Yung may pinakaayaw siguro akong almusal
Iyon ay yung nilulunok kong katotohanan tuwing umaga
Na lilipas ang buong araw, lilipas ang maghapon
Lilipas ang napakagulong buhay ko na wala ka
Sayang lang
Ang ganda kasi nung mga munting eksenang pinapangarap ko
Na kapag magkasama na tayo
Tahimik at dahan-dahang uunahan kitang bumangon sa umaga
Ipagluluto sana kita
Tapos gigising ka na lang sa aking tabi na may mainit na kape ka nang nakatimpla
Pero inabot na kasi tayo ng takipsilim
Nagwakas ang mga pangarap na almusal nang magsimula ka nang maglihim
Nang umalis ka na lang dahil hindi mo rin naman kayang magkwento at umamin
Noong humingi ako ng ilang segundo ng katotohanan matapos ang ilang taon kong inakalang hinding-hindi ka magiging sinungaling
Alam ko balang araw may iba na akong papangaraping makasama
Sa mga munting eksenang naglalaro sa isip ko, gusto ko na yung mga eksena na wala ka
At balang araw hindi na rin nakakasuka ang mga mapakla at mapapait na almusal na ito
BINABASA MO ANG
"NAGMAHAL, NASAKTAN, PERO BAKIT MAHAL PA RIN KITA"
RomanceMakata ako na nasaktan... at patuloy umaasa..high school pa Lang ako naranasan ko na ito paano pa Kaya kapag SHS na....Nawa'y magustuhan nyo Ang mga Tula ko dahil lahat ng narandam ko dito ko pinahayag...