PAGSUBOK 101: PAGAMIN SAYO

14 1 0
                                    


Sa aking paningin ika'y maganda
Sa tuwing makikita ka ako'y laging handa
May gusto akong sabihin ngunit di magawa
Dahil sa mga kaibigan mong baka mapatawa
Idadaan ko lahat ito sa aking simpleng Tula
Dahil lahat ng inspirasyon ko sayo'y nagmula
Pinamagat ko itong PAGSUBOK 101:
Ang pag amin ko sayo aking sinta
Ako at ikaw ay tila hindi itinadhana
Nangangarap  lamang ako na ika'y makasama
Gusto ko na ito idaan sa simpleng harana
Aking pagkakamali noon ay akin nang itatama
     Nais kong hawakan ang iyong mga kamay
Nais kong pasayahin  ka sa araw ng huling sayaw
Marami akong sasabihin bago tayo maghiwalay
Dahil lahat lahat pati puso ko'y sayo ibibigay
Sa bahaghari Kita nakita
Na Kung saan kasiyahan iyong ipinapakita
May pagkagalak, masaya, at  nakakaindak
Sa iyong gandang buhok na nakakasintak
Wala ng maisip SA ganda mo sinta
Ala ala na lang ng aking maipipinta
Ala ala na lang na maisususlat sa tinta
Ala alang kailanman di mapipintas
Ang buhay mo parang isang harmonika
Harmonika na may magandang tinig
Harmonika na naririnig ko ang iyong himig
Alam Kong gusto gusto mo Rin ang ating musika
Musikang nagpapasaya
Musikang nagpapalungkot
Musikang napapakilig
Ngunit Hindi k muna maririnig ang iyong tinig
Dahil nagiging Tayo lang sa panaginip
Musikang naririnig tuwing nagiisip
Nagiisip sayo at Wala ng in
Dahil ano man ang gawin ko ikaw na ikaw talaga
Lalo na nung ika'y nagdalaga
Para bang nararandaman ko ang iyong pagpapahalaga
Pagpapahalaga sa akin
Pagpapahalaga sa sarili
Pagpapahalaga sa ating damdamin
Sana balang araw ay pareho tayong magsiamin

"NAGMAHAL, NASAKTAN, PERO BAKIT MAHAL PA RIN KITA"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon