ABKK : 1

5.5K 38 9
                                    

RACY MANLANGIT-PANGIT
waw ganda ng author?

"Te? sibuyas kayo diyan oh? 10 na lang isang plastik?" sigaw ko sa buong kapalengkean.

Ay ito nga pala ang buhay ko, kilala nyo naman na ako siguro no? Eh mahirap ako e. Nakatira kami sa skwater dun basta doon. Wag ka na magtanong sumasideline ako magbenta ng sibuyas dito sa pwesto ng nanay ng bestfriend ko, Bread winner kase ako. Pinagpala sa tinapay charing lang. Pinag aaral ko yung sarili ko si Nanay naman naglalabandera.

"Kuya? dalawang plastik nga ng sibuyas?" nagulat ako at napabalikwas sa taong kaharap ko.

Emperness ka gwapo ng lalaki na 'to ah? Matangkad, Chinito, Hindi kaputian pero ang lakas ng dating.

"Huy Kuya? Pagbilan ng sibuyas, Tama na kakatitig saken alam kong gwapo ako saka di ka ba nandidiri? Ang iksi iksi ng short mo? Dahil dyan ayoko ng bumili."

Ha? walangya tong not so yummy na lalaking 'to? De joke ang yummy nya tignan.

"Hoy, Hindi kita tinitignan. Pinagnanasa--Ay este, Di ka lang assuming no? Mayabang ka pa, Sige lumayas ka sa harap ko sayo na yang 20 pesos mo diko ikakayaman yan, Alis alis." pagtataray ko sa bwisit na kumag na to. Hays naistress yung jersey red short ko sa kanya.

"Hahahahahaha. Arte nitong bakla na 'to" sabay alis niya.

Inirapan ko na lang tong kumag na 'to. Pero bibili ng sibuyas ganon yung suot branded? Waw naman pala. Is he tripping me? im gonna kick his balls charing.

"Resi?" tawag saken ni Aling Pontya. Pontyanak, de Pontya lang napagkatuwaan ko lang dugtungan mga pangalan nila katulad ng Racy Manlangit--pangit teka? wala ganyanan self ano ka? hilo. Nagtaka kayo kung bakit "Resi" pag-kapronounce ni Aling Pontya, Eh malamang ganon naman talaga i-pronounce ng matatanda mga names naten minsan nagiging bisaya, luzon at mindanao, ano baliw ka self? Lugar yon.

"Bakit po?" sagot ko. Sabay hawi ng hair ko na mas mahaba pa sa buhok ni Snow white.

"Yung bahay niyo nasusunog" sigaw ni Aling Pontya.

"Nasusunog ho? naku hayaan niyo na huhupa din yon." sabay balik ko sa mga estante ng mga sibuyas. "ANO NASUSUNOG YUNG BAHAY NAMEEEN?" Halos mabingi ako sa sarili kong boses.

Agad akong nagtatakbo sa kinaroroonan ng bahay namin. Hindi lang pala bahay namin ang nasusunog kundi sa buong kaiskwateran. Malayo pa lang natatanaw ko na yung usok kung saan nakatayo yung skwater na kinatitirikan ng aming bahay.

Sad to say, totoo nga ang tsismis buntis si Pia. Charliz angel lang. Totoo ngang nasusunog ang bahay namin kasama ang bahay ng mga kapitbahay aba kung samin lang ang nasunog unfair ano? pinagkaitan? nyemas.

Habang naglalakad ako, Kitang kita ko ang mga kapitbahay naming kapwa nasunugan na halos magwala sa sobrang hinanakit na nakikita ang kanikanilang bahay na nagiging abo na.

Sa di kalayuan nakita ko ang inay na naglalakad papalapit saken umiiyak at halos di na makahinga nilapitan ko siya at niyakap.

"Nak, Wala na ang bahay naten, tanging unan at isang kumot lang ang naisalba ko saka itong 500 daang pisong naitabi ko sa alkansya kong pulbos."

Napabuntong hininga ako sa eksenang yon. Mukhang mapipilitan kaming matulog sa kalsada ng inay okay lang kung ako ang matulog pero siya? Ayokong nahihirapan siya.

"Hayaan mo inay, Hahanap tayo ng pwedeng tirhan sa ngayon?"

Nasa ganong drama kami ng inay ng sumingit naman sa tabi ko ang isang halimaw sa balete.

"Gusto niyo po Aling Lydia samin po muna kayo tumira?" alok ni Roberto samin.

Bwst yang Roberto na yan, Kababata ko yan papol yan e. Crush ko dati kaso ang baho ng hininga amoy nabubulok na bituka ng baboy na hindi nakadighay ng 3 linggo sayang gwapo pa naman yung pagmumukha nangigigil ako diyan sarap toothbrushin.

Ang Bakla Kong KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon