Thirty Minutes Before...

71 1 0
                                    

"I'm sure magkakasundo kayo ni Everest, she's a sweet girl."

Ngumisi ako. "Well, I'm excited to meet her."

"Di ka ba nababahala? Arranged marriage ito." Sabi ni Mr. Mount ang mag-iinvest sa kumpanya ng tatay ko.

"Okay lang po. It's for the comp—"

"Yabooo! Yabooo!"

Napatingin kaming dalawa kung saan nanggaling yung boses, nanlaki ang mata ko, bakit siya papunta dito!? T-Tsaka Yaboo? What the hell was that? I look back at Mr. Mount and he's giving me a confused look, iniling ko yung ulo ko.

"Mali po kayo ng aka--"

"Honey! Ba't di ka lumilingon?!" Nanlaki nanaman mata ko ng nakita ko yung babaeng nakakapit sa braso, naka-puppy eyes pa siya at bumalik ang tingin ko sa investor namin.

"What's the meaning of this?!" Biglang sabi ni Mr. Mount and I shook my head, paulit ulit humihindi ang ulo ko.

"I-I'm going--"

"Ha?! Di niyo po alam? Boy friend ko po to! Mag iisang taon na nga po kami." Biglang sabi nung babae, parang nakita ko na to eh.. Nanlaki uli mga mata ko ng marinig ang sinabi niya.

"ANO?!" Sabay na sigaw namin nung investor, lintik lang! Napatayo na nga ako eh! Tumango tango lang yung babae, magsasalita pa lang sana ako kaso biglang umiling si Mr. Mount at tuluyang umalis, ako nakatayo don, naka turo pa yung kamay ko sa direksyon ni Mr. Mount utal na utal, nung tuluyan na siyang umalis binaba ko na yung kamay ko.

Peste! Bwisit! Sinipa ko yung table dito sa resto, mahina lang ha, hindi yung tumabinggi yung lamesa, tumingin uli ako sa babae, at doon, kumulo ang dugo ko.

"Ba't mo ginawa yon?!" Napasigaw ako ng wala sa oras. "Anong problema mo?!" I cried out. Bwisit kasi eh! Paepal! Wrong timing pa! Magsasalita sana yung babae kaso tumingin siya sa paligid, napatingin ako.

Shit..

Ang rami na palang kumukuha ng litrato. Arrgghh!

"Girl friend niya yan?"

"May girl friend na si Taieun ko?"

"In fairness bagay sila."

"Wait, siya si Sunghyo ah, yung lola niya ang may ari ng Golden Fashion Magazine."

Umiling ulit ako at tinignan yung babae na nakatingin lang saakin na parang walang nangyari, wala na andito na eh, hinatak ko na lang yung kamay niya at sabay takbo, takbo sa kawalan, iniisip ko pa lang yung pupuntahan namin eh.

"Mag eexplain ako." Narinig kong sabi niya and I glare at her, nakita ko ring hinahabol kami kaya binilisan ko pa, tsaka lalo kong diniinan yung hatak ko sa kanya para di siya madapa. Dawit na ko dito, bwisit talaga lahat ng babae sa mundo.

* * *

"Kaya ko ginawa yon kasi ikaw lang ang nakita do'ng kilala ko tsaka ayokong magpakasal sa hipon na inaanak ng lola ko, ayokong ma-stuck sa seafood na yon no, please, masyado akong maganda para sa katulad niyang crustaceans. Tsaka tatlong oras lang magiging tayo! Yun lang! Sa araw lang na to! Wala akong choice eh, bigla na lang dumating si Lola and I'm just freaking scared na baka ipasakal, este, ipakasal niya agad ako sa chinitong hamog na yon, kaya sige na! Three hours! Three hours at kumpleto na ang buhay ko! Di na kita gagambalain pa!"

Nakalimutan kaya niya huminga?

Nirolyo ko yung mga mata ko. "Bakit mo pa ko kailanga'ng idamay diyan sa walang kwenta mong problema?" Tinanong ko lang, tas biglang bumukas yung pinto, napatakip ng mata itong feeler na to at ako tinignan ng masama yung pumasok. "Wag muna ngayon! Lock mo!" Sinigawan ko naman yung lalaking dapat i-ihi. Oo, nasa washroom kami ng mga lalaki, wala siyang magagawa dahil dito lang kami makakakuha ng privacy. *insert belat here*

Three Hour RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon