Uniporme

38 1 0
                                    

Hawak hawak ko ang nakabilot na papel at ang medalyang isinabit ng aking ina habang nakangiti sa lahat. Naririnig ko ang bawat palakpakan nila, naluluha luha na ang aking mga mata at di ko maitago ang saya na aking nadarama sa mga oras na ito.

Ako ang balidictoryan ng aming batch sa sekondarya.  Hindi ko parin lubos na maisip na suot ko na ang toga na dati ay inaasam ko lang. Mula sa stage na kinatatayuan ko ay tanaw ko ang aking mga kaibigan na nakangiti sakin.

Sabay kami ng aking ina na bumababa sa entablado, agad kong niyakap ang aking kapatid at mga kaibigan, isa sila sa mga naging inspirasyon ko.

"Congrats Aica! " masayang pagbati ng isa sa aking kaibigan na si Rosette "Salamat" saad ko.

Agad kong inilingap ang aking mga mata, nagbabakasakali ako na makita ko siya...

---~~---

"Bananaque, kamoteque, turon kayo diyan "

"Banana que, kamote que, turon kayo diyan "

Paulit ulit na sigaw ko habang naglalakad.

"Ineng pabili ngang isang bananaque" sabi ng isang Ale.

"ito ho oh sampung piso lang po" saad ko at inabot ko sakanya ang bananaque,  agad din naman niyang ibinigay ang bayad.

"Salamat ho" sabi ko at ngumiti.

Kanina pako naglalako at medyo nauubos na ang aking paninda.

Dinaanan ko ang tindahan ni Aling Osang isa siya sa aking suki.

"Bibili ho kayo? " tanong ko

"Ay pasensya na Kakay bukas nalang ako bibili. "saad niya, nginitian ko lamang siya. 

Sinulyapan ko ang orasan na nakasabit sa dingding, mag aalas dose na pala . Nagmadali akong maglakad upang puntahan ang paborito kong lugar.

Nadaanan ko pa ang mga estudyante sa isang eskinita. Mga naninigarilyo ang karaniwan kong nakikita dito, kung minsan naman ay umiinom, mapalalake man o mapababae, ito ang lugar ng puntahan ng mga estudyanteng nagcacutting.

Napabuntong hininga na lamang ako. Kung sana ay ako na lamamg ang nasa katayuan nila,  hinding hindi ko sasayangin ang pagkakataong makapag aral. Mabigat muli akong napabuntong hininga at mas dinalian pa ang paglalakad. 

Sa wakas ay nakita ko na rin ang isang mataas na building--ang paaralan.

Dito ang paborito kong lugar.

Kita ko ang magandang establisimiyento ng paaralan na ito.  Pinagmamasdan ko ang mga estudyanteng pumapasok rito, mapait akong napangiti.  Inggit?  Kung yun ang tawag doon ay yun nga nararamdaman ko sa tuwing pupunta ako rito, kung sana ay nakakapag aral din ako katulad nila. 

Umupo ako isang upuan sa may tindahan, tanaw ko parin rito ang paaralan. Dito karaniwan ang kainan ng mga estudyante at guro, dito ako madalas nagpapahinga.

Graduate na ako ng elementarya ng mamatay ang aking ama sa sakit, kaya ngayon ay hindi na ako nakakapag aral mas pinauna ko na ang aking kapatid dahil hindi kaya ng aking ina na pag aralin kaming dalawa. Nasa ikaapat na baitang na aking kapatid. Habang nakahinto ako ay tinutulungan ko ang aking ina sa paglalako ng mga pangmiryenda na niluluto niya.

Ganito lagi ang takbo ng aking araw araw. 

"Iha bibilin ko na yan lahat " nabalik ang aking wisyo ng magsalita ang isang babae agad naman akong napatayo.

Pormal na pormal ang suot niyang damit at may suot siyang salamin, siya ang idolo ko.  Isa siyang guro sa sekondarya Mrs. Blessy ang karaniwan kong naririnig na tawag sa kanya, siya lagi ang bumibili ng lahat ng aking paninda hindi ko alam kung siya lamang ba ang kumakain ng lahat ng iyon o hindi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UnipormeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon