Chapter 2

1.1K 21 1
                                    

Chapter 2

Naglalakad-lakad ako sa palengke ng bigla kong napansin ang mga nakadikit na poster na naghahanap ng bagong aplikante. Kinuha ko iyon at agad binasa. Ang mga dapat dalhin lang ay ang resume at application letter. kinuhanan ko na ng litrato at bumalik na ako sa mismong sadya ko dito sa palengke.

Lakad~~~~

Lakad~~~~

Lakad~~~

Agad akong napahinto ng makita kona ang mismong bibilhin ko. "Ate magkanong kilo ng mangga?, "60 pesos lang te sagot naman niya"

"Pabili nga po ng 2 (dalawang) kilo,binigyan naman niya ako ng supot. Pumila agad ako ng dilaw na mangga (ripe manggo) at tsaka binigay sa babaeng nagtitinda nito. Agad naman itong nilagay sa timbangan ng babae at dinoble ang lalagyan nito. "120 po lahat miss". Kumuha agad ako ng pera sa bulsa ko at binigay ko na sakanya.

"salamat ate"

"salamat din po te at bumili kayo, walang anuman po"

Agad akong pumunta sa sasakyan ko. Nilagay ko mua sa katabi lang ng driver's seat sa kanan ko ang mga pinamili kong mangga , at agad ko ng binuhay ang makina at nagmaneho na papauwi.

Broooooommmmmm...........................

Pagkarating ko ng bahay agad akong naglakad papuntang kusina dala parin ang mga pinamili kong mga mangga.

Maaa..? paa...? I'm here na po! asan kayo? Linga-linga ko sa loob ng living. "nandito kami nak sa may pool"sagot naman yon ni mama, agad na akong naglakad papuntang kitchen at inilabas ang mga mangga sa supot nito. Hiniwa ko sa tatlong bahagi ang mga mangga at nilagay ito sa plate na mahaba,nagtimpla din ako ng juice at tsaka naglakad papuntang pool sa labas ng bakuran ng bahay.

Papalapit pa lang ako sa pool ng bigla kong namataan sila mama doon na nagtatampisaw sa pool kasama ang dalawang batang enjoy na enjoy sa nilalaro ng isat-isa.

"Steve... Cj... hali kayo may dala akong mangga at juice pagtawag ko dito. Nilagay ko na agad sa mesa at nagsalin na sa mga baso ng juice.

"mama, "ate! agad namang nagsi upuan ang dalawa sa bench chair. Kumuha ako ng dalawang baso at mangga sa dalawa para ibigay dito. 'Nag enjoy ka ba steve? tanong ko na agad namang tumango sa akin. "opo mama ang sarap po palang maligo sa pool. Sabi nito na agad kong kinurot ang pisngi dahil sa kyut nitong biloy. "mama naman ehh... sabay kamot nito sa ulo at umaastang nasasaktan ang pisngi sa pagkaka kurot ko. "Ayyy.... sorry baby, halika muna kay mama."lumapit naman ito. Agad kong kiniss at niyakap ng pagkahigpit higpit ang anak ko. Tumagal muna kami sa ganong sitwasyon at maya'y.

"Mama? Hhmm?..... laro muna tayo sabay turo nito sa pool at agad kumalas sa pagkakayakap ko. Tinignan muna ako nito "Sige steve pero?? napapaisip ko pang sagot dito "dapat ay mabilis lang tayo huh?......, 'Opo mama " at kamay ko naman ang hinawakan niya hinila pa ako nito na para bang matatangay ako sa paghihila niya.

Habang nagtatampisaw kami ay agad kong naalala ang dapat ko pang gagawin. "Nak?.... "po mama? Sabay baling nito sa akin at biglang nangunot sa pagtawag ko dito. "Halika kana" sabay tayo ko sa kanya, "magbabanwas muna tayo sa loob, maylakad pa kasi ang mama." Agad ko namang inakay si steve papasok sa loob at dumiretso na ng banyo.

"Pagkatapos magbanwas ay agad na kaming naglakad papuntang taas kong saan ang kwarto naming dalawa. "Mama saan ka po pupunta? tanong nito sa kalagitnaan ng pag akyat namin sa taas. Sinulyapan ko naman ito at hininto muna ang paglalakad "pupunta muna ang mama sa trabaho nak huh..." sabi ko dito habang papaupo at agad kong pinagpantay ang pagitan namin. Bakit ba sa tuwing lumalaki na ang bata ay nakukuha na niya ang hugis mukha ng papa niya yong mala kukunot ang mukha basta sumasagot, mga matang nakakapagpatunaw ng puso sa pagka brown nito. Ang pagkaka kinis ng mukha nito lalo nasa pilik mata ang namana lang sa akin.

"mama? Bigla naman akong napabalik sa ulirat ng magsalita ito. "ano yun steve? "promise niyo po mama huh?.. na bibili kayo ng laruan pagbalik niyo dito."bigla naman akong napangiti sa hinihiling nito "promise " sabay tango ko dito at niyakap ng pagkahigpit-higpit.

