Prologue

75 4 0
                                    

"Oy! Tabe! Dadaan kame oh!!" Sambit ni JM, short for Juliana Mikaella. Kaibigan ko. Tomboy. Mahilig magskate board---uuh, lahat pala kaming magkaibigan mahilig don.

"Bah, siga kayo ah!" Sita ni Jommel. Haay, di ka na ba nasanay samin, dre?

"Aah, pumapatol ka na ah. Kita mo ba 'to?" Sambit ni JM habang pinapakita ang muscles nya---kailan ulit sya nagkaroon ng muscles? Ah, ngayon lang. "Baka magamit ko 'to sa mga walang kwentang tao---"

"Tama na yan. Bumalik nalang tayo sa paglalaro." Mahinahong sambit ko. Sumunod naman sya. Nasa tambayan kami ngayon---kailangan pa bang sabihin yon? May interesado ba? Tss.

*tototototototottototoottotototototototototototototot!*

"Tara na. Umalis na tayo. Nandyan na ang mga pinadala ng mayor." Ayoko dito. Gusto ko nang umalis. Nandyan na ang madadaya.

"Ha? Ikaw nalang nageenjoy pa ak---" Di pa sya tapos magsalita ay hinila ko na sya paalis don. Nang makabalik kami sa village namin, binitawan ko na sya tska ako umupo sa lapag at nilinis ang skateboard ko.

"Haay, papasok na ako. Geh, bumalik ka na don kung gusto mo." Tska ako umalis. Wala akong pake kung mabastusan sya sakin. Sanay na yan sa ugali ko.

Sa isang bahay ako dumeretso. Katabi lang naman ng kela mama. Sa bahay KO. Pagkapasok ko, nagulat ako ng may biglang umakbay sakin. Alam ko kung sino 'to.

"KUYA!!! BITAWAN MO AKO BAKA MAPEKTUSAN KITA!!" Sigaw ko kay kuya. Nakakabanas naman oh! Dahil sa pagakbay nya nahulog ang skateboard ko! Exkate- X- 24 at $1,000 ang halaga non! Kung tutuusin 49,000 pesos yon. (A/n: ang halaga ng $1 sa peso bill ngayong 2018 ay 49 pesos.)

"Eto naman, di ka mabiro. Babayaran ko yan. Magkano ba pag nasira?" Si kuya akala naman mababayaran nya. Hindi ko nalang sya pinansin at dumiretso sa backyard namin. Aba, kailangan na ng quality time ng pamilya nya. Isang anak lang syempre. Aba'y bente-singko anyos na si kuya. Kailangan na. Mahirap na baka tumandang binata kuya ko.

Habang papunta ako sa pool side, narinig kong may nag-uusap. Dumiretso ako kung san ko naririnig yon at nakita ko sina mama at papa na may kasamang lalaki. Parang nasa 16.

Tss. Pareho lang kami. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, at gwapo.

Pero mas gwapo ako.

"Oh, nandyan na pala sya, eh. Come here, come here! We are just talking about you!! Oh my gosh. Meet Kurt Ian Salazar---"

"Anak ni President Salazar sa kompanya na pinag-collaborate nyo?" Tanong ko. Tss. Kung oo, palayasin na yan.

"Yes, dear." Sabi na eh.

"Tss. Di ako interesado--"

"Ehem." Napatigil ako dahil sa sttiktong boses ni papa. Takot ako sakanila syempre. Alam kong iba ang buhay ko pero nirerespeto ko pa rin ang pamilya at kamag-anak ko. "Where's your respect to others?"

"Sorry, dad." Napatungo at napabuntong hininga ako. May magagawa pa ba ako? Humarap ako dun kay buko dahil magpapakilala ako. Buko kasi mukhang buko yung buhok.

"Alexis Jane Mercedez-Buenaflores. Nice meeting you."

Ngumiti sya at nagsalita---syempre. May magpapakilala bang hindi nagsasalita? Engot.

"Kurt Ian Garcia-Salazar. Nice meeting you, Jane---"

"Alex or AJ." Putol ko. Yung may itatawag na nga lang sayong pang-gwapo, Jane pa?!

"Huh? Panglalaki. Mas bagay sayo ang Jane." Ang yabang ng lalaking 'to ah! Upakan kita dyan, eh.

"Sige na. Pwede ka ng umalis, Buko." Taboy ko, ba't ba?

"B-buko? Grabe naman yon. Di ba pwedeng 'gwapo' or 'pogi'?" Napupuno na ako sayo, bwisit 'tong yabang.

"Muka ka naman kasing buko. At GWAPO? Di bagay. Bagay lang yon sa isang katulad ko. Geh na. Alis na ako. Bye mom, dad." Sambit ko at umalis.

Tss. ANG HANGIN!

☆*☆*☆*☆*☆*☆*

Alexis Jane Buenflores, 17

Alexis Jane Buenflores, 17

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


And

Kurt Ian Salazar, 17

Kurt Ian Salazar, 17

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

☆*☆*☆*☆*☆*☆*

Ako'y Isang Tibo [Ongoing]Where stories live. Discover now