Part 3

74 18 8
                                    

~  ○  ~

Tamara's POV:

Buti naman at natapos na rin sa pamimili namin 'tong si Sheena. Papunta na kami ngayon sa parking lot kung nasaan ang spaceship ni Sheena. 'de joke lang. Kotse siyempre. ^___^v

Ahm. So pinunta na namin sa likod lahat ng pinamili namin at pumasok na rin kami sa loob ng compartment. 'de joke lang. Siyempre doon sa front seat ng sasakyan. hehe. ^___^v

Tahimik lang ako sa loob ng kotse at pinagmamasdan ang nadadaanan naming mga bahay-bahay at buildings. Hanggang sa makarating kami sa lugar kung saan karamihan ng makikita mo ay mga puno nalang. Ang sarap pagmasdan ang paligid. Napaka-tahimik at peaceful. 

"Dito na tayo!" masiglang sabi ni Sheena at tumigil kami sa isang napakagandang lugar.

Nagtaka ako kung nasaan kami kaya tinanong ko si Sheena "Asan tayo?" tanong ko sakanya na hindi siya tinitignan dahil sa labas ako nakatingin.

"Kabukiran resort." sagot niya at agad naman itong bumaba sa kotse at sumunod na din naman ako na bumaba.

Napanga-nga ako sa nakita ko. Wooaahhh! Ang ganda. Nakakamangha ang paligid, parang nasa paraiso na ako sa sobrang ganda. Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong klaseng resort.

Habang busy siya sa paglalabas ng mga pinamili namin tinanong ko siya "hoy! Sheena! Ano ba ginagawa natin dito?" at nililibot ko ang paningin ko sa lugar kung nasaan kami ngayon.

"You'll find out later." yan lang ang sinabi niya at nginitian ako. a-ah! w-wait?! Kilala ko yung ngiting yun. Ngiting may masamang binabalak. Waahhh! =__=

At ilang sandali ay pumasok na kami sa loob ng resort. Ang ganda, eto siguro yung hotel nila. Tapos sa harap nun may swimming pool pa. Tinitignan ko lang ang swimming pool na sobrang linis at halatang alagang alaga nila netong resort.

Nakasunod lang ako kay Sheena kung saan man siya magpunta. May nakita akong nakaset-up na stage at may naglalakad na mga babae at lalake, tapos nakita ko nalang na papunta si Sheena roon at agad ko naman siyang sinundan.

Tumigil siya sa isang lalaki...  "Hello Marky!" bati ni Sheena sakanya at nakipag-beso.

"Hello! Ba't ngayon ka lang girl? Itetext pa sana kita eh." eh? akala ko lalaki. Bading pala.

At dahil busy si Sheena sa pakikipag-usap sa bading. Binaling ko nalang yung tingin ko sa mga naglalakad pabalik-balik sa stage na parang nag-momodel ang dating. Wooh! Ang sexy nila at ang tatangkad! Oh My! Fit na fit talaga yung body nila, walang kupas. Ganyan sana ang gusto ko oh!

Pero ilang sandali pa ay hinablot ni Sheena yung kamay ko at ikinagulat ko naman dahil pabigla-bigla nalang siya nang hihigit. "Eto siya."  ^_____^ masiglang tanong niya sa bading at ipinakilala kami sa isa't isa. "Marky, eto si Tamara. Tammy eto si Marky, kaibigan ko." pagpapakilala niya sakin, ala! ano 'to? naguguluhan ako.

"a-eh? Hello?!" nahihiya ko nalang sabi kay Marky daw ang pangalan. Pero sa loob lob, kinakabahan ako. Ano bang binabalak netong si Sheena sakin? huhuhu T___T

At mas lalong kinabahan ako nung nilapitan niya ako at parang kinikilatis niya ang buong katawan ko. "So here's the girl..." kinilabutan ako nung nagsalita siya ng parang.. waahh! shooo. bakla ka! 

Kaya naman agad kong kinuha yung attention ni Sheena na nakatingin din sakin "Uyy! Pst! Sheena? Anong ginagawa niya sakin?" ngumuso ako at tinuro yung si Marky na nasa likuran ko na at hinahawakan ang buhok ko. 

There Is No Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon