Part 2

103 22 15
                                    

~  ○  ~

 TAMARA's POV:

"Tammy! Wake up!!" I could hear Sheena's voice calling me and knocking on my door. Gosh! It's too early to wake up! Yea, 'cause it's summer, isn't? Ano bang kailangan neto at ang aga aga nambubulabog na?

"Ano?" pasigaw kong tanong sakanya habang nakahiga pa ako at pamulat-mulat pa ako ng mata.

"Ano ka ba? Hanggang kailan ka magmumukmuk diyan?! So better wake up at samahan mo ako! Bilis na!!" sigaw din naman niya sakin at di parin siya tumitigil sa pagkatok hangga't hindi nasisira ang aking pintuan.

Siya? Siya si Sheena Marquez, ang nakakabatang kapatid ni Dave. Ka-edad ko siya, si Dave kasi mas matanda siya sakin ng dalawang taon. Bakit siya andito sa Pilipinas? Alangan naman na andun siya sa ibang bansa? Kaya nga siya andito kumakatok diba? 'de joke lang. Ang totoo niyan, Hindi ko talaga alam. 

"Sa ibang araw nalang." sabi ko ng walang kabuhay-buhay at nagsaklob na ako ng unan. Ilang sandali lang ay...

*blaaagg* May narinig akong may nasira kaya agad naman akong tumayo at dahilan upang mapabalikwas sa kama kaya napaupo ako sa sahig ng wala sa oras.

"aarraay.." tumayo ako at hinihimas ko pa bandang pwitan ko dahil parang masama ang pagkakabagsak ko. "Oh ano? Natauhan ka na?" agad kong binaling yung tingin ko kay Sheena na nakataas ang kilay at nakacross-arms pa.

"Kasalanan mo 'to eh! At ilang beses ka pa maninira ng pintuan? FYI, pangatlong pintuan na yang nasisira mo ha? Seriously Sheena?! Kailan ka titigil manira? Isusumbong na talaga kita sa Kuya mo. Sige!"  pagsusungit ko sakanya sabay upo sa kama na may sama ng loob. Diko ba malaman kung anong klaseng babaeng 'to. Kung makasira kala mo parang si Jackie Chan. Waaaahhhh! Yung pintuan ko. Huhuhuhu T_________T

"Hoy Babaita! Sa akin ka pinagbilin ng kuya ko! Ang drama drama mo. Kita mo ako? Walang ka-wringkles wringkles kasi wala akong pinoproblemang na lalaki. Ikaw? Hala! Ano 'to? eewww. Para ka ng manang." sabi niya sabay turo sa mukha ko na akala mo meron talaga. Pero nagmake-faces lang ako.

Agad akong tumayo para maiwasan ang paghawak niya sakin pero sa tingin ko hindi niya ako tatantanan hangga't pumayag ako sa gusto niya.

"Tapos yang mata mo parang punching bag sa laki, kita mo nga! Eww, may muta pa oh.." agad akong tumakbo sa side ng kwarto ko kung nasaan ang malaking salamin na nakasabit. Nang makita ko, ay! Oo nga. meron pala! Sensya naman. WAAAHHHHH, kakahiya!! 

Habang tinitignan ko ang mukha ko sa salamin ramdam ko na ang kanyang aura palapit sakin at hinawakan ang balikat ko upang mapatalikod  ako at magkaharap kami saka siya nanlait ulit "Tapos, tignan mo yang katawan mo, sa sobrang payat mo nagmukha ka ng hanger sa suot mo." taas baba niya akong tinitignan. At napahawak naman ako sa laylayan ng t-shirt ko. Ganun na ba ako kapangit ngayon? Waaahhhhh!

"tapo--" magsasalita pa lamang siya nung inunahan ko siya "Stop! Sasama na ako, okay? Masaya ka na? o manlalait ka pa?" ikinatuwa naman niya ang desisyon ko at napalundag siya sakin at yinakap ako dahilan naman upang kamuntikan na akong ma-out of balance. 

"Yehey! Salamat. Pero alam mo sa totoo lang. Ang pangit mo na. " bulong niya sabay layo sa pagkakayakap sakin. Tatakbo sana ako para kurutin siya pero madali siyang nakaiwas. Nung andun na siya sa pintuan, hindi pa nakuntento at dinilatan pa ako "bleeeeehh! Magbihis ka na. Antayin kita sa baba, uglysia! HAHAHA." at tuluyan na siyang lumabas  sa kwarto.

There Is No Happily Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon