NIKKI'S P.O.V
Gabi nanaman at nagyaya si Krissy na pumunta kami ng perya.. Bihis narin naman ako at ready na akong umalis yun nga lang ang kasama ko wala pa hanggang ngayon..
Pumunta ako ng basketball court para manood ng laro baka kasi nandun si Krissy.. Nawili ako kakapanood ng laro at saka palang dumating ang bruha..
" Anung petsa na oh?! Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako nandito eh.. " Ganyan ako eh, ayoko sa lahat na pinapahintay ako. Okay lang malate ng 5mins pero ang mag hintay ng kalahating oras? No way no?! Pasalamat siya at nawili ako ka papanood ng laro..
" Alam mo naman si mama tinalakan nanaman ako.. Kesyo baka daw gusto ko na mag asawa?! " - Krissy
Nakasimangot siya habang sinasabi yun.. Ganyan kasi ang mama niya tuwing aalis si Krissy lagi nalang siyang sinasabihan na baka mag aasawa na siya!! Diba pwedeng bf muna bago asawa?! Excited lang eh!!
" Parang di kapa nasanay sa mama mo.. Gosh!! Tara na nga baka gabihin nanaman tayo mamaya at mapagalitan din ako ni mama.. "
Umalis na kami at pumunta na ng perya.. Ang daming tao at maraming new faces in town.. Nakita ko din ang ex ko pero as usual deadma lang ako..
Bf ko siya nung 15 years old pa lang ako. Sinagot ko siya kasi napilitan lang ako dahil narin sa pamimilit ng friend kong si Lyka. Naging chaperon nya kasi ako nung time na yun. Di niya daw sasagutin ang ultimate crush niya kapag di ko sinagot si Gabriel.. In short dinamay lang niya ako sa kabaliwan niya.. At ako naman si uto uto sinunod din siya.. Ikaw ba naman sapilitang pasagutin ng oo hindi ka kaya umuo?! Ganun nga yun!
Nung na feel ko na parang magkakagusto na ako ky Gabriel hiniwalayan ko na siya.. At since then, di ko na siya pinansin o kahit sulyapan man lang..
" Uy Nikki, si Gabriel oh.. Nakatingin nanaman sayo.. " - Krissy
" Hayaan mo nga yan, wag mong tingnan baka isipin niya na interesado tayo sakanya.. " Pero ang walang hiyang Krissy mas lalo pang pinansin si Gabriel.. Kaya binatukan ko na siya.. Di makaintindi ng tagalog eh..
" Loka loka, bakit mo ako binatukan?! Ang sakit nun ha?! " - Krissy
" Di ka ba makaintindi ng tagalog? Baka gusto mong inglesin ko pa para maintindihan mo ang salitang HUWAG?! " - Ako
" Bakit mo kasi dinideadma ang ex mo? Wala naman yang ginawa sayo ah?! Besides, ikaw ang nakipag break sakanya na wala namang valid reason.." - Krissy
Nakakainis talaga ang babaeng to.. Bakit about sa ex ko ang topic dito?! Nagpunta kami ng perya para mag enjoy dito hindi para pag usapan ang ex ko..
" Hoy bruha, pwede ba tigilan na natin ang topic na to at ilang taon na ang nakalipas nung mag break kami.. Naka move on na yan at kung gusto mo sayo na siya.. Wag mo na akong idamay pa sa pinaglalaban mo about sa ex ko.. Kaya nga EX eh kasi tapos na at hindi na babalikan pa.. Gets mo?! " Natahimik tuloy siya sa bwelta ko.. Alam naman niya na ayaw ko sa lahat pag usapan ang nakaraan na dahil limot ko na yun pero siya binabalikan parin.. Para bang affected siya sa ngyari samantalang 6years na ang nakalipas nung nag break kami ni Gabriel..
" Tara na nga mag laro nalang tayo sa roulette at uuwi tayo ng 10pm.. " - Krissy
Hay salamat! Edi natigil din siya sa pangungulit about sa ex ko.. Naglaro na lang kami hanggang sa di namin namalayan na 10pm na pala.. Nag decide na kaming umuwi kasi wala kaming ibang kasama at medyo nakakatakot dumaan sa tulay.. Buti nalang nakita ko si Ate Janine at sumabay na kaming umuwi sakanya..
Lumipas ang ilang araw at fiesta na sa aming bayan. Halos lahat ng tao busy dahil sa paghahanda ng mga pagkaing lulutuin nila.. Ako naman umupo sa favorite spot ko ang upuan sa tapat ng bahay namin..
Pinagmamasdan ko lang ang mga taong dumadaan sa kalsada. New faces, siguro mga bisita sila ng mga kapitbahay namin..
Nakita kong paparating si Krissy my dala dalang malaking kawali..
" Uy Krissy, anung gagawin mo jan? " - Ako
" Anu ba ginagawa sa kawali? Ang engot mo talaga Nikki kahit kelan! " - Krissy
Nagtatanong ng matino sasagutin ako ng isa pang tanong.. Tanga tangahan lang ang peg!
" Baka kasi maliligo ka jan?! Engot ka rin! Tseh!! " Nakakabadtrip talaga ang bruhang to..
" Ewan ko sayo! Wala kang kwentang kausap.. " - Krissy
" K bye! " - Umalis na siya at ako naman tumambay parin dun sa tapat ng bahay namin.. Bored na ako dito pero wala akong magawa kundi tumingin sa mga taong dumadaan sa harapan ko..
Buong mag hapon akong nasa loob lang ng bahay at naiirita ako dahil sobrang ingay. Ang lakas lakas kasi ng sound system at parang sasabog na ang eardrums ko sa tindi ng tugtog! Kinagabihan pumunta kami ng disco at sumayaw kami dun. Nung napagod na ako sa kakasayaw nag decide akong umuwi na since 1am na ng umaga. Grabe pagdating na pagdating ko sa bahay bagsak ako agad. Hindi na ako nakapag palit ng damit ko. Kung anu ang suot ko sa sayawan yun narin ang suot ko matulog. Ang baho ko dahil sa amoy ng usok ng yosi pero pagod na ako kaya di ko na pinansin yun at natulog ako agad..
Kinabukasan daig ko pa ang my hang over. Hang over dahil sa puyat hindi dahil sa inom.. Kumain lang ako at natulog ako ulit dahil antok parin ako at kulang ang buong araw na tulog para makabawi sa puyat ko last night.. Boring din naman kasi after ng fiesta super tahimik kasi tulog halos lahat ng tao sa bayan namin.. Ikaw ba naman magpuyat mag damag di ka aantokin?!
A/N:
Sorry kung ngayon lang nakapag update dito kasi priority ko ang Mr. Heartthrob Meets Ms. Scholar ( plug din pag my time :D )
Pakibasa din po ng story na yan.. Slow update lang po dito nakita niyo naman po sa title diba?! ^__^
Please bear with me okay?! VOTE and COMMENT please!!
BINABASA MO ANG
T.E.X.T.M.A.T.E (On hold)
KurzgeschichtenNaranasan mo na bang mainlove sa katext mo? Yung tipong kahit sa text palang ramdam mong mahal mo talaga sya?! Pero paano kung magbiro ang tadhana sa inyong dalawa? Kakayanin mo kaya ang magiging biro ng tadhana sa inyo?!