Agad ko naman siyang kinarga at naglakad na kami sa taas. Pagkarating namin ng kwarto ay agad ko muna siyang kinunan ng mga damit sa closet at binihisan. Nilagyan ko na din ng baby powder ang likod nito at sa dibdib para di singhutin. Pagkatapos non ay agad na kong lumisan sa kwarto pagkatulog niya.

Pupuntahan ko muna sila mama at papa. Naglalakad nako papuntang living room kong saan ko namataan ang dalawa. Agad akong na upo sa pang isahang silya at namaalam "ma? Pa? pupunta lang po ako sa job interview"sabay lingon ko sa dalawa na nagulat pa bigla at bigla ding nakabawi. "Sady? Sagot naman ni mama, "po? "kailan mo ba sasabihin sa kay steve ang tungkol sa papa niya, walang pagaalinlangan namang tanong ni mama. Agad akong napa iwas ng tingin dito at bumuntong hininga ng malalim. "Di ko papo alam ma! siguro ang dapat ko munang pagtuunan ng pansin ay ang trabaho para naman sa pang dagdag sa gastos pangaraw-araw sagot ko dito at napaisip ng malalim. "Ge anak rerespituhin namin ang desisyon mo, kaya lang ay dapat mo nang malaman na nakauwi na siya. Bigla naman akong napabaling kay papa sa sinagot nito kanina lang. "Po as in nandito na siya sa pilipinas, gulat kong tanong tsaka napayuko at nagisip. Kong kailan naman maayos na sa akin ang lahat tsaka naman siyang dadating napapabuntong kong hininga at naguguluhan sabay sa paglakas ng tibok ng puso ko. "Imposible naman pong mapadpad siya dito pa..... sabay tingin ko dito, tsaka ngapatuloy ulit impossible yon ma tingin ko naman kay mama. "Anak walang impossible sapagkat pareho lang kayo ng mundong ginagalawan sagot ni mama. "Paano kong magkita kayo ulit o di kaya'y magkita ang mag ama." Bigla naman akong napa isip sa sinabi ni mama at malalim na naman akong napapabuntong hininga.

Maya-maya'y agad ko nang napagdesisyunan ang pagpapaalam sa dalawa na may kailangan pa kong lalakarin. Agad na kong tumayo at nagpa alam sa dalawa. "ma..., paa.... punta na muna po ako at baka'y mahuli pa ko sa job interview nato. Isa-isa akong lumapit sa dalawa at hinagkan sa pisngi ang dalawa. "Ge angat magiingat ka sa pag mamaneho mo.. paalala naman ni papa. Tango na lang ang naitugon ko sa mga ito at agad ng pumuntang sasakyan at pinaandar ang makina nito.

Hanggang sa pagmamaneho ko ay di na matanggal-tanggal sa isip ko ang napag usapan namin nila mama at papa. Paano kaya..... hindi naman pwedeng di yon mangyari kasi pwedeng-pwede talaga yon kahit saang anggulo ko pa tignan parang magaganap talaga yon ng hindi aksidente.

Nang makarating na ko sa gaganaping job interview. Agad kong pinark nang maayos ang kotse at pinatay na ang makina nito. Inayos ang mga papelis at sarili bago lumabas at dumeretso sa entrance ng companya. Agad naman akong tinanong ng guard at sinabi kong saan ang direksiyon nito. "Salamat po " sabi ko dito na agad lang tumango. Naglalakad ako papuntang room interview ng namataan ko ang mga nagkukumpulang tao sa labas nito at naghihintay kong kailan tatawagin. Naupo na lang ako matapos kong mabigyan ng number sa mga nagpipilahan.

Pagkatapos ng mahabang oras. "Miss Perez po? " ma'am sabay pataas ng kamay ko dito. "Kayo na po ang susunod, agad na akong tumayo at nagalakad na papasok dito. Iminuwestra naman ng babae ang upuan at agad akong lumingon dito. "okay ma'am basi sa mga details mo dito ay qualified po kayo sa magiging trabaho, biglang sabi nito. Agad naman akong nagtaka kong ano nga bang posisyon ang pinapahiwtaig nito. "tayka ma'am what position do you mean? Nagaalinlangan kong tanong dito. "About that ma'am tatawagan ka na lang po namin. Biglang lihis nito sa nais kong makuhang sagot. "okay po... salamat. Bigla naman akong tumayo at nagbigay galang dito. Pagkalabas ko ng room ay agad pa akong natigil sa paglalakad ng mamataan ang hindi ko inaasahang mga tao na napahinto din sa paglalakad tulad ko.

To be continued~~





__________________________________

author's pov:

 So ito na po ang pinahinihintay niyong update. Naway maging masaya kayo sa konting kahilingan niyo. Maraming Salamat po sa pagbabasa. Please vote, comment and follow me po. Thank you........... Hope you enjoy!!!!.................

@Sbadriczon (^,^)

😱My New Boss is my Ex-husband😨Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon