas na kami sa office

"Hindi ka ba busy tito?Ang dami ng students ah?"tanong ni papa

"Mamaya pa talaga ako magsisimula sa trabaho.Buti nalang din at maaga kayong pumunta dahil baka pag mamaya pa ay hindi ko na kayo maasikaso"sagot ni prof

Tumango tango naman sila mama.Maya maya pa ay nagpaalam saglit si prof.Sila mama naman ay may nakitang kakilala kaya nakipagkwentuhan.

Mula sa malayo ay nakita ko si prof na may kausap na kasing edad kong babae kaya naman lumapit ako ng bahagya

"Hija gusto mo bang makapagaral dito?"dinig kong tanong ni prof sa babae

"Opo naman po"maligayang sambit ng babae

"Kung ganoon.Anong mas gugustuhin mo?Ang makapagaral o baguhin ang iyong sarili?"tanong ulit ni prof

Napakunot ang noo ko gayun din ang babae.Nagaalinlangan itong sumagot.

"Syempre po ang magaral.Wala na po akong gustong baguhin sa sarili ko"ani ng babae

"Kung ganoon,pasensya ka na hija pero hindi ka pwede sa skewelahan na ito.Para lamang ito sa mga studyanteng gustong baguhin ang kanilang sarili.Madami pa namang ibang skewelahan dyan na nararapat sa iyo"sambit nito at saka tinapik ang balikat ng babae

Napanganga ako sa gulat.Tinanggihan nya ang babae dahil sa wala na syang gustong baguhin sa sarili nya?

Napansin ako ni prof kaya naman ngumisi ulit sya.

"Oh hija mukang gulat na gulat ka?"tanong nito

"Bakit nyo po tinanggihan yung babae?"tanong ko agad

Tumawa si prof at saka sumagot

"Hija binuo ko ang Welbourne High para sa mga taong katulad ko na gustong baguhin ang sarili pero hindi magawa.Ang pinakainooffer ng skwelahan na ito ay kung paano mo babaguhin ang sarili mo susunod lang doon ay ang academics."paliwanag nya saakin

"Pero bakit po hindi pwedeng pumasok dito ang mga gusto lang ay ang magaral?"lito kong tanong

"Kasi gusto kong maging isa kayo,kayong lahat na gustong magbago.Gusto kong magkaisa kayo at tulungan ang isa't isa."

***

Mabilis natapos ang enrollment dahil na rin sa tulong ng ibang teachers.

Unti unti ring nabawasan ang mga studyante dahil siguro ay hindi natanggap.

Hindi ko alam kung paano sila hindi natanggap.Kung tinatanong ba kagaya ng ginawa kanina ni prof o ano.Pero sa pagkakarinig ko ay may isinagawang test si prof para malaman kung gusto bang magbago ng studyante o hindi.

Hindi ko nga alam kung bakit tanggap ako gayong hindi naman ako nagtest.Pero siguro nakita ni prof na tutuo naman ang sinabi ko sakanya kanina.

Narito na kaming lahat sa open field ng school.May nakaset up ding maliit na stage.Maya maya pa ay umakyat sa stage si Professor.

"Good Afternoon new Welbournians!"panimula ni professor

"Siguro ngayon ay nagtataka na kayo sa sistema ng aking paaralan kaya naman andito ako ngayon para magpaliwanag sainyo."sambit nya muli

"Ang aking unang batas ay alam ko namang alam nyo na.Ang skewelahan na ito ay para lamang sa mga studyanteng gustong baguhin ang kanilang sarili.Yun ang una kong batas.Bakit?Dahil ito ang pinaka offer ng skewelahan."tumigil sya saglit"This school isn't about academics.This is all about how you change yourself.But then you dont have to worry.I promise you all na madami parin kayong matututunan sa academics."

Nanatiling tahimik at nakikinig ang mga kasama ko.

"Ang susunod kong batas ay paniguradong magtataka kayo pero para rin ito sa inyo.6 hours lang ang magiging klase nyo.Ang natitirang oras ay pwede nyong gamitin sa kung ano ang gusto nyong gawin"sambit ni prof na parang wala lang

Kami naman ay laglag ang panga.6 hours?Klase?Nagsimulang magbulungan ang mga kasama ko.Ngumisi naman saamin si Prof

"Kung nagtataka kayo kung bakit pumayag ang gobyerno dito,nagkakamali kayo.Wala silang karapatan dahil hindi naman nila sakop ang skwelahan ko."aniya

"Ang pangatlo at panghuling batas ay madali lamang.Ang gusto ko lamang ay tandaan nyo ang bawat salitang ibibigkas ko at itatak nyo iyon sa isip at puso ninyo."napatahimik ang lahat"Sa oras na magsimula ang klase asahan nyo na nng sarili at isa't isa nyo nalang ang masasandigan ninyo.Kaya kapag nagkaproblema kayo asahan nyo rin na walang tutulong sainyo.Hindi ko kaya tinatakot ipinapakilala ko lang sainyo ang salitang 'independence'"seryosong sambit ni prof

Mas lalong tumuhamik pero nagukat nalang kami ng humalkhak si prof

"Dont pressure yourselves too much."sambit ni prof at nagpatuloy"Ah anyways nahahati nga pala ang studyante sa tatlong klase.Ang Bourne High Class at Supreme.Ang mga dati ng studyante ang nagsuggest nito at bilang maintindihing founder ninyo ay pumayag nalang ako.Sa kasalukuyan ay sa Bourne kayo nabibilang dahil bago palang kayo.Ang High Class ay ang mga studyanteng mahigit dalawang taon na dito.Ang pinakamataas na pwesto ay ang Supreme.Sila naman ang anak o apo ng aking mga matatalik na kaibigan na may angking galing at talino.Ang iba sakanila ay naging supreme dahil din sakanilang galing at talino."

Kaming lahat naman ay tila natulala sa lahat ng nalaman

"Dito nagtatapos ang aking orientation.Maraming salamat sa pakikinig.Pwede na kayong umuwi at kuhanin na ang inyong mga gamit.And oh!Brace yourself for tomorrow"











You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 30, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love In WelbourneWhere stories live. Discover now