15

2.3K 71 16
                                    

Sana's POV

Ganun na ang naging routine namin. Iiwan nila yung sasakyan nila sa bahay at sabay na kaming maglalakad papuntang school.

Ang dami rin nilang binibigay na kung ano-ano and I already told them na hindi na nila kaylangang gumastos but they still insist.

Kakauwi lang namin galing school. Nakaupo ako sa study table ko while doing my homework.

"Sana nandito si Tzuyu hinahanap ka!" Sigaw ni mama sa baba.

I fixed my things at bumaba na. Nginitian ko naman si Tzuyu na ngayon ay nakatayo sa tapat ng pinto while holding a boquet of flowers.

Yung white and red roses nanaman.

Lagi nila akong binibisita sa bahay. Minsan si Mark then minsan si Tzuyu may time nga na sabay silang pumupunta dito para i-check ako at kapag hindi naman sila nakakabisita they are always calling or texting me to udpate me.

"Punta lang akong kusina." Paalam ni mama.

"Okay ma." I said.

Nginitian naman siya ni Tzuyu. He stretched his hand kaya kinuha ko na yung boquet at inamoy.

Ang bango.

"Tara sa backyard Tzuyu." I said.

Ni-guide ko na siyang pumuntang likod at naupo na. May mga upuan at table kasi sa likod namin and also pool. Kapag bumibisita sila Chaeyoung at Mina sa bahay dito kami lagi.

"Bakit ka naman nandito? Anong oras na kaya." I asked him ng makaupo kami. "Tsaka thank you dito sa flowers."

"I just missed you and also you're always welcome."

"Kasabay pa nga kitang umuwi e."

"Kasama naman natin yung asungot."

Pinalo ko siya sa braso and he just chuckled on what I did.

"Wait lang." I said at pumasok ng bahay.

Kinuha ko na yung assignment ko sa loob ng kwarto ko at bumalik na kay Tzuyu. Nag-uusap sila mama at Tzuyu habang kumakain ng meryenda na ni-prepare ni mama kaya lumapit na ako at naupo sa dati kong pwesto.

"Maiwan ko na kayo dito." Mama said at bumalik ng loob.

Inilapag ko na yung libro ko at nag-start na ulit. Nakaupo lang siya while eating some cookies and drinking orange juice that my mother prepared for us.

Naramdaman kong inilapit niya yung upuan niya sa akin and leaned forward kaya pareho kaming nakatingin sa libro ko.

"You don't understand?" He asked.

Napatingin ako sa kanya he is just staring at me.

I nodded my head at ibinaba ang ballpen ko ng padabog.

"Here let me help you." He said.

Ni-explain naman niya kung paano gawin and I am just casually nodding my head.

"Kuha mo na?"

Napatingin ulit ako sa kanya and again I was mesmerized by his eyes. He tucked my strands behind my ear and caressed my cheek.

"You're so beautiful." He said.

He was about to kiss me ng yumuko ako at isinara ang libro.

"Thank you sa pagtulong." I said shyly and I can feel my cheeks is getting hotter and I know I'm blushing because of what he did.

He coughed awkwardly at bumalik na sa dati niyang pwesto. "It's my pleasure."

I felt that my throat is getting dry kaya kinuha ko yung baso na may lamang orange juice and gulped it.

I heard him laughing kaya I looked at him habang nakataas ang isa kong kilay.

"You just drink my juice."

Maslalo naman akong namula at dahan-dahang inilapag yung juice sa table.

Lupa lamunin mo'ko!

"Don't be shy." He said while still laughing. "Nagawa na nga natin yung alam mo na."

Tinignan ko siya ng masama at pinalo sa braso. "Manyak mo!"

He checked his wrist watch at tumayo na. "I have to go mag-ga-gabi na."

"Hatid na kita sa labas." I said.

Nagpaalam na siya kay mama at naglakad na kami palabas.

"Bye na jagi." He said at pumasok na sa loob ng sasakyan niya.

Feel na feel na talaga niya akong tawaging jagi.

I hugged my book tightly at ngumiti. Nag-wave na ako at umalis na siya. Pagkapasok ko ng bahay nakita ko si mama nakatayo habang nakangiti at naka-cross arms.

"Bakit po?" I asked innocently.

"Nakita ko yung kanina!" She teased me.

"Ma!" I whined.

Tumawa lang siya kaya umakyat na akong kwarto ko at ibinalik na ang libro ko sa study table.

"I'm home!"

Dali-dali akong bumaba at niyakap si papa.

"Welcome home." My mother said. "Bumisita si Tzuyu kanina."

"Talaga!?" He said at tinignan ako. "Kayo na?"

"Hindi pa po!" I said at pinalo sa braso si papa.

"Naku kung nakita mo lang kung ano nangyari kanina..."

"Ma!"

"...Muntik na silang nag-kiss!"

My father looked at me and hugged me tightly.

"Team Tzuyu talaga!!"

"Pa too tight!"

Binitawan na niya ako at ngumiti.

"Excited na akong maging kayo!" He said habang naglalakad papuntang kwarto nila ni mama.

I shook my head at naupo sa sofa.

"Sino ba talagang gusto mo sa kanilang dalawa?" Tanong ni mama at naupo sa tabi ko.

"Hindi ko nga po alam e." I answered. "Kapag kasama ko si Mark ang saya-saya ko pero kapag si Tzuyu hindi ko po maintindihan."

"I think I already know your answer." My mother said and patted my head. "And gusto ko ikaw ang makaka-sagot."

"Ma!" I pouted.

"Team Tzuyu! Team Tzuyu! Team Tzuyu!"

"Tara na kain na tayo ng dinner."

Sabay-sabay na kaming pumuntang dining table at kumain na.

One Night Stand || SatzuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon