Chapter 1:The Call Of Duty

94 19 47
                                    

"Talaga!?" masayang tanong ni Callie kay Clay at Zayne. Hindi maipinta at mailarawan ang kasiyahang natamo ni Callie sa mga oras na iyon dahil ito na ang araw kung saan ang pangakong binitawan niya sa kanyang Ama habang ito'y unti unting binabawiian ng buhay ay matutupad na.

Hindi tulad ng ibang bata si Callie. S'ya ay isang batang namulat sa karahasan, pagdurusa at madilim na karimlan ng mundong kanyang ginagalawan. Bata pa lamang s'ya ay nasaksihan niya na ang iba't ibang mga pangyayari na siyang bumago sa takbo o daloy ng mundo. At higit sa lahat nasaksihan niya din ang pagkamatay ng kanyang ama't ina sa sarili niyang mga kamay.

***

Noong isa pa lamang legal na Exorcist at Demonologist ang kanyang Amang si Leonardo at katulong nito ang kanyang asawa na si Esmeralda na isang Clairvoyant at Astral Projector ay nagkaroon sila ng isang kasong patungkol sa isang babaeng nasapian ng demonyo. Ang babaeng ito ay si Juliet Allens, isang simple at ordinaryong babae na s'yang mahilig magsaya.

Ayon sa mga magulang ni Juliet na si Francisca at Noel Allens ay nagsimula ang lahat ng ito noong nabuntis si Juliet at iniwan ng kaniyang asawa. Namuhay silang magkakasama hanggang sa naganap ang isang makapanindig balahibong mga pangyayari.

Ayon sa kwento ng kanyang mga magulang na maagang gumigising si Juliet upang magluto at maglinis ng bahay para sa kanila. Nakasanayan narin nito na bumili ng mga kailangan sa kanyang mga lulutuin kahit sa oras na ang langit ay siyang nagdidilim pa lamang at ang manok ay hindi pa tumitilaok.

Isang umaga ay lumabas si Juliet upang pumunta sa pinakamalapit na bilihan na bukas sa kanilang lugar para sa kanyang pagluluto. Ang bilihan na kadalasan niyang pinupuntahan ay nakasara sa mga oras na iyon kaya't kailangan niyang tuntunin ang susunod na tindahan sa may kabilang kanto. Ngunit upang makarating dito ay kailangan niyang dumaan sa isang madilim at medyo masisikip na iskinta.

Dahil sa kawalan ng iba pang paraan, tumungo na lamang ang babae papunta dito at walang alinlangang tinahak ni Juliet ang iskinita patungo sa isang kalsadang naglalapit sa kanya sa tindahang nais niyang puntahan. Noong una'y wala lamang ang pakiramdam ni Juliet na para bang walang kakaiba sa iskinita ngunit habang papalayo na siya mula sa kanyang dinaan ay unti-unti niya nang nararamdaman ang mga kakaibang nangyayari sa kaniya.

Isang marahan ngunit malakas na sitsit ang sumalubong sa kanya mula sa iskinitang ito. Napalingon naman ang dalaga ngunit wala siyang nakita at napagpasyahang tumuloy na lamang. Ngunit habang tumutuloy ang dalaga sa kanyang paglalakad ay mas lumalala ang mga pagpaparamdam sa kanya. Mula sa kanyang harap nakita niya ang isang anino ng isang lalaki na may hawak na patalim at nagaakmang saksakin siya.

Sa pagkabigla ng dalaga ay humarap ito at nakita ang nakakatakot na mukha ng lalaki. Ang mga mata nito ay nawawala at para bang dinukot sa perpektong paraan. Wala itong labi ngunit may tahi mula sa kanyang bibig hanggang sa kanyang tenga na para bang nakangiti lamang ito. Ang ilong at tenga naman nito ay naglalabas ng mga uuod mula sa mga butas nito. Nakasuot ang lalaking ito ng isang amerikana at nakasobrero upang matakpan at maitago ang kung ano man sa ulo nito. Sa kanyang kanang kamay ay hawak niya ang isang patalim at sa kabila naman ay hawak ang isang payong.

"Ahhhhh!!!" malakas na sigaw ni Juliet. Tumakbo siya papalayo sa lalaking nasa kanyang likuran ngunit sa pamamagitan ng payong nito ay hinablot niya ang paa ng dalaga na nagdulot dito na madapa at mahulog sa lupa. Nawalan ng malay ang dalaga at unti-unting nawawala na rin ang kanyang paningin.

Ilang minuto mula sa pagkakabagsak ni Juliet ay nagising na lamang siya sa isang Antique Shop na may kung ano anong laman at may nakakatakot na mga iskulptura. At mula sa kinatatayuan ni Juliet ay natanaw niya ang isang lalaking may hawak ng payong na malayong malayo mula sa kaniya. Nalaman agad ng dalaga na ito ang halimaw na siyang nagbalak na pumatay sa kaniya dahil sa kaparehong payong na hawak ng lalaking kanyang nasa harapan at ng halimaw na kanyang nakatunggali.

Armaggedon:End Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon