Prolouge

122 26 52
                                    

Sa isang liblib at tagong kagubatan namamalagi ang isang pamilya. Isang pamilyang buo at maligaya kahit na payak lamang ang kanilang buhay na natatamasa. Ngunit ang kasiyahang nadarama ng pamilya ay mabubulabog sa mga susunod na gabi na mamalagi sila rito. Dahil kasabay ng pagkagat ng dilim ay sasapit sa kanilang pamilya ang isang trahedyang makakapagpabago sa kanilang buhay.

Ang pamilyang ito ay ang pamilya Olivarez. Isang pamilyang mas piniling manirahan sa gitna ng kagubatan kaysa sa bayan. Mukha man itong kakaiba ngunit sa kanilang mga pagiisip ay ito'y normal na lamang. Lumipat sila rito mula ng paalisin sila sa kanilang tinutuluyang bahay noong sinira ito ng isang ahensiya ng gobyerno dahil sa wala silang maipakitang mga papeles at dokumentong magpapatunay na kanila ang lupang kinatitirikan ng kanilang bahay.

Subalit ang pangyayaring ito ay siyang nagpatibay lamang sa kanilang pagkakabuklod-buklod bilang isang pamilya kahit na sila'y hirap na sa kanilang pinagdadaan. Dahil narin sa kahirapan ng walang matirahan ay napilitang ibenta nila Rodel at Carol na s'yang ilaw at haligi ng tahanan ang kanilang mga kagamitan mula sa kanilang sinirang tahanan at mula sa mga perang napagbenahan dito ay muli silang tumayo sa kanilang pagkakadapa sa hirap ng mga nangyari sa kanila at bumango sa lubak sa ng hirap at nagpatayo muli ng isang matibay at maayos na bahay sa gitna ng kagubatan dahil mula dito ay wala ng kahit anong ahensiya ng gobyerno ang makatutunton sa kanila kahit na walang silang sapat na mga dokumento sa pagtatayo ng bahay dito.

Muling nabigyang liwanag ang loob ng pamilya dahil sa pakakaroon muli ng panibagong bahay. Masayang masayang nilibot nila Aldrin, James at Melissa ang kanilang bagong tayong bahay. Sila ang mga natatanging anak nila Rodel at Carol. Si Aldrin ang pinakamatanda at panganay na lalaki ng pamilya sa edad na labing walo. Sumunod naman sa kaniya si James na lalaki rin sa edad na labing anim. At panghuli, si Melissa ang bunso sa kanilang magkakapatid sa edad na labing tatlo.

Hindi man masiyadong magara ang natayong bahay ng pamilya ay naging masaya na ang magkakapatid at magasawa sa kanilang napundar mula sa pagbebenta ng kanilang mga lumang kagamitan. Kung tutuusin ay pwedeng pwede na talaga ito sa isang pamilya. Mayroon itong tatlong kwarto. Isa para sa mag-asawa, isa sa dalawang magkapatid na lalaki at isa para kay Melissa. Pinili nilnag ibukod si Melissa dahil narin nais ng mag-asawa na bilang babae ay dapat magkaroon si Melissa ng isang pribadong kwarto para sa kaniya. Mayroon ding maayos na palikuran, kusina at sala na may isang malaking bintana upang matanaw narin nila ang kanilang labas ng bahay. Sa isang nagsisimula pa lamng sa pgbuo ng bahay ay malaking hakbang narin ito kaya't mabuti narin ito sa kanila kaysa wala silang matuluyan.
Sa mga unang araw ng kanilang paninirahan dito ay halos wala pang kalaman lamang mga kagamitan ang bahay ngunit sa paglipas ng panahon at kasabay ng pagpupursigi nila ay unti unti na itong napupuno at nalalagyan. Nagawa na nilang magpundar ng kung ano anong bagay at mga sari saring gamit upang mapaganda o mailagay sa kanilang bahay. Isa narin sa mga maituturing na magandang naipundar ng kanilang pamilya mula sa pagtratrabaho mula sa isang kalapit na bayan ay ang isang magandang pusa. Mahal na mahaka ito ni Melissa at itinuturing niya itong maliit na kapatid mula sa pagaalaga at pagpapakain dito.

Lumipas ang panahon at wala namang masamang nagaganap sa buhay ng magpapamilya hanggang sa dumating ang isang gabi na nagpagimbal sa kanilang isipan. Habang nasa bintana at nakasilip si Melissa ay may naaninag siyang isang aninong malaki na nakatago sa likod ng puno malapit sa kanilang bahay. Sa pagtataka ng dalaga ay nagtungo siya papalapit sa puno upang makita ng mas malinaw ng kaniyang dalawang mata ang kung ano mang nilalalang ang nagkukubli sa pamamagitan ng kaniyang anino.

Unti unting lumapit ang dalaga sa punong ito habang tinititigang mabuti ang anino kung ito ba'y gumagalaw o kung ano pa mang ginagaw nito. Habang humahakbang siya ay nakaramdam na din siya ng kakaibang pakiramdam sa kaniyang katawan na para bang sinasabi nitong wag na lamang siyang tumuloy. Sa muli niyang paghakbang paabante at patungo sa puno ay nakaramdam na rin siya ng kaba at paglakas ng pagtibok ng kaniyang puso ngunit ipinagsawalang bahala niya na lamang ito at tumuloy na lamang,

Armaggedon:End Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon