CHAPTER 5
Nagsimula na ang labanan. Ang bawat grupo ay pumwesto na sa kani-kanilang posisyon sa loob ng masukal na gubat. Hindi pa rin nag-uusap sina Hirusumi at Hindaru.
'Di rin inaasahan na sina Sandaru ang una nilang makakaharap.
"Muli tayong nagharap, Hindaru." Ang sabi ni Sandaru.
"Oo nga, napakatagal na ng panahon." Sagot ni Hindaru.
"Kung ako sayo ibibigay ko na lamang ang dasal."
"Ang yabang naman pala ng taong 'to eh!" Ang galit na sinabi ni Hirusumi sabay sugod kay Sandaru.
"Hirusumi!" Ang pagpigil na sigaw ni Yuusuke sa kasamahan.
Wala nang nakapigil kay Hirusumi. Ibinuhos niya ang sama ng loob sa paglaban sa pinuno ng kabilang grupo. Di nagtagal ay natamaan siya ni Sandaru at tumilapon siya.
"Wala naman palang binatbat ang gorillang yan eh!" Ang sabi ni Ryouke na kasamahan ni Sandaru.
"Anong sabi mo!? Gorilla!?" Lalong nagalit si Hirusumi at muli itong tumayo upang harapin si Sandaru.
"Mag-ingat ka Hirusumi! Ako na ang bahala sa bakulaw na ito!" Ang sabi naman ni Yuusuke na hinarap si Ryouke.
Naglaban ang iba pa nilang mga kasamahan at naiwan sina Hindaru at Ieyesu.
Nagtitigan lamang ang dalawa.
"Ieyesu! Ano bang ginagawa mo!" Sigaw ni Sandaru habang nakikipaglaban kay Hirusumi.
"Ba't ayaw mo akong sugurin?" Ang tanong ni Ieyesu kay Hindaru. "Dahil ba babae ako? Sabi ko naman sayo -hindi kita uurungan!"
Sinugod niya si Hindaru ngunit hindi man lamang gumalaw sa kinatatayuan ang kaharap niya. May tumulong dugo sa kaliwang pisngi ni Hindaru.
"Hindaru! Ano ka ba!? Lumaban ka!" Ang sigaw ni Hirusumi.
Kahit galit siya sa taong iyon ay hindi pa rin niya maiwasang mag-alala. Hindi lamang pinuno ang turing niya kay Hindaru. Halos kapatid na ang turing nila sa isa't isa kaya't nang makita niyang nasaktan ito ay gusto niyang puntahan ito agad ngunit hindi madaling kalaban ang kaharap niya.
Biglang nagsalita si Sandaru.
"Walang pupuntahan ang labang ito! Walang kwenta!" Ang sigaw nito. "Tayo na!"
Nagdesisyon si Sandaru na iwan ang grupo nila Hindaru at maghanap nalamang ng ibang grupong makakalaban. Labis siyang nagalit sa hindi pagpatay ni Ieyesu kay Hindaru. Kahit alam niyang dapat siya ang pumatay kay Hindaru ay hindi niya nagustuhan ang pag-aalinlangan ng kasamahan niyang babae. Gusto niyang pagbuhatan ng kamay si Ieyesu dahil sa dinaplisan lamang nito ang nakaharap niyang kaaway.
"Hoy! Hindi pa tayo tapos!" Ang sigaw ni Hirusumi sa papalayong kaaway.
Nang mapadaan si Ieyesu sa harap ni Hindaru, nagsalita ito.
"Akala ko ba buo ang loob mo na lumaban? Bakit nagdalawang-isip kang patayin ako?" Ang tanong nito kay Ieyesu.
Dumiretso nang lakad si Ieyesu na tila parang walang narinig. Ngunit ang totoo ay nanlalamig ang buo niyang katawan. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang kanyang nararamdaman.
Nang matapos ang araw na iyon ay kanya-kanya nang kumubli ang mga natirang grupo upang magpahinga. Bukas ang huling araw ng labanan.
Sinampal ni Sandaru si Ieyesu.
"Sandaru! Walang kasalanan si Ieyesu." Ang sabi ni Ryouke.
"Tumahimik ka!" Ang sigaw ni Sandaru.
Sa kabilang dako naman ay nag-usap na sina Hindaru at Hirusumi.
"Hindaru! Ano ka ba! Ikaw ang pinuno namin bakit hindi mo man lamang kinalaban si Ieyesu!" Ang sabi ni Hirusumi.
Hindi nagsalita si Hindaru.
"At bakit hindi mo sinabi na malakas pala yung Sandarungiyon!? Puro bugbog ang inabot ko..." Ang patuloy na pagsasalita ni Hirusumi.
BINABASA MO ANG
Raging Warriors (Tagalog)
ActionTanging isang grupo lamang ang kikilanin bilang pinakamahusay na mga mandirigma sa buong kaharian. Iyon ang nakaugaliang tradisyon sa isang malayong kaharian noong unang panahon. Iyon rin ang hinihintay ng lahat ng mga mandirigma kahit saan mang dak...