NIKKI'S POV
Ngayon na ang balik ko ng Manila tapos na ang two weeks vacation ko. Medyo bitin pa nga ang bakasyon ko pero wala naman akong magagawa. Mas nanaisin ko pang mag trabaho kesa tumambay na walang sweldo. Paanu na lang ang mga needs ko diba?!
Nandito na ako ngayon sa airport di narin ako nagpahatid sa family ko. Ayoko kasing malungkot pag makita ko sila na uuwi na.
Calling all the passengers of flight JQ11412 for boarding..
Tinatawag na ang flight ko kaya kinuha ko na ang hand carry bag ko at pumasok na ako. Buong byahe akong gising since 1hour flight lang naman from Iloilo to Manila. Pag dating ko ng Manila deretso na akong lumabas ng airport at sumakay ng taxi. Pag dating ko sa apartment ko nilagay ko lang mga gamit ko sa cabinet at natulog ako ulit. Since Saturday ngayon at sa monday pa ang pasok ko matutulog ako whole day bukas at iprepare ko narin ang gagamitin ko para sa lunes.
Kinabukasan maaga akong nagising sabi ko pa naman matutulog ako whole day pero di yata nakikisama ang katawan ko. Naglinis ako ng apartment ko at nagluto narin ng pagkain ko para sa araw na to.
Pagod na pagod ako kinagabihan dahil nag general cleaning ako dito sa apartment ko. Matutulog na sana ako ng biglang my tumawag na unknown number. Sasagutin ko na sana pero biglang namatay ang call. Kaya tinext ko na lang ang unknown number na yun.
To Unknown number:
Who's this please?
Nag hintay ako ng reply niya pero after 20mins wala paring reply. Dahil na curious ako sa nag misscall sa akin nag text ako ulit and this time galit na ako. Ayoko kasi na pinagtitripan ako.
To Unknown number:
Next time wag kang mag misscall kung hindi ka naman magrereply kapag tinatanong ka. Nakaka bwiset ka alam mo ba yun? Wag ka ng mag misscall ulit kung ayaw mong pasabugin ko inbox mo!!
After kong maisend ang text wala paring reply kaya natulog nalang ako dahil opening ako bukas.
Kinabukasan, ang aga kong nagising dahil 7:30am time in ko na. Ginawa ko na ang daily routines ko at pumasok na ako sa work ko. Pag dating ko ng work sinalubong ako ng friend ko dito si Mia.
" Welcome back Niks! Pasalubong ko nasaan? " - At nag beso beso kaming dalawa ni Mia.
" Wow ha? My sinabi ka bang pasalubungan kita? Pulubi ako kaya wala akong pasalubong sayo. Sorry! " - nag pout lang ang bruha. Akala mo bata na my paganyan ganyan pang nalalaman..
" Kuripot mo talaga kahit kelan! Baka ikayaman mo yan teh. " - hinampas ko nga pero mahina lang naman.
" Eh kung ikayaman ko to edi sana noon pa diba?! Adik! Oh siya, mauna na ako kasi mag tatime in pa ako eh. See you around! " - At umalis na ako lakad takbo pa nga ang ginawa ko kasi baka malate ako sa time in ko.
Buong hapon akong nakatayo at from time to time my mga costumers din akong inaassist. Ganito naman lagi ang eksena sa work ko at kung mamalasin ka minsan my mga costumer na akala mo sila may ari ng shopping mall kung maka utos. Alam ko naman na costumer is always right pero dapat alam din ng mga costumers na my limitation din ang lahat. Hindi porke yan ang sinabi eh aabusin mo na ang Qoute na yan. Paanu naman kaming mga empleyado diba? Lagi nalang kami napag bubuntunan ng galit ng mga costumers. Kunting mali lang namin pagsasalitaan na kami ng masama and worst is mumurahin pa kami sa harap ng maraming tao. Tao din kaya kami at di kami perpekto at magkakamali talaga kami.
Uwian na at nagmamadali na akong umuwi. Pagod na rin naman kasi ako kaya latang lata na ako. Pagdating sa bahay in-on ko ang phone ko at my apat na messages na dumating. Nakita ko na my message si Unknown number sa akin.
Unknown number:
Hi Nikki, kamusta na? Si Justin pala ito yung pinsan ni Anne..
Me:
Sinong Justin? At sino si Anne? Di ko kayo kilala..
Unknown:
Ako yung taga kabilang bayan niyo yung kalaro mo dati sa school nung mga bata pa tayo..
Me:
Ah. Naalala ko na, kamusta kana? Diba nandito kayo sa Navotas?
Justin:
Okay naman ako, yup dito na kami nakatira sa Navotas. Ikaw saan ka dito at anung work mo?
Me:
Nandito ako sa Pasay, sa isang shopping mall ako nag wowork. Ikaw?
Justin:
Nag aaral ako at Nautical ang course ko. Graduating na nga ako eh.
Me:
Wow, sunod sa yapak ng daddy mo ha?! Good for you then.
Justin:
Oo nga eh. By the way, okay lang ba sayo na textmate tayo?
Me:
Kanina pa nga tayo magkatext di pa ba tayo textmate nito? :)
Justin:
Gusto ko kasi regular tayong magkatext. Okay lang ba?
Me:
Sure, no problem sa akin. Yun nga lang tuwing uwian ko lang ako pwede makatext and pag rest day ko.
Justin:
Ayos lang yan sa akin total busy din naman ako sa studies ko eh.
Me:
Okay then! Paanu matutulog na ako ha? Aga pa pasok ko ng work bukas eh. Good night and nice texting with you! :)
Justin:
Okay! Good night din. My pasok na din ako eh.
Natulog na ako at masaya ako kasi my katext na ako. Dati kasi bihira lang tumunog ang phone ko kasi nga wala naman akong naging boyfriend na pwedeng mag text sa akin. At least ngayon kahit wala akong boufriend my makakatext na ako yun nga lang kelangan ko ng mag load lagi. Hay!
A/N:
Alam niyo na kung bakit puro text ang magiging convo ng mga main characters dito. Siyempre TEXTMATE ang title that means puro text lang sila. Pasensiya na sa update kung maiksi di kasi ito priority ko. Pero ina update ko lang to from time to time para narin matapos ko ito soon.. Vote and comment readers.. Thank you! <3<3<3
BINABASA MO ANG
T.E.X.T.M.A.T.E (On hold)
Short StoryNaranasan mo na bang mainlove sa katext mo? Yung tipong kahit sa text palang ramdam mong mahal mo talaga sya?! Pero paano kung magbiro ang tadhana sa inyong dalawa? Kakayanin mo kaya ang magiging biro ng tadhana sa inyo?!