KUS One

42 0 0
                                        

One

Eryll Lei

"Give me the remote."

Kamuntikan na akong masamid sa iniinom kong orange juice ng marinig ang boses nito. Nag angat ako ng tingin para tignan si Lad na ngayon ay naka tayo na sa aking harapan pero ang kanyang mga mata'y naka tuon sa TV.

Ibinaba ko ang basong hawak ko at 'saka dahan-dahan na itinago ang remote sa aking likuran. Mabilis kong ibinalik ang kamay ko sa aking kandungan ng gumalaw ang ulo niya.

"I said give me the damn remote." mariing ulit niya. This time naka tingin na siya sa akin.

I looked away. Hindi ko matagalan na tignan ang kanyang mukha. Ang kanyang mukha that always had a deadly look.

"First come, first serve." I said in a flat tone.

"C'mon, Lei. Don't be childish again."

Nag-angat ako muli ng tingin para tignan siya ng masama. "I'm not! Pag ikaw ang nauuna 'di kita iniistorbo! Just do the same thing!" I shouted.

Geez! Here we are again. Sana pala nanatili nalang ako sa kwarto ko. O mas mabuti sigurong mag pabili nalang ako ng sariling kong TV sa kwarto ko para hindi ko na kailangang bumaba para lang maka nood.

"Pero alam mo ang oras ng panonood ko!" he shouted back.

Mag sasalita pa sana ako pero itunulak na niya ako gamit lang ang isang kamay ng walang kahirap-hirap, na para bang nag hawi lamang siya ng kurtina.

I fell off from the sofa. "You jerk!" singhal ko. He just smirked.

Tumayo ako sa harapan niya, hawak ang siko kong tumama sa sahig. Naka upo na siya ngayon hawak ang remote. Sinubukan kong bawiin iyon ngunit hindi ko magawa dahil itinaas niya. He's taller than me at malayong malaki ang katawan niya kumpara sa akin.

"Damn you, Lad! Give it back!" sigaw ko, pointing at the remote control.

He looked at me iritatedly then he shook his head slowly. "Stop acting like a baby." he said.

I gritted my teeth. Sinamaan ko siya ng tingin pero dahil wala na sa akin ang atensyon niya ay hindi niya iyon nakita. I turned my hands into fist. Inabot ko ang kanyang ulo at hinila ang buhok niyang raven black.

"W-what are you doing?!" sigaw niya habang ngumi-ngiwi dahil sa sakit. Mas lalo kong hinila iyon hanggang sa nakayuko na ito. "Fuck!" he cursed loudly.

Ramdam ko ang bilis ng pintig ng puso ko dahil sa pwersang ginamit ko. At nasisigurado kong namumula na rin ang mukha ko dahil sa inis.

"Stop it, Fuck! ..Or else!"

"Or else? What?" I cut him off, laughing.

Hindi ko makita ang expression sa kanyang mukha dahil nakayuko ito pero base sa boses nito ay galit na galit na siya at mukhang nauubusan na ng pasensya sa akin.

Hinigpitan ko pa lalo ang hawak ko sa buhok niya nang hawakan niya ang dalawang kamay ko. Sinubukan niyang kalasin mga 'yon pero hindi ako nag patinag. I heard him cursed once again. I also heard the remote fell down to the marbled floor but I just ignored it.

Kisses Under the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon