Ashley pov
Kinakabahan na naman ako. Nandito na kami sa kotse. Pauwi na yata kami. Nakahiga si Dace sa balikat ko at hawak niya ang kamay ko.
Umangat ang ulo niya kaya napaayos ako ng upo.
"Kanina ka pa. Ano bang problema?" Tanong niya. Kanina niya pa nararamdaman pero tahimik lang siya.
"Magsalita ka na please. Hindi ako sanay" nakatitig pa rin siya sakin. Iniba ko ang tingin ko. Ayoko siyang tignan kasi maiiyak lang ako.
"Ok wag mo munang sabihin"
"Ok lang naman"
"Ok lang ako"
"Alam ko naman"
"Na hindi mo pa kayang"
"Kayang sabihin sakin"
Napatingin na ako sa kanya. Nagda drama ba 'tong lalaki na 'to? Parang tanga.
"Ayun! Napangiti na ulit kita" sabay yakap sakin.
"Para kang tanga!"
"Mahal mo naman!" Natahimik ako sa sinabi niya. Alam niya agad!! Ano bang klaseng lalaki 'to?
"Juklang! Ang kyut mo!" Ano 'to? Parang Bakla naman? Anong nangyayari?
"HAHAHAHAHAHAHAHA" tawa niya? Sobrang lakas kaya pati yung driver napatingin sa rearview mirror na napangiti rin. Nakahawak na kasi siya sa tiyan na tapos namimilipit na rin siya.
Biglang tumigil ang sasakyan. Nagpreno si manong ng malakas. Napasigaw ako sa gulat at nagulat na lang ako ng nakayakap sakin si Dace.
"Manong naman—" hindi na natapos ang sasabihin ni Dace. Pareho kaming napatingin sa labas kung saan isa isang lumabas ang mga lalaki na naka mask ng itim.
Napangiti ako ng pilit.
"Ah haha baka si mommy na naman yan"
"Hindi ganyan si mommy, muntikan na tayo mapahamak kanina." Mahina niyang sabi.
"Diyan ka lang wag kang aalis" hinawakan ko agad ang kamay niya.
"Wag" yan lang ang nasabi ko pero sana sapat na para wag niya akong iwan dito.
"Sandali lang ako—" naputol ang sasabihin niya ng may nagpaputok ng baril. Nakita ko na pinaputukan niya banda yung sa driver.
Napatingin ako kay manong na hindi naman tinamaan pero natatakot na ako.
"Dace please wag mo akong iwan" dahil naramdaman ko na aalis siya.
"Trust me Ash"
"Natatakot ako please"
"Kakausapin ko lang. Magiging ok ang lahat" napatingin ako sa labas.
May isang lalaki. Kilala ko siya. Hindi ako pwedeng magkamali.
Nakatingin siya sa akin ng nala ngisi. Nakakatakot na siya. Hindi maaari. Kailangan kong pigilan Dace.Paglingon ko saktong kakalabas lang ni Dace. Agad siyang hinawakan ng dalawang lalaki at pinagsusuntok. Lumabas agad ako ng kotse at pinuntahan siya.
Ang may pakana ng lahat ng ito.
"Tigilan mo na 'to" sabi ko sa kanyan
"Ash! Wag niyo siyang sasaktan" rinig ko pang sabi ni Dace.
Napalingon ako sa kanya."How sweet!" Ang sama ng tingin niya at tumingin sa kasamahan niya at pinagpatuloy ang pagsuntok sa kanya.
"Please! Itigil mo na 'to! Ano ba?!" Tinakbo ko na ang pwesto ni Dace na ngayon ay nakahiga na. Sinampal ko ang isang lalaki. Alam kong malakas iyon. Binigay ko ang lahat ng lakas ko sa sampal na iyon .
"Don't you dare to slap her back" sabi ni Syronne na nakatutok ang baril sa lalaking sinampal ko. Tama si Syronne ang lalaking nakita ko kanina sa simbahan.
Nainis na umalis sa harapan ko ang lalaki.
"Come back to me and he will be safe"
"Ang sama mo! Dalhin mo siya sa hospital!" Nakangisi lang siya sakin.
"No! Ako ang dadala sa kanila sa hospital." Malamig kong sabi. Baka ano pang mangyari. Baka mad malala pa kung siya o isa sa mga tauhan niya.
"ako lang naman kailangan mo diba? Don't worry sasama ako. Tigilan mo sila"
YOU ARE READING
My stranger husband
ContoOnce your inlove with someone you can do anything and sacrifice all you have just to make her smile. This is the weirdeist feeling that I have, I feel like I don't want you yo stay away from me. I want to be with you always.I know...