Klea.
Kleaaa,
Kleeaaaa!
_________________________________
Linggo
"Huff' Puff' Huff' Puff," nagising ako sa aking pagkakatulog. Shit! It's the same dream all over again. Bakit ba yun lagi ang napapanaginipan ko sa tuwing ako ay pagod o may problema? Itanong ko kaya kay Urielle? Ahh basta bahala na.
Tumayo ako sa aking kinahihigaan at inayos ang aking kama. Pagkatapos ko ito ayusin ako ay nagtungo sa banyo at nag ayos ng aking sarili. Lumabas ako ng banyo at bumaba sa hagdanan, nakita ko si Mama at si Papa na hinihintay ako bumaba.
"Goodmorning Mama, Goodmorning Papa," saad ko
"Oh Klea, Gising ka na pala, halika't bilisan mo pumunta ka na dito at kakain na tayo," saad ni Mama. Agad akong bumaba sa hagdan at niyakap sila
Pagkatapos namin kumain, hinugasan ko ang nga pinagkainan. Lumabas ako ng bahay at huminga ng malalim
Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Nilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang matalik ko na kaibigan, si Urielle. Agad ko siyang tinawag at nilapitan.
"Urielleeee!!!" Sigaw ko. Habang papalapit ako kay Urielle, biglang tumunog ang announcement speaker na naka lagay sa mga gilid ng daanan.
"Atensyon! Maari ba na kunin ang inyong mga attensyon? Mayroong sasabihin ang mayor ng ating distrikto. Mamayang gabi Alas-syete-medya, Inaasahan na kayo ay pumunta sa munisipyo upang marinig ang mahalagang anunsyo."
Ano kaya ang anunsyo na yon? Bakit kailangan pa pumunta sa munisipyo para lang malaman kung ano yon? Hays bahala na nga.
"Oh Klea, ba't ganyan yang itsura mo? Tulala ka nanaman,"
"Ah eh.. wala wala.. may iniisip lang,"
"Anyways, pupunta ka ba mamaya sa munisipyo?"
"Hindi ko alam e, pupunta ka ba? Samahan kita!"
"Hmm, sige sige mga ala-singko tayo aalis para hindi tayo ma trapik,"
"Nga pala malapit na pala yung birthday mo. Bukas na yon diba?" Dugtong nya
"Shhh! Wag ka maingay Urielle" bulong ko
"Ano pala balak mo sa birthday mo?"
"Hindi ko pa sigurado e, siguro sa bahay lang ako magdamag,"
"Bakit naman? Dapat pumunta tayo sa magandang lugar. Hayaan mo ako na bahala sa pupuntahan natin,"
"Sige ah, aasahan ko yan!"
"Basta't sagot mo yung pagkain at inumin natin,"
"Oo ako na bahala dun," saad ko.
Pumunta kami sa malabundukin na lugar sa aming lugar at nag pahinga. Dito kasi ang paborito namin na puntahan araw-araw dahil sa preskong simoy ng hangin at mapayapang paligid.
BINABASA MO ANG
The Death Trial
AcciónSa Mundong kabaligtaran, Sa mundong hindi karaniwan, Sa mundong hindi mo inaasahan. Oo. Ang mga inaakala mo na hindi maaaring mangyari ay maaring mangyari. Sa Planet Earth o tinatawag na Gaea, ang bawat kaarawan ay ipinagdiriwang ng matiwasay at map...