Kabanata 7

1 0 0
                                    

"Hmmmm.."Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko sa aking tabi dahilan para unti-unti kong buksan ang mga mata ko. Napakurap kurap pa ko bago ko sinubukang bumaling sa kaliwa pero ganun pa din ang nakikita ko. Babangon sana ako pero kumirot sa sakit ang ulo ko.

Tsk.

Kaya nakahiga ko na lang pinag aralan ang paligid ko. Inilibot ko ang aking paningin.

Pinaghalong silver at black ang room na kinalalagyan ko. Mas nagmukha pa itong class sa namumukod tangi at kakaibang painting na nakasabit sa dingding malapit sa pinto nitong kwarto. Nagtagal ang tingin ko doon at pilit iniintindi kung anong gusto nitong ipakitang mensahe. Hindi ako maalam sa mga ganitong klase ng art, knowing me na walang talento pag dating sa sining. Bukod sa kama na kinahihigaan ko ay may maliit ding table sa tabi nito na siyang kinalalagyan ng gawa sa kahoy na lampara, parang nagmula pa ito sa ibang panahon kung titignan. May isa din akong pinto na nakikita at sigurado ko na comfort room iyon. Malayo ito sa itsura ng kwarto ko, lalong hindi rin naman kwarto ito ni Suiren dahil makalat iyong babae na yun. Kung ganun ...

Asan ako ?

Napabalikwas ako ng bangon ng mag sink in sa akin na nasa ibang lugar ako ! Kumalabog sa kaba ang puso ko. Agad kong tinignan ang sarili ko.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng makita na iyong suot ko pa din kagabi ang suot-suot ko less the wedge na regalo sa akin ng pinsan ko. W-wait ?!

Si Suiren !

Agad kong hinagilap ng tingin ang kamang kinalalagyan ko para hanapin ang phone ko. Kailangan matawagan ko si Suiren kung anong nangyari kagabi. Marahas kong hinawi ang kumot na tumatakip sa katawan ko.

Wala rito !

Sunod kong tinignan ang unan at iniangat ito.

There you are !

Pagkakuha ko sa phone ko ay agad kong nakita ang mga missed call na galing kay Mama at sa iba kong pinsan. May mga mensahe din akong natanggap pero mamaya ko na babasahin iyon. Mahabang paliwanagan na naman ito panigurado.

I need to talk to Suiren para naman maliwanagan ako. I dialled her number. Nag riring na ito.

I can't help but to bite my lower lip while waiting Suiren to pick her phone up. Dahan-dahan akong bumaba sa kama at maingat na lumapit sa pinto ng kwartong gamit ko. Ni locked ko iyon. Sunod akong lumapit papunta sa banyo saktong pagsagot naman ni Suiren sa kabilang linya.

"Hmmm. H-hello ? S-sino ba ito ? Tsk. Abala eh."halatang nagising lang ito dahil sa tawag ko. Tsk.

Sarap na sarap siya tulog habang ako dito parang matatae na ewan na sa kaba.

"It's me, Belle. Asan ka ba ?"madiin kong tanong dito.

"Bahay."tamad na sagot nito.

Nasa bahay siya ?

"Huh ? Eh asan ako ?"taka kong tanong.

"Sabog ka ba Belle ? Anong malay ko ? Tsaka bakit ba ang hina ng boses mo ?"natatawang tanong nito sa akin.

"Gosh ! Suiren ! I'm serious here !"

"Seryoso din ako dito. Ayan ! Ayan ! Ang dami kasing ininom kagabi tapos ngayon may amnesia na. Tsk."narinig ko pa ang paghikab nito sa kabilang linya.

"Ano bang nangyari kagabi ? Enlighten me !"sabi ko dito na nauubusan na ng pasensya.

"Easy my dear cousin. Baka ikabaog mo yan. Hahaha. Kakaloka ka. Kagabi naalala mo ? Syempre hindi mo nga maalala, ayun nga pinuntahan kita kagabi kaso wala ka na. Ang sabi sakin nun bartender may sumundo sayong lalaki."

The Rule BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon