Chapter 2

13 0 0
                                    

***TROUBLE MAKER***

Roza's POV

Maaga akong gumising para mag hanap na ulit. Pero una ko munang pinuntahan ang StarLex Entertainment Company.

Tumawag kasi sakin si mommy at may ibibigay daw sya sakin. I have no idea kung ano yun.

Agad akong dumiritsyo sa office nya. Binabati naman ako ng mga staff at artist na nakakasalubong ko.

''Hi Manager Roza.'' Sobrang sumasaya talaga ang puso ko kapag tinatawag akong manager hehehe. May tatlo na din naman akong Idol group na nae-debute pero hindi ako ang naging manager nila.

Pag katok ko ay pumasok na ako sa loob. Lumapit ako agad sa table nya.

''Good morning Ms. Star!'' Bati ko dito. May inabot naman sya saking susi na agad kong kinuha pero nag tataka ako kung ano ito at kung para saan ito.

''What's this Ms. Star?'' Tanung ko rito habang sinusuri ang susi.

''Keep it. Kapag nabuo mo na ang gropong pinapabuo ko sayo ay syaka mo malalaman kong para saan yan. Now you can go dapat mabuo mo na ang team mo as soon as possible!'' Bakit kaya masyadong nag mamadali si mommy na matapos ko ang misyong ito? Well mukhang makakatulong naman ito. Nilagay ko sa bag pack ko ang susi at nag bow na kay mama at umalis na.

Hindi ko alam kung saan ako dapat pumunta pero namalayan ko nalang na nasa arcade ako. Tinangay ako ng mga paa at ng malalim kung pag-iisip sa susing ito dito sa arcade. Pumunta ako sa live videoke. May napansin kasi akong dalwang mag kaibigan na kanina pa kanta ng kanta at kulitan ng kulitan.

Umupo ako at pinanuod sila. Hindi nila napapansin na madami ng tao ang naaaliw sa kanila. At higit pa roon ay napaka ganda ng boses nila. Maraming mga dalaga ang nakamasid sa kanila dahil ang gwapo nila pareho. Yung isa matangkad palagay ko around 6 footter ang isang to at ang cute ng malaki nyang tenga. Malagong ang boses nya at malalim. Yung isa naman ay mga 5'9 siguro. Ang cute nya at ang lamig ng tinig nya.

Nang magsawa ang dalwa ay pumunta naman sila sa supermarket. Sinusundan ko lamang sila at nag-aabang ng tamang timing.

Ang kulit nila at dahil sa kakulitan nila nasagi nila ang isang bote ng mamahaling alak. Agad lumapit yung staff.

''Naku sir kailangan nyo po itong bayaran!'' Sita ng lalaki. Nag katinginan yung dalwa.

''Naku wala akong dalang malaking pera ngayun!'' Pag-aalala nong 5'9. Napakamot naman sa ulo yung 6 footter.

''Hala ako din!'' At halatang nag-iinit na ang ulo nung staff.

''Ako na ang mag babayad!'' Sabi ko doon sa lalaki. Napatingin naman sakin yung dalwa.

''Sige po Ma'am dito po tayo!'' Mahinahong sabi nung lalaki. Pumunta kami sa casher upang bayaran yung alak. Nakasunod naman samin yung dalwa.

''Thank you po ma'am.'' Sabi sakin nung casher ng matapos na. Bumaling naman ako don sa dalwa.

''Mag-iingat na kayo sa susunod ha!'' Sabi ko at agad na silang iniwan.

Yes iniwan ko na sila. But I have a plan... 1....2.....3....

''Wait Miss!'' Hingal na sumulpot sa harap ko yung dalwa. Huminto ako at inantay sila makapag salita.

''Pano kami makakabawi?'' Tanung ni Mr. 5'9. Hindi ako sumagot pero inabutan ko sila ng calling card ko. Kinuha nila to at binasa.

''Be part of my team?'' Ngumiti ako at nag-antay ng sagot nila. Nag katinginan sila at sakin.

''StarLex?'' Sabay nilang tanung. Tumango lang ako.

''SURE!'' sabay ulit sila. Hindi naman sila kambal para palaging sabay.

''Ako pala si Park Chanyeol!'' Ah ang pangalan pala ni Mr. 6 feet ay Chanyeol.

''Ako naman si Byun Baekhyun! Nice to meet you!'' Pag kain ang pangalan ni mr. 5'9? Bigla tuloy akong nagutom sa dalwang trouble maker na to.

Kinuha ko ang mga contact number nila. 5 to go!

Agad namang tumawag si Ma may Audition daw silang ginawa para sakin. At ako nalang ang inaantay. Agad akong nag madaling bumalik sa company. Pa dating ko sa Auditorium ay napaka daming tao ang nakapila sa hall way. Pero diko na sila nakilatis dahil nag mamadali ako.

Pag dating ko ay agad akong inabutan ng tubig ni Nina ng tubig. Secretary sya ni Mommy. Nag simula na din ang audition.... madaming magagaling pero may tatlong nakaagaw agad ng atensyon ko at sila ang nakalagay agad sa listahan ko. Si Kim Jong Dae, Kim Min Seok at Kim Jong In. Hindi ko alam kong mag kakapatid ba sila or What kasi mag kakapareho sila ng apelyedo. Kaso di naman sila mag kakamukha.

''Wala naba?'' Tanung ko kay Nina.

''May isa pa po Ma'am!'' Sagot nito. Pinapasok na nya agad yung last at sh!t. Sorry sa bad words pero lintis lang talaga sa ka gwapuhan ang isang to! Matangkad din at matikas shook...

Sumayaw sya at nag rap and he convice me of his dance skills and rap na sya ay nababagay sa team ko.

Okay last one to GO!!!

I'll Search The Universe (ExoFanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon