First Hour

57 1 1
                                    


Eto na ang unang oras.. unang oras ng kamatayan ko...

"Dito mo na i-park!" Sigaw saakin ni Suha. Oo, yan ang tawag ko sa kanya!

"Ayaw ko diyan maputik! Dun na lang!" Sabay nguso ko sa isang magandang spot, madudumihan kotse ko no! Lexus kaya 'to!

"Aiissh! Ang arte mo! Bakla ka ba?!" Sigaw niya at tinignan ko lang siya ng di makapaniwala, nirolyo ko yung mata ko at humarap uli sa harapan, alangan naman salikod diba?!

"Mas mukha ka pa ngang bakla kesa saakin eh!" Bulong ko at di na siya sumagot. Ha! Napahiya at-- "Aray!" Sigaw ko ng bigla akong batukan, napindot ko tuloy yung busina! Tinignan ko siya ng masama, pasalamat siya nakapark na kami! Nirolyo niya yung mata niya at naunang bumaba ng kotse. Grabe siya! Fifteen minutes pa lang kami ganyan na siya sa tatlong oras pa kaya! Pumayag pa kasi ako eh!

Bumaba ako ng kotse at sinundan yung suha na yon, galing kami sa mall pero along the way napunta kami sa beach, medyo may pagka-province kasi 'tong lugar na to kaya una nagustuhan ko tsaka ang sarap mag swimming! Favorite kong hobby yun no!

"Hoy! Tae Yun! Bilisan mo na!" Narinig ko si suha.. wait. Sabi ba niya taeyun? Naknang! May pang asar agad saakin ang suha'ng yon!

"Oo na Suha!" Sigaw ko naman at binilisan ang lakad dito sa beach, buti na lang naka polo lang ako tsaka jeans, mas mukha akong tanga pag naka tux ako.

Nakita ko yung rest house nila, nasa may upper part pa talaga yung rest house nila ah, pero at least maganda yung bahay, perfect na perfect ang gawa.

Nakita kong pumasok si Suha sa loob kaya nagpatuloy na rin lang ako nu'ng malapit na ako, bigla naman ako'ng nahatak sa kaliwa, nagulat man pero nung nakita ko si suha bigla naman niyang tinakpan ang bibig ko sabay: "Shhh.."

"Wag ka munang maingay ha.. malapit na sila lola dito at masosopresa sila sa gagawin ko okay?" Patingin tingin siya saakin habang patingin tingin sa labas ng bintana sa gilid namin, nirolyo ko yung mga mata ko. Bigla naman niyang tinanggal yung kamay niya sabay ngiti dun sa bintana.

"Oh! Andyan na sila!" Excited niyang sabi.

"Tss." Tinignan ko yung nasa labas at may nakita akong Range Rover na klase ng kotse, may bumabang mestisang matanda don at sigurado ko yun ang lola niya, agad namang lumabas si suha at sinundan ko lang siya ng tingin hanggang makita ko kung pa'no niya yakapin ang lola niya, bigla tuloy akong nalungkot, may naalala kasi ako.

Maya-maya may bumabang alimango, este! Hipon?

Tss. Di talaga siya nagbibiro nung sinabi niyang chinito'ng hamog. Yun na siguro ang cue ko para lumabas, deretso na ko palabas ng pinto at eksaktong nasa tapat na sila nu'ng lola niya at nung CH na yun.

Tumango muna ako at tsaka ngumiti. "Magandang araw po." Sabi ko, magbe-bless sana ko kaso biglang inalis nung matanda yung kamay niya, nagulat man ako hinayaan ko na lang.

"Sunghyo, sino 'tong lalaking ito?" Agad na tanong, sus, maldita talaga. Ngumiti ng nakakailang si Suha at tsaka tumabi saakin at kinuha ang braso ko.

"Ah.. La, siya po si Taieun Shin ang bo-boy friend ko." Pagkasambit pa lang nun ni Suha ay bigla na lang hinimatay si tanda, sinalo ko pa siya ah, muntik na nga akong madaganan eh.

"La!" Agad na sigaw ni Suha.

"Lola!" Sigaw naman ni CH habang pilit akong tinutulungan dun kay tanda, arujusko! Ilan ba weight ne'to?!

* * *

"La oh." Inabot ni suha ang isang basong tubig matapos mahimasmasan si tanda. Grabe ang arte, hindi naman namin sinabi na kasal kami ah, mas malala pa nga yu'ng bunti si suha eh, tas anak pongkan! Hahahaha.

Three Hour RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon