05

562 39 0
                                    


Penthouse

NAGISING ako sa sinag ng araw galing sa nakabukas na glass window sa isang kwarto. Oh my God! Napatampal ako sa noo nang maalala ang ginawa ko kagabi. Why did I do that?



Naging maganda naman ang pag-uusap namin ni Atriju kagabi. We even exchanged numbers. Hindi na rin ako nakaramdam ng pagkailang sa kanya.



Nanlaki ang mga mata ko nang mapasulyap sa salamin. Ang dumi kong tignan dahil ang mascara ay kumalat sa mukha ko. Pagkauwi ko kasi ay hindi na ako nag-abala pang maghilamos at agad nang natulog kaya hindi nabura ang make-up ko.



Nagmamadali akong nag-ayos. Nakakainis lang kasi wala na akong kasamang mag-gym dahil inuna pa ang pagpapabuntis. At siguro nagalit sa akin si Abby sa sinabi ko sa kanya kahapon. Hindi naman siya gano'n. Siguro gano'n talaga kapag buntis, nagsusungit na.



Bitbit ko ang duffel bag. Pagkapasok ko ay nagsimula nang mag-warm up ang iba. Binati ko ang instructor namin at nagsimula na ring mag-warm up. Napabaling ako sa lalaking kakapasok rin.



Hindi lang ako ang napasinghap kundi pati rin ang ibang babaeng sinusundan siya ng tingin. He's here!



Hindi niya ako nakita kaya nagpatuloy ako sa ginagawa.



"So, you're also here..."



Mabilis akong napalingon sa kanya. Dahan-dahan akong tumango at umiwas ng tingin.



We're doing planks at lagpas na ako sa dalawampung segundo habang hindi pa rin gumagalaw at nanatiling gano'n pa rin ang pwesto. Do'n na ako tumayo nang tinawag ako ng instructor namin. Ang sumunod na ginawa namin ay more on sit-ups at squats kaya naramdaman ko na ang pangangalay ng dalawa kong tuhod.



Hawak ko ang towel habang pinapahid sa basa kong mukha. Simple kong nginitian si Atriju nang binigyan niya ako ng isang mineral water.



"Thanks."



"So Tanya, uuwi ka na agad?"



"Maybe?" hindi siguradong sagot ko.



"Sa condo ko muna tayo?"



Naibuga ko ang tubig na iniinom ko.



"H-Huh? Ano namang gagawin natin do'n"



"Kwentuhan lang. Gusto ko lang may makausap bago ako mawala ng isang linggo para sa shooting sa isang scene."



My head lifted. "Where?"



Tears of Change ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon