FIVE - Ang Minsahe

87 21 0
                                    


June 21, 2020 Update: Changed some parts! But I hope you guys still like it!

Catriona's Point Of View

Nakapila kami nina Serin at Levi dito sa canteen, ang haba ng pila... baka di nako kumain palibasa busog pa naman ako. "Di na ako kakain busog pa naman ako."

"Hindi pwede, kailangan mo kumain." Pigil sakin ni Serin.

Nang binitawan na ako ni Serin bigla akong umalis at tumakbo sa upuan namin kung saan nag-iintay si Sam. "Nasaan pagkain mo?" Tanong niya sakin.

"Wala, ayoko kumain." Sagot ko sakanya, umiling-iling ito.

"Susumbong kita kay Prez!" Sabi niya at agad na tumayo, di ko na siya pipigilan kasi alam ko naman na di niya kaya yun tsaka pipila na yun para makakain.

Nagulat ako ng dinabog ni Prez ang kanyang kamay sa lamesa. "Bakit ayaw mo kumain? Kumain ka, ngayon na." Matigas niyang sabi na nakakunot pa ang noo.

"Ayoko..." Pabalang kong sagot sakanya bago inirapan ito.

Umalis si Prez at umupo si Sam sa harap ko na nakangisi.

"What the hell, Sam?!" Sigaw ko sakanya. "Told you." Sabi niya sakin na nagpabagsak ng aking panga, "Anong ibi-"

"Usog." Sabi sakin ni Prez na may buhat-buhat na tray.

Umupo siya sa tabi ko at isa-isang inalis ang mga pagkain sa tray, nilapag niya yung tray sa ilalim ng lamesa at humarap sakin.

"Eat." Sabi niya sakin. Sinarado ko ang aking bibig at umiling.

"Kumain ka." Matigas niyang sabi, ngayon alam ko na nagagalit na siya.

"Ayoko nga!" Sigaw ko sakanya, biglang tumahimik ang buong canteen at lahat ng attention ay nasa amin.

"Kumain ka o susubuan kita?"

"Ayoko nga..." Nagmakaawa ako sakanya.

Umiling ito at hinawakan ang kutsara. "Open your mouth or I have to do it the hard way."

Umiling ako.

"Ky!" Sigaw ni Prez at agad lumapit ang isang babae, "Open her mouth." Utos ni Prez sa babae na tumango at tinignan ako.

Lumaki ang aking mga mata ng bumukas ang aking bibig ng wala akong ginagawa, ngumisi si Prez at sinubo sakin ang pagkain.

Tinignan ko si Prez at kinausap siya sa kanyang isip. "A-Andrew!"

"Ano kakain ka na?" Tanong niya sakin sa kanyang isip, nagdalawang isip pa ako bago sumagot. "Fine."

"Stop. Kakain na daw siya." Tumango si Ky at agad umalis.

Hinila ni Prez ang plato at inilagay sa aking harap.

Kilala mo ba ang lahat? Bakit alam mo din ang kanilang mga kakayahan? Ganun ka ba talaga ka... mysteryoso? Tanong ko sakanya ngunit sinabi ko lamang ito sa aking isip bago ngumuso.

"Bakit naka nguso ka?" Natatawang tanong niya sakin, he clearly knew why.

"I hate you..." Sabi ko sakanya bago sinubo ang pagkain na nakalagay na sa kutsara.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" Supladong tanong ni Prez kay Sam.

"Usog!" Sigaw ni Serin kay Sam na agad namang umusog.

"May meeting tayo mamaya." Sabi ni Prez, tumingin siya sakin at sumeryoso ang mukha. "Don't be late."

Inirapan ko nalang siya at ininom ang juice na nasa harap ni Prez, dinura ko agad ito sa sahig ng matikman ko ang lasa, narinig kong tumawa si Sam at Prez na agad tumigil ng tignan ko sila, si Serin naman ay umiling-iling lang.

Creature AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon