Chapter 3

1 0 0
                                    

***Last One***

Roza's POV


Nag pasalamat ako kina mommy para dito, ngayun isa nalang ang kailangan kong hanapin.

''Pano isa nalang?'' Tanung ni mommy.

''Yes Ms. Star and I think mahahanap ko na din sya soon!'' sagot ko.

Umalis ako ng building na madilim na. Ginabi na ako sa dami ng nag audition. Pero sulit naman hanggang dulo.

Sinabi sakin ni Mommy na puntahan ang singing competition na ito. May binigay sya saking address kaya dito naman ako pupunta.

Pag dating ko doon ay nag sisimula na ito. Mabuti nalang may may upuan pa sa unahan.

''Please welcome Do Kyungsoo!'' sigaw ng MC. Nag palakpakan ang mga tao at nakisabay nalang ako.

Palagay ko mga nasa 5'9 sya or 5'10. Mukha syang suplado dahil sa mata nya pero ang lakas ng dating nya. Ang gwapo gwapo nya.

Pero mas lalo syang naging kamangha-mangha ng kumanta na sya. Para akong lumulutang sa napaka ganda nyang boses.

At nang matapos ang contest ay hindi na ako nagtaka nang sya ang tanghaling champion. Sana lang ay makumbinsi ko sya na maging part ng team ko.

Gaya ng ginawagawa ko ay inabangan ko sya.

''Hello!'' Bati ko sa kanya. Pero masama ang tingin nito sakin at bigla akong kinabahan sa takot. Parang may gumapang na kung anong kilabot ang naramdaman ko. Killer ba ang isang to? Kinuha ko ang calling card ko at inabot sa kanya. Nang mabasa nya ito ay agad nya tong tinapon at kinagulat ko yun.

''Hala bakit mo tinapon?'' Takang tanong ko dito at agad kong pinulot ang calling card ko. Pag angat ko ay umalis na ito. Agad ko syang hinabol.

''Teka lang!'' Hinawakan ko ang braso nya upang pigilan sya.

''Ano bang kailangan mo?'' Ako mismo ang napa bitaw ng makita ko ang mata nya. Hindi ko alam nakakatakot talaga ang mga iyon eh. Mas natakot pa ako doon kisa sa boses nyang halatang naiirita na.

''Ma...may talent ka at ikaw ang hinahanap ko... ka...kaya kitang pasikatin at gawing super idol sa...sa buong mundo!'' Nakakainis ang panginginig ng boses ko sa takot sa kanya. Ngayun ko lang naramdamang matakot ng ganto.

''Hindi ba halatang wala akong interes diyan?'' Galit niyang sagot. Hindi ko sya puwiding sukuan nalang. Napaka talentado nya at kailangan ko sya. Sya nalang ang kulang sa gropo ko.

''Pero bakit? Mas makikilala ka ng mga tao dahil sa boses at talento mo... bakit ayaw mo?'' Tanung ko muli. Makulit ako at dito ko yun dapat patunayan.

''Pakiusap tigilan mo ako!'' Sigaw niya at iniwan akong gulat na gulat sa pag sigaw nya. Natakot ako ng sobra. Baka patayin ako nito dahil sa kulit ko ah...

Kaya naman sinundan ko nalang siya ng patago. Isang simpleng bahay lamang ang kanyang tahanan at napaka lungkot nito para sakin.

Bumalik na muna ako sa building upang masabi kay mama na kumpleto na ang team ko at kailangan ko nalang kumbinsihin yung isa.

''Okay gamitin mo na ang susing binigay ko sayo.'' Sabi sakin ni mom. Anu nga ba ang susing ito.

''Ano po ba ito ma?'' Tanung ko.

''Sa building unit mo sa floor 38.'' AGad akong nag karoon ng idea kung ano ito pero gusto ko paring mang galing sa kanya.

''Yan ang susi ng magiging dorm ng team mo.'' What? My gosh napaka laki ng unit na yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'll Search The Universe (ExoFanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